Parents

125 4 0
                                    

Honor your Father and your Mother
Exodus 20:12


Honor your parents.

How do you honor your parents?

By respecting and obeying their commandments to you?

Then Good :)


The question is until when ?


Susundin lang ba natin sila kapag may kailangan tayo ? Tapos kapag hindi nila kayo pinagbigyan ay magagalit tayo sa kanila ? .

Ang paggalang o pagsunod sa magulang ay wala dapat hangganan. Hangga't nandyan sila o maging sa kabilang buhay ay mahalin at igalang natin sila. Dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila at higit sa lahat binigay sila ng Diyos upang mabuhay tayo at upang gabayan din tayo sa araw araw.

Sila ang nagsilang sa atin. Wala tayo kung wala sila.

Noong bata pa tayo, nagpapakapuyat sila para lang palitan yung diapers natin o di kaya naman kapag umiiyak tayo sa madaling araw dahil sa gutom.

Nung medyo lumaki na tayo; nandyan parin sila inaalagaan tayo, Ni hindi nga nila hinahayaan na madapuan tayo ng langaw, hindi rin nila tayo hinahayang gumawa ng gawaing bahay dahil sa bata pa tayo noon.

Ang laki ng paghihirap ng mga magulang natin para sa atin. Bilang pasasalamat kailangan natin silang respetuhin at mahalin.


Based on my observation, sa panahon ngayon karamihan sa mga kabataan ngayon ay ang lalakas kung makasagot sa magulang.


Bakit ?


Kasi hindi nasusunod yung gusto nila.

Kasi pinagbabawalan sila sa gusto nila.


Kasi kesyo masyadong nangigialam yung mga magulang.


Lahat ng pangingialam, pagbabawal, at pagtanggi sa kagustuhan natin ay may dahilan.


Ano-ano yun?


Una, pinoprotektahan lang nila tayo

Pangalawa, alam nila na hindi iyon makakabuti sayo.


Puro kabutihan lang ang iniisip ng mga magulang natin para sa atin.


Ano ba naman yung pagrespeto at pagmamahal di ba . Hindi naman siguro yun big deal para ipagdamot sa kanila.

Balang araw maiintindihan din natin yung mga ginagawa nila para sa atin. Maiintindihan natin iyon ng lubos kapag naging magulang na din tayo.


At isa pa, sabi nga nila ang mga magulang ang unang guro natin.


Tinuruan nila tayong maging mabuting tao. At hinding hindi nila tinuro ang sumagot at magalit sa magulang.


Ang mga magulang din ang nagtuturo sa atin upang makilala natin ang Diyos. Sa bahay nagsisimula ang lahat sa tulong ng pagtuturo at paggabay ng mga magulang natin.


Ako, aminado naman ako na isa din ako sa mga kabataang wagas kung sumagot sa magulang . Dumating sa point na naghiwalay yung mga magulang ko.


Then naisip ko na siguro parusa lang yun sa mga ginawa ko. Narealize ko na sobrang hirap mabuhay ng walang magulang.


Although kasama ko naman ang papa ko. Iba parin talaga kapag kompleto. Kakaibang kasiyahan kapag kompleto ang pamilya.


Dahil dun sa realization na yun, nagbago na lahat. Kinilala ko si Lord. Nang makilala ko si Lord dun na ako nagsimulang magbago. Sobrang takot talaga ako sa pagsuway sa kanya especially kapag parents ang pinag uusapan.

--

Kung ikaw ay iniwan, pinabayaan o inabanduna ng mga magulang mo.

Huwag kang magtatanim ng sama ng loob.

Kasi lahat ng nangyayari ay may dahilan.

Baka wala pa silang kakayahan na bigyan ka ng magandang buhay kaya ibinigay ka muna nila sa taong makakatulong sayo.

Isipin na lang natin na hindi ka nila hinayaang magutom. Inisip parin nila yung ikabubuti mo.

Kaya magpasalamat tayo na binigyan tayo ng Diyos ng mga magulang tulad ng mga parents natin ngayon :)



Key :

     Honor your parents .

Prayer :

   Lord, Im so thankful for giving me my lovely parents. Teach me to show my love and respect on them until the end. Give them a long life so that I may be able to be with them for the longest time and teach the young people today to honor their parents. Amen. Glory to God ! :)

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon