Chapter 9

91 2 0
                                    

Pagdilat ng mga mata ko ay agad na kumirot ang ulo ko ngunit hindi ko yun ininda.

“Fuckshit na hang over!” padabog akong bumangon at kinuha ang phone ko agad akong nagtext kay Elle na puntahan ako.

Dumeretso ako sa banyo upang maligo. Dun ako nagbabad hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko, siguro ay si Elle na yon. Binuksan ko ang pinto kahit na wala pa akong suot maliban sa twalyang nakatakip sa lower part ko. Nakita ko siyang tinignan ako mula ulo hanggang paa napalunok pa siya ng ilang beses. Hanggang sa nakafocus nalang siya sa lower part ko gusto kong matawa dahil sa ginawa niya.

“ehem !!” I fake my cough

“a-ahh sorry Sir, na distract ako. Bakit ka naman kasi nagpapakita saakin na nakatapis lang ng tuwalya Diyos ko!! Magkakaheart attack na yata ako.” Nagulat ko sa sinabi niya gusto ko tuloy mapahagalpak ng tawa ngunit nagpigil ako. Pinapaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyak kamay habang nakatingin sa gilid ko

“can you make a coffee for me? Mejo masakit ang ulo ko.” Utos ko

“S-Sir may breakfast ng nakahanda sa baba.” Ramdam ko ang kaba sa boses niya

“its okey but I want a coffee now magpapalit lang ako iwan mo nalang sa dining iinumin ko bago ako bumaba, mauna kana sa restaurant para makakain ka.” Sinarado ko na ang pintuan dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang secretary ko. Pulang-pula na kasi ang kayang mukha. Well Elle is beautiful I cant deny that but she’s not my type and someone already own’s my heart.

Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis at pag-aayos ng sarili ko. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong dumeretso ng dining nandun na ang pinatimpla kong kape, wala na rin si Elle. Pag inum ko ay nakarinig ako ng katok sa pintuan ko. Inubos ko agad ang kape ko bago pinagbuksan ang kumakatok.
“Hi goodmorning.” Nakangiting Claire ang bumungad saakin, gumanti naman agad ako sakanya ng ngiti kahit mejo awkward dahil na rin sa pagiging bampira niya may takot parin akong nararamdaman.

“Goodmorning din,” bati ko

“can I come in?” tanong nito saakin, nagdadalawang isip ako if papapasukin ko siya dahil baka may gawin siyang hindi ko magustuhan pero alam kong sa huli wala naman akong magagawa

“pasok ka, mukhang importante ang sasabihin mo ah.” Nakangiting sabi ko bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Agad naman siyang pumasok at dumeretso sa sala

“well gusto ko lang sabihin na I need to go may problema sa bahay katatawag lang ni Mommy, im sorry.” Nakatingin ito sa mata ko sa problemang binanggit niya wala naman siyang emosyon na nararamdaman sa kanyang mga mata blanko ito.

“w-well wala naman akong magagawa ipapahatid nalang kita sa driver namin, saying naman kung hindi ka pala makakasama saamin.”

“pasensiya na.” yumuko ito ngunit wala pa ring emosyon ang kanyang itsura.

“tara ihahatid kita sa baba.” Naglakad siya palabas ng kwarto ko at pumunta ng kwarto niya hinintay ko lang siya sa labas hindi naman siya nagtagal at lumabas din kaagad.

“tara na.” pakiramdam ko ay may nagbago sakanya, hindi ko na nakikita yung naunang ugali na pinakita niya saakin.

Hindi kami dumaan sa restaurant kaya hindi alam nila Tin na uuwi na siya. Agad siyang dumeretso sa sasakyan ng hotel.

“tinawagan ko na sila kanina pa, wag niyo na akong ihatid kaya ko na.” ngumiti siya sakin at kumaway bago sumakay sa service van

Wala na akong nagawa kaya kumaway din ako hanggang sa mawala ang paningin ko ang sasakyan, dumeretso ako sa restaurant para kumain na ng agahan

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon