Truth

147 4 0
                                    

"Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit"
Matthew 7:21

--


Tapat ka ba ?



Tapat ka ba sa magulang mo ? E sa mga kaibigan mo ?, sa mga taong nasa paligid mo ?



How about kay Lord tapat ka ba ? ..




Alam natin na may mga taong over over magsimba. Yung halos linggo linggo nakikita nating nagsisimba o kaya naman lagi lagi natin nakikitang nagdadasal yung tipong mapapasabi ka na lang ng "Bilib ako sa kanya ang lakas ng pananampalataya niya"



Ang tanong ...



Totoo ba lahat ng yun? . Tapat ba siya sa ginagawa niya ? .



Mga kapatid, ang sabi ni Lord ay hindi lahat ng tumatawag sa kanya ay makakapasok sa langit kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng Diyos .



Lagi nating sinasabi na Mahal natin ang Diyos pero palagi naman tayo nagkakasala, ayaw nating talikuran ang mga kasalanan natin. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ng Diyos ? Hindi..



Kung totoong Mahal natin ang Diyos gawin at sundin natin ang kalooban niya. Gumawa tayo ng mga bagay na ikatutuwa Niya. Tapat ang Diyos sa nilikha Niya, bilang kapalit dapat maging tapat rin tayo sa kanya..



Huwag tayong maging makasalanan, at mapag imbabaw.




"Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit"
Matthew 5:15-16



Minsan kahit ang pagiging Kristiyano natin ay pang display lang, lagi kang nakikita ng tao na nagsisimba, nagdadasal pero ang tanong totoo ba lahat ng 'yon? . May mga tao kasing gumagawa lang ng kabutihan para gumanda ang imahe nila sa ibang tao.




Kapatid, kung gagawa ka ng kabutihan sa kapwa mo siguraduhin mong tapat at totoo lahat ng iyon. Hindi dahil lang sa gusto mong maging tanyag o dahil sa gusto mong bumango ang pangalan mo sa tao.



Kung tutulong ka sa ibang tao siguraduhin mong bukal sa puso mo hindi yung napilitan ka lang  .




Ugaliin nating maging tapat sa lahat ng oras, sundin natin ang kalooban ng Diyos ng sa gayon tanggapin Niya tayo sa langit at maging karapat-dapat tayo sa paningin Niya ..







Key :

   Maging tapat sa lahat ng oras

Prayer :
   Lord, turuan Niyo po kaming maging tapat sa lahat ng oras ng sa gayon tanggapin mo kami sa Langit.

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon