Faith

188 4 0
                                    

Now faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see
Hebrew 11:1

--

Faith o pananampalataya.


Yan ang isa sa mga katangian ng isang tao na naniniwala sa Diyos.

Kahit na hindi natin nakikita ang Diyos, naniniwala pa rin tayo sa kanya.

Kasi naniniwala din tayo na tapat siya sa kanyang mga ipinangako.

Pero hanggang saan nga ba ang pananampalataya natin ?? .

Tuwing may kailangan ba tayo ? Naniniwala tayo sa Diyos. Tapos kapag wala o kaya naman kapag minamalas tayo ay wala tayong pananampalataya sa kanya ?? ..


Ang totoong nagmamahal at naniniwala sa Diyos ay walang hangganan ang pananampalataya.


Kahit na gaano pa kamalas ang buhay mo o kahit gaano pa kahirap ang buhay natin ngayon matuto tayong magtiwala at manampalataya sa Diyos.


Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga ipinangako kaya magtiwala tayo sa kanya.


Ako, Ni minsan hindi ako binigo ng Diyos. Yung mga bagay na gusto ko ibinigay niya. Sige, sabihin na nating may pagkakataon na may bagay na may hiniling ako pero hindi niya ibinigay.


Yun ay dahil sa iniisip niya yung mas nakakabuti sa akin .. Hindi man niya ibinigay atleast pinalitan niya ng mas the best. How great our Lord is. Puro kabutihan lang ang iniisip niya para sa atin. Glory to God !

Sumagot si Jesus, "Manalig kayo sa Diyos" . Tandaan ninyo ito: kung sabihin ninuman sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan: tumalon ka sa dagat' na hindi siya mag aalinlangan kundi nananalig na mangyayari ang sinasabi niya, ito'y gagawin ng Diyos para sa kanya.

Kaya't sinasabi ko sa inyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo
Mark 11:22-24

Kahit yung mga bagay na imposible kung nananalig na mangyayari ito, mangyayari talaga yun.


All things are possible with God.

Itulad natin yung pananampalataya natin katulad ng kay Abraham. Sa laki ng pananampalata niya kahit ang kaisa isa niyang anak ay inihandog para sa Diyos.

Kasi naniniwala siya na muling bubuhayin ng Diyos si Isaac para tuparin ang pangako nitong padadamihin ang lahi niya tulad ng mga bituin sa kalangitan.

Si Abraham, Isaac, Sara, Moises, Noah at marami pa. Ilan lang sila sa mga taong labis labis ang pananampalataya sa Diyos . (read Hebrew 11)


"His Lord said to him, well done, good and faithful servant; you have been faithful over a few things, I will make you ruler over many things. Enter into the joy of your Lord'
Matthew 25:23


Kung sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan ka,

Kung sa maliit na bagay ay nanampalataya ka ,


Pagpapalain ka ng Diyos.

Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga ipinangako.


Have FAITH in God

Believe in Him .


Be a follower of God .


Key :

     Have faith in God :)

Prayer :

   Lord, With all my heart I believe in you. I have Faith in you. Sorry sa mga pagkakataon na humihina ang pananampalataya namin dahil sa hirap ng buhay. Ipinapanalangin po namin na palakasin niyo pa po ang aming pananampalataya namin sa iyo ng sa gayon ay mas sapat na lakas kami upang harapin ang hirap ng buhay. Sa iyo po kami humuhugot ng lakas ng loob. Thank you for always there beside me.

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon