Kaibigan ...
Ito yung taong malapit sa atin na kung saan ay kasama natin sa saya at kalungkutan. Kasama sa mga trip sa buhay, kung minsan pa nga ay itinuturing natin silang parang sarili na nating mga kapatid eh ..
Pero paano kung isang araw binigo ka niya o kaya naman nagkasala siya sayo ?
Anong mararamdaman mo ?
Siyempre malulungkot o kaya naman magagalit ...
Kasi naman sa dami ng magkakasala sayo ay yung kaibigan mo pa di ba ?
Patatawarin mo ba siya ??
The Scripture Says :
Luke 17:3,4
Take heed to yourselves. If your brother sins against you, rebuke him; and he repents, forgive him.
And if he sins against you seven times in a day, and seven times in a day returns to you, saying, "I repent" you shall forgive him.
Kung magkasala siya sayo Pitong beses patawarin mo. Kung magkasala mang sya pitong beses ulit at humingi ng tawad ay patawarin mo . Lahat tayo ay dapat matutong magpatawad tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa mga kasalanan natin .
Minsan sa sobrang bigat ng kasalanan ng isang tao naiisip nating gumanti. Mabigat na kasalanan ang gumanti kaya sana wag natin ito nanaisin."Bless those who persecute you; bless and do not curse" Romans 12:14
Kung patuloy man siyang magkasala sayo hayaan mo na huwag mo nang gantihan as the lord says "Beloved do not avenge yourselves, but rather give place to wrath; for it is written "Vegeance is Mine, I will repay" Romans 12:19
Minsan may nagsabi sa akin na kapag ang isang tao ay nagawan ka ng mabigat na kasalanan patawarin ko daw siya 'wag daw akong magtatanim ng sama ng loob sa isang tao, wala namang masama kung hindi ko na siya kakausapin atleast napatawad ko siya at wala akong sama ng loob sa kanya .
Kalugod-lugod sa pananingin ng Diyos ang taong marunong magpatawad lalong lalo na yung mga taong hindi marunong magtanim ng sama ng loob.
Oo , sabihin na nating mahirap magpatawad lalo na kung sobrang bigat ng kasalanang nagawa...
Pero isipin mo na lang kung gaano kalaki ang kasalanan mo sa Diyos pero nagawa ka pa rin Niyang patawarin.
Ang ama natin sa langit ay marunong magpatawad, ikaw pa kayang anak ng Diyos ?
"And whenever you stand praying, if you have anything against anyone, forgive him, that your Father in heaven may also forgive you your trespasses,
But if you do not forgive, neither will your father in heaven forgive your trespasses". Mark 11:25-26
Key :
Learn to forgive someone :)Prayer :
Lord, please teach me to forgive someone as you forgive me. Put on my mind that revenge is not a good thing . Bless those people who do not curse their enemy, bless those people know how to forgive. Amen.