Chapter Twelve

5 2 1
                                    

I was shocked. How did that happened? At bakit wala akong maaalala o kahit man lang familiar yung pagmumukha nila wala?

"Youre kidding, right?" Tapos tumawa ako pero seryoso paring yung mga itsura nila.

"How come we didnt recognize her?" Biglang singit ni Eliz. "I did" sabat ni renzo na nagpalingon kay Eliz. What now?

"Me too" pagsasabat ni Key sa usapan. Kinakabahan na ko sa mga nangyayari ni isa wala akong ideya kung saan to patungo at ano ang kahahantungan nito?

Nakita ko kung pano nagbago ang expression ng mga kasama ko rito maliban kina Renzo at Key.

"Stop this, baka nagkamali lang kayo" tapos pinulot ko isa isa ulit ang mga pictures. Isa nalang ang kailangan kong pulutin pero naestatwa ako dahil may nakasulat sa likod nito at di ko makita ang larawan dahil nakatalikod ito sakin.

Inangat ko ito at binasa ang sulat and it says,

"Youre the most prescious diamond to me my Princess. I love you

Truly yours, Prince Knight "

Automatically tumulo yung luha ko, na para bang ang sakit sakit para sakin. Nasasaktan ako ng hindi ko alam kung bakit.
Parang ngayon gusto kong makita ang nagngangalang Knight nato at yakapin sya. Pero sino sya?

Tinignan ko ang litrato pero wala akong kahit familiar man lang wala. Pero nararamdaman ng puso ko na hinahanap ko ang lalaking to. Para uhaw na uhaw akong makita siya. Binaling ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko rito sa kwarto tapos isa isa silang tinignan habang patuloy parin sa pag iyak.

"Why are you crying? Do you remember him?" Kitang kita ko sa mga mata nitong nasasaktan sya. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko pero may konting galit ang puso ko ng tinignan ko si Renzo. Ewan ko, hindi ko alam pero parang nararamdaman ko na may kasalanan sya sakin.

"Who's Knight" tanong ko habang humihikbi. Everyone was stunned when I spill those words.

"Hey guys! I saw a lot of golden boxes in I think office yun. Hihi, sorry for ruining the moment.." I dont know what to say. Parang gusto kong mainis na matawa dahil sa inasta niya.  Naunang sumunod si Key kay Julie at sumunod si Renzo, Eliz, Jacobsen na sinundan naman nila Stan at Aui. I stayed here at tinitigan ang pictures. I need an answer for my question earlier!

Tumayo ako mula sa pagkaka luhod at pumunta sa office nila dad. And there I saw them arranging a lot of golden boxes. Para san yun? Key was about to open one when I shouted at him.

"No!!! Dont open that!! " nagtagpo ang kilay niya sa sinabi ko tapos kinuha ko sa kanya ang box nayun.  I read the quoted words in there and it says "Brother memories" .

"Why?" He asked."My parents told me not to open this no matter what" I honestly said.."You remembered?" Aui asked.."No, napanaginipan ko lang kanina"


"Its not a dream Ash, its a memory. Malamang ayaw nilang buksan to kasi dito lahat nakatago ang memory mo kung paano ka nila kinuha sa kaharian"  Pagpapaliwanag ni Key. Tumango lang ako sa sinabi niya at binuksan ang box na hawak ko.

When I opened it , may spark na lumabas at biglang nawala. Kasabay ng paglaho ng spark ang pagsakit ng ulo ko.

Ouch! Whats happening??

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit na parang may nag fa flash sa ulo ko. Maraming nangyayari.

"Hey! Hey! Look at me. Relax! Inhlae! Exhale!!" I looked at Stan dahil sa sinabi and does what he says pero wala parin effect!

Masakit parin sobra, until the flashed memories became cleared.

"Kuya Key, bakit ayaw mong sabihin natin sa kanila na magkapatid tayo? Kinakahiya mo ba ko?" Tanong ng batang babae sa batang lalaki. Kuya Key??

"No ash! Of course not. Pinapahalagahan at pinoprotektahan ka lang ni kuya okay? Its not that I dont love you. At hindi naman sa lahat ng tao ililihim natin. Siguro well tell our friends soon okay?" Sabi sakin ni Kuya Key. 

And then another memory flashed.

Nasa kama ako umiiyak dahil gusto kong makita ang kuya ko pero isang oras pa bago sya dumating. I hated him that time pero sa huli, nasuyo niya rin ako tapos tinabihan ako sa kama at yinakap and then kissed my forehead right after I fell asleep.

"Why" sabi ko habang umiiyak nanaman. Nagiging iyakin nako sa araw nato ah! Pero wala eh. Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya pero hindi ko alam kung masasagot ba nilang lahat yun. I looked at my kuya Key, at dun ko narealize na kaya pala. Kaya pala sobrang komportable kong natulog habang kayakap sya kagabi dahil noon pa pala namin yun ginagawa at nakasanayan na naming gawin yun.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni kuya, dalawang taon lang ang  agwat namin. Magsasalita na sana siya pero I hugged him tight tapos umiyak ng umiyak. Hindi siya nakagalaw at halata sa kanya ang pagkagulat. Naramdaman kong pinulot niya box na binuksan ko kanina tapos binitawan eto at niyakap rin ako pabalik.

Sobrang higpit ng yakap niya, punong puno ito ng pagmamahal. Punong puno ng pangungulila.

"Why didn't you tell me nung una nating pagkikita?" I asked him habang kayakap siya. Hindi ko pinutol ang pagitan naming dalawa dahil sobrang namiss ko siya. All my life I thought I was alone. Yun pala, may kuya akong naghihintay sakin na bumalik ako.

"Its because you didn't recognize me. At base sa inasta mo nun halatang hindi mo ko kilala o kami. Im so glad you remember me now princess" he said. Umiiyak na rin siya, nababaklaan nako sa kuya ko. T.T

"Ihhhhh, naiiyak narin ako. Pati tong si julie umiiyak na. Si eliz naman malapit ng tumulo ang luha. Si jacob, Renzo, at stan kunwari pang di umiiyak eh halata naman sa pulang ilong. Tss! Gamit pa kayo ng invisible! Hindi rin naman matatago yang epekto ng pag iyak mga gago! Bakit ba kasi kayo umiiyak eh naiiyak narin kami hindi namin alam ang dahilan. " natawa ako sa sinabi ni Aui. Akala ko ba ayaw nilang murahin sila? Nasakal panga ako nung minsang minura ko si Renzo tapos etong si Aui.




"He's my brother/She's  my Sister" sabay kami ni kuya ng pagkasabi kaya natawa kaming pareho tapos hinug namin yung isat isa. Gulat silang lahat dahil sa sinabi namin pero nakabawi rin sa huli at sinuntok nila si kuya na kesyo akala nila mag jowa kami. AHAHHAHA mga tarantado talaga.

Ooopppss. Sana naman kung ano pa ang malaman ko hindi magbago ang turing ko sa mga to at ganun din sila.

I kissed my kuya in the cheeks tapos hinug sya ulit. Finally, I found a family to treasure ❤


~~~~~~~~~~♡♡♡♡♡♡♡

Charaaaaaaaannn!!! Kala nyo rin may something si Key at Ashley no!? Akala ko rin eh. AHAHAHHAHAHA yung pagkakagawa po ng story ko is unplanned. Kung ano lang yung  pumasok sa isip ko at yun yung isusulat ko. Btw! Dont forget to Vote! And please  do comment kahit ano wag lang nakakasakit. I know maraming errors pero please, pagpasensyahan niyo na. Tao lang palaging nagkakamali.

♡Jereline♡

Not So Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon