Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kinatatakutan .
Yung iba takot sa multo, takot sa mga mababangis na hayop, takot sa mga insekto, takot sa mga masasamang tao, takot sa mga adik at kung ano ano pang klase ng takot.
Bakit nga ba tayo natatakot?
Natatakot tayo kasi baka saktan tayo, natatakot tayo kasi baka may hindi magandang epekto sa atin ang isang bagay.
Ang takot ay isang paraan ng kaaway na pinapairal niya sa atin para mabawasan ang pananampalataya natin.
"The devil is like a roaring lion.. Looking for someone to devour"
Kapag alam ng kaaway na tayo ay masyadong mahina o nawawalan na ng pananampalata, uumpisahan na niyang sakupin ka. Kaya maging wais tayo sa mga bagay bagay.
Scripture :
"And do not fear those who kill the body but cannot kill the soul. But rather fear Him who is able to destroy both soul and body in Hell" - Matthew 10:28
Ang mga bagay dito sa mundo ay hindi natin dapat katakutan. Mga gawa gawa lang sila ng tao at kayang kaya kang protektahan ni Lord mula sa kanila.
Sabi nga ng favorite verse ko :
"Huwag kang magmukang salapi; masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan ni pababayaan man" . Walang pag-agam-agam na masasabi natin, "Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, Hindi ako matatakot, Ano ang magagawa sa akin ng Tao?" - Hebrew 13:5-6
Palalimin pa natin ang pananampalataya natin ng sa gayon mawalan ng dahilan ang kaaway para sakupin tayo.
Alam niyo ba yung kwento ni Pedro ? .
Nakita ni Pedro si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig ..
Namangha si Pedro at ninais niya na makalakad rin sa tubig at makalapit kay Jesus .
Pinalapit siya ni Jesus at dahil sa pananampalata ni Pedro naglakad siya sa tubig ..
Si pedro ay nakatingin na kay Jesus, Pero tumingin parin siya sa malakas na hangin at bagyong paparating .
Agad siyang nakaramdam ng takot at pag aalinlangan kaya nagsimula na siyang lumubog .
"Napakaliit ng iyong pananalig!"
---
Kung minsan ganyan tayo eh . Nakatingin na tayo kay Jesus pero dumadating parin yung pagkakataon na nawawalan tayo ng pananalig dahil sa bigat ng mga sitwasyon na dinaranas natin .
Subukan nating ibigay ang lahat kay Lord.
Choose Jesus Christ as our personal Saviour..
Ibigay natin saKanya ang lahat ng problema natin, at lahat ng takot na nasa puso natin at Siya na ang bahala.
Hihilumin niya ang bawat takot na nandyan sa puso mo. Hinding hindi ka niya pababayaan.
I sought the Lord, and He heard me, and delivered me from all my fears - Psalms 34:4
For God has not given us a spirit of fear, but power and of love and of a sound mind - 2 Timothy 1:7
Hindi gusto ni Lord na tayo'y matakot o panghinaan ng loob ...
Ang gusto Niya ay matuto tayong maging matapang …
Matapang HINDI dahil para mag feeling siga tayo …
Matapang dahil alam natin na hinding hindi niya tayo pababayaan at iiwan …
Matapang dahil buong puso tayong nagtitiwala sa kanya ...
"Do not be afraid"
Do not be afraid written in the bible 365 times .
365 days ang meron sa isang taon, ang nais lang iparating nun ay walang dahilan para matakot tayo sa araw araw . Trust in the Lord :)
Key :
The Lord your God will be with you wherever you go. Trust Him. Do not be afraid
Prayer :
Lord, thank you for always there beside me. Thank you also for not leaving me even if sometimes I have doubt in you . Im sorry for doubting you but from now on I choose You to be my personal saviour. Lord, please come to me,Touch my heart so that I may not be able to afraid in every situation comes in my life.