Chapter 23

69 8 0
                                    

Dumeretso ako sa bahay para kausapin si Janessa at Tin. Pagdating ko doon ay saktong nasa sala silang dalawa at nag-uusap.

"gusto ko kayong kausapin dahil wala dito ang kambal ko at ang beloved niya." dumeretso ako sa tabi ni Tin.

"ano yon mahal na prinsesa?" tanong ni Tin.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Bakit niya ako tinatawag na ganun? tsk !!! Sinumpong nanaman ba ng kaabnormalan niya?

"nakita ko ang bampirang umaaligid sa beloved ko." Napabuntong hininga ako pero hindi ko alam kung saan ko ba ito nakita ! psh !

"baka si Claire ang sinasabi mo na nakita mo?" tsk ! sabi na nga ba! hindi niya matatagalang tawagin akong prinsesa ! ano bang silbi ng sinabi niya kung sa huli ay hindi niya rin naman ako gagalangin? tsk !!

"sino yon?" asik ko.

"bagong kakilala ni Laurent, family friend daw nila pero ang nakapagtataka yung anak lang ang bampira. Hindi ko naman maiutos kay Janessa dahil nararamdaman nila ang isa't-isa ayokong mapahamak si Janessa ng dahil sa gusto kong malaman ang pagkatao non." kibit balikat naman ni Tin. Napaisip ako.

Bakit nga ba hindi siya bumaba kanina para makilala ako ? di sana nagpakilala ako sakanya ng hindi nalalaman ni Laurent ! psh !

"kung ganoon ay nakita mo na siya?" nakasimangot kong tanong kay Tin

"yup, kasama namin siyang pumunta ng Palawan pero umuwi siya agad dahil nagkaemergency daw sakanila." napasimangot pa ako lalo. Kung ganon ay nakaalis na siya bago paman kami dumating. tsk !!

"bakit kailangan niyang gamitan ng hipnotismo ang pamilya ni Laurent?" tanong ko pa dito na parang masasagot niya ng maayos ang tanong ko.

"kasi may gusto siya kay Laurent?" patanong ang sagot niya pero gusto ko siyang singhalan at ibalibag ! pakiramdam ko ay may nagwawala sa loob ko at gusto nitong magwala !

"Illeana ! ang mga mata mo!!" kinakabahang sigaw ni Tin bago lumayo saakin ganun din si Janessa.

Ang nag-iinit kong katawan ay gustong makakita ng dugo !!
Natrigger agad ang katawan ko ng banggitin ni Tin na may gusto iyon kay Laurent kahit hindi pa naman sigurado pero ang isip ko ay agad tumutol at gusto agad pumatay!

"A-anong nagyayari sayo?" ramdam ko ang kaba ni Tin at maganda iyon sa pandinig ko nagbibigay kasiyahan saakin ang kabang nararamdaman niya.

"Mahal na prinsesa kumalma ka please, hindi kita kayang pigilan kapag nagkataon." takot naman ang kay Janessa, Napangisi ako dahil doon. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako at natutuwa akong tinatakot ang dalawang to.

"gusto ko ng dugo." ngumisi pa ako lalo ng manlaki ang mga mata ni Tin 😂😂 Gusto ko ng mapahagalpak ng tawa 😂😂😂
Mabuti nalang at nalibang ako sa itsura niya kung hindi ay baka bumulagta na sa harap nila ngayon ang Claire na sinasabi niya😂😂😅

"Okey Im done, thank you for entertaining me." yumukod pa ako sa dalawa bago ako nagteleport papunta ng kwarto ko. Pagdating ko doon ay saka palang ako tumawa. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng malalakas na katok kasabay g pagsigaw sigaw ni Tin ng pangalan ko. 😂

"Gail !!!!! Lumabas ka jan!!!!" malakas na sigaw nito habang kinakatok ng malakas ang pintuan ko pero hindi ko iyon binuksan😂  Pero ng halos ilang minuto na siya doon ay saka ako naasar .

"grabe hindi man lang nanakit ang kamay niya?" bulong ko sa sarili ko bago muling nagteleport papunta ng condo ko.

Napahiga ako sa kama pagdating ko sa kwarto, muling napqbuntong hininga.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon