Chapter 16

95 3 0
                                    


Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya na siyang nagpapainit sa aking katawan. Gusto kong magmaktol sa sitwasyon ko . bakit ba nangyayari saakin ito? Hindi ba pwedeng kay Russel muna ako kumagat pansamantala ?

“L-Laurent.” Ramdam ko ang nginig ng boses ko. Mejo malayo ako sa kama niya kaya hindi ako sigurado kung narinig ba niya ang boses ko. Naghintay ako ng ilang minuto napaluhod na ako sa sobrang nginig ng katawan ko. Hindi pa rin siya gumalaw kaya lumapit na ako.

“La-Laurent please help me.” Nahawakan ko na siya sa balikat at niyugyog ng kaunti

“Se-Selene?” mejo may kalakasan niyang sabi siguro ay dahil sa gulat niya na nasa kwarto niya ako. Napaupo na ako ng tuluyan namula na ang aking mga mata.

“ca-can you help me? Ple-please.” Desperado na ang boses ko

“a-anong gagawin ko ? tell me.” Ramdam ko nag takot niya hindi ko alam kung saakin o sa nangyayari saakin.

“i-I need your blood. Kailangan kitang kagatin yo-you’re my only chance.” Napapikit na ako at bumagsak ng tuluyan. Ramdam ko ang pagbangon niya sa kama at pagdalo saakin.  Natataranta siya at rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya tulad ng pintig ng puso ko.

Lumapit siya sakin at pinaupo ako, inilapit niya ang leeg niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang bango niya. Pakiramdam ko ay kumislap ang mga mata ko. Napapikit ako ng mariin. Hinawakan ko ang pisngi niya upang iharap saakin ang kanyang mukha.
Agad ko siyang hinalikan sa labi. Natigilan pa siya sa aking ginawa. Hindi ako mrunung humalik ngunit ito ang gusto kong gawin sa ngayon kung tutuusin ay pangalawang halikan na namin ito. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang labi. Ilang kibot pa ng labi ko ay gumanti na siya ingat na ingat siya sa halik na ipinagkakaloob niya sakin. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya.  Bigay na bigay siya sa paghalik saakin samantalang tinatanggap ko naman ang ibinibigay niya. Hanggang sa ramdam ko na ang init ng aking katawan ay iniwan ko ang labi niya at pinagapang ang aking labi sa kanyang leeg. Hinanap ko ang pintig sa leeg niya bago ko iyon kinagat ng marahan. Sinipsip ko ang ilan sa dugo niya. Naunuot sa aking dila ang tamis at bango ng kanyang dugo. Nakakaadik. Nakakaengganyo ngunit alam kong kailangan kong pigilan ang aking sarili kung hindi ay baka mapatay ko siya.
Ilang sandali pa ay kumalma na ang aking sarili . tinigilan ko na ang leeg niya. Tumingin ako sakanya bago hinaplos ang pisngi niya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng aking kapangyarihan dahil sa dugong nakuha ko sa beloved ko.

“Thank you my beloved.” Nginitian ko siya habang nakatitig sa namumungay niyang mga mata. Kita ko ang panghihina niya bago siya tuluyang nakatulog sa mga bisig ko.

Napangiti ako. Alam kong akin ka na gusto mo man o hindi .wala na siyang magagawa dahil namarkahan ko na siya. 😊

Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama niya at kinintalan siya ng halik bago ako tuluyang bumalik sa bahay.

“ayos ka na ba?” bungad saakin ni Eizabel. Napayuko naman ako at napatingin kay Russel

“pasensiya na sa inasal ko, bigla kasing nag-init ang katawan ko at ang kagatin ka yung nasa isip ko.” Hinging paumanhin ko kay Russel ng hindi pinapansin si Eizabel.

“its okey, pero ganyan din ang nararamdaman ni Eizabel saakin kapag kabilugan ang buwan at ganyan din ako sakanya, ibig bang sabihin nito ay may posibilidad na ako din ang beloved mo?” kunot noong tanong ni Russel

“Siguro dahil tao ang beloved ni Gail ay sayo niya yon naramdaman at dahil kambal sila ni Eizabel.” Si Nanay ang sumagot

“ang gulo.” Singit ni Tin

“Im sorry Eizabel.” Dun na ako napayuko sa sobrang kahihiyan.

Naramdaman ko nalang na may yumakap saakin.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon