Lucas 15:11-32
11 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake:
12 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay.
13 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay.
14 At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan.
15 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy.
16 At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya.
17 Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom?
18 Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin:
19 Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.
20 At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan.
21 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo.
22 Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:
23 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa:
24 Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa.
25 Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan.
26 At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon.
27 At sinabi niya sa kaniya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling.
28 Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok: at lumabas ang kaniyang ama, at siya'y namanhik sa kaniya.
29 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniyang ama, Narito, maraming taon nang kita'y pinaglilingkuran, at kailan ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos; at gayon ma'y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing, upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan:
30 Datapuwa't nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya.
31 At sinabi niya sa kaniya, Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin.
32 Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.
----
Ang alibughang anak ay labis na nagkasala sa kanyang ama ngunit ng siya'y bumalik ay hinandugan siya ng isang kasiyahan.
Mabigat na nga yung pagkakasala niya pero hinandugan pa siya ng kasiyahan ? bakit ganun ?
Ganito kasimple yan...
Isipin natin tayo ang alibughang Anak at ang ama natin ay ang Diyos.
Labis na ikatutuwa ng Diyos kung tayo ay magsisisi sa ating mga kasalanan at magbabalik loob sa kanya.
Pinapakita lang na hindi natin kaya mabuhay kung tayo lang, kailangan natin ang Diyos sa buhay natin.
Huwag mong sasabihing kaya mong mabuhay mag isa. 'Coz we are nothing without God. God is Everything to us..
Kung nagkasala humingi ka ng tawad sa Diyos, at magsisi, magbalik loob. At buong puso ulit tayong tatanggapin ni Lord.
Minsan na natin siyang tinalikuran, Pero ni minsan hinding-hindi tayo tinalikuran ni Lord at never niyang gagawin yun.
Tulad nga ng kwento ni Bro.Bo Sanchez. Napanood ko lang yung preaching niya sa tv.
Ang sabi niya:
God is like Indiana jones and we are His treasure..
Ano ba si Indiana jones di ba naghahanap siya ng kayamanan ? hindi siya tumitigil hanggat hindi siya nakakahanap.
God is like Indiana Jones. Hinahanap tayo ng Diyos kasi tayo ang kayamanan niya hinding hindi siya titigil hanggat hindi niya tayo nahahanap. Hinding hindi siya titigil hanggat hindi tayo nagbabalik loob sa kanya.
Kahit ilang beses kang magkasala hinding hindi titigil si Lord na patawarin ka. Paulit ulit ka niyang tatanggapin hanggang sa ikaw mismo sa sarili mo mahiya at wag nang magkasala pa.
Hindi porket paulit ulit niya tayong tinatanggap ay paulit ulit din tayong magkakasala. Matuto tayong mahiya at makaramdam. Nasasaktan si Lord sa bawat pagkakasalang ginagawa natin.
Humingi tayo ng tawad at magsisi. Ito na ang tamang panahon para magbalik loob.
Key :
God is patiently waiting for you until you say yes to Him.
Prayer :
Lord, Thank you for always there for me. Ilang beses man ako magkasala hinding hindi mo pa rin ako iniiwan. Lord thank you. Today I repent, I dont want to loose you Im nothing without you God. Please accept me again.