WARNING!!!! *SPG
-----------
"May girlfriend ka. Ayokong mang agaw, ayokong—" he cut my words with his kiss. Wala akong ginawa kundi ibalik ang mga halik na ibinigay niya sakin. Ginusto ko to, kaya ano mang mangyari kinabukasan oh sa susunod na araw. Sana walang masaktan.
Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at idiniinan ang halik namin hanggang sa habol namin ang aming hininga pero sobrang lapit parin ng mukha namin. "Sasabihin ko sa kaniya. Makikipaghiwalay ako" sa sinabi niyang yun, bigla akong kinabahan. Nataranta ako bigla na para bang may ginawa akong malaking kasalanan.
"No Renz, We'll keep this as a secret. " sabi ko sabay lumayo sa kanya ng konti pero hinawakan niya ulit ang mukha ko.
"Hindi ko kaya Ash! Hindi ko kayang makita ka lang at hindi nahahawakan. Ash please" parang tinusok yung puso ko. Hindi ko maintindihan kung anong nagyayari sakin. Parang hindi ako to! Parang may ibang kumokontrol sa katawan ko maliban sa kin.." Renz hindi pwede. May masasaktan tayong tao kapag ginawa mo yan. Diba wala akong maaalala? Pano kung wala talaga at hindi talaga ako yung taong sinasabi mo? Wag Renz. Well keep this as a secret hanggang sa dumating ang araw na maaalala ko lahat ng sinabi mo sakin kanina. Okay?" Nalungkot ako bigla. Para akong timang! Tama ba to? Nasa tamang katawan paba ko? Tumango siya. Pero nakikita ko sa mukha niya na disappointed siya. Nalungkot nanaman ako bigla. "Okay. But promise me. No I mean, whether you like it or not. Dito ako lagi tatambay at iparamdam sayo ang lahat ng pagmamahal na di ko nagawa nuon. Pero secret lang sabi mo eh. Okay? " pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan na naman niya ko. May narinig akong kaluskos at ramdam kong may pababa ng hagdanan kaya dalidali akong umalis at lumayo kay Renzo. Nakita niya kaya kami?
Hindi naman siguro dahil madilim naman rito. "Love? Renzo? Ashen ke?" Rinig kong tanong ni Eliz. Kumirot bigla yung puso ko at nakita ko itong lumapit kay Renzo tsaka hinalikan sya sa labi at pinulupot ang dalawang paa neto sa baywang ni renzo.
"Sana ako nalang ang gumawa non, sana may naalala ako para may dahilan akong agawin ka sa kanya"
Biglang bulong ko. Wait whaaat??? Bakit ko nasabi bigla yun? Damn! Yung beer!
Dali dali akong kumuha ng beer pero pagdating ko knock out na si Jacob. I mean, silang dalawa ni stan at si key nalang na nakublob yung dalawang paa sa swimming pool habang nakapikit. Tinignan ko si Renzo na nakaupo na malapit kay Eliz na ngayon ay tulog na. Nakatitig lang sakin si Renz at tsaka ngumiti. Nakita kong nilalamig sila kaya tumayo ako at para sana kumuha ng pwede pantakip sa kanila.
Pero kailangan ko ng tulong kaya sinubukan kong tawagin si Key nagbabasakaling gising sya. "Key" inimulat niya ang mata niya. Parang may something yung mga titig niya sakin na hindi ko maipaliwanag. Parang nangungulila?
"Magpapasama sana ako kumuha ng kumot para sa inyo kung okay lang?" Hindi niya ko sinagot at hinawakan lang ang kamay ko tsaka tumayo.
Hila hila nya ko at eto naman ako nagpahila. Alam ba ng lalaking to san ako dadalhin? Alam ba din ba neto kung saan kukuha ng kumot?
"Teka lang key! Kanina kapa hila ng hila sakin ah! Alam mo ba kung saan tayo pupunta!?" Ang sakit ng manghila. "Teka lang ang sakit na ah!" Hinila ko ang kamay ko rito at bakas rito ang mga kuko niya. Damn him!
Nakatitig lang sya sakin tapos may likidong dahan dahang bumaba sa pisngi niya. Is he crying??
Yung isang luhang pumatak naging dalawa, tatlo hangang sa sunod sunod na. "Oh my gosh! Youre crying!" Ngayon palang ako nakakakita ng lalaking umiiyak. Hindi siya gumalaw at nakatitig parin sya sakin habang umiiyak. Wala akong magawa kindi ang mapatakip nalang ng bibig ko. What the hell??
BINABASA MO ANG
Not So Perfect Love Story
FantasyIts a story of a girl with a hidden talent and a hidden charm living in the mortal world. Not until one day, a prince from another world came to get her. Will she go with him? Or just let him go back to the world where the both of them belong.