Scripture :
"Gayon din naman, ang paghahari ng Diyos ay ganito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya'y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon."
Matthew 13:45-46-----
Para sayo ano ba ang mahalaga ? ..
Mahalaga ba sayo yung mga bagay na meron ka ngayon?.
Mahalaga ba yung kayamanan mo?
Sa panahon natin ngayon, masasabi nating mahalaga ang mga bagay na meron tayo ngayon...
Kasi nasa modernong panahon na tayo ngayon ..
Katulad ng cellphone mahalaga yan para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay, Yung mga damit para may maisuot tayo at kung ano ano pa ..
Sa tingin mo, Yan na ba ang mahalaga ngayon? O meron pang mas mahalaga dun ?
Siyempre, Oo, may mas mahalaga pa dun .
Ang pagmamahal, pagkalinga, at sakripisyo ...
Kung minsan ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay hindi yung kumikinang na perlas, umaapaw na pera, at kung ano ano pang magagandang bagay. Ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay yung nanggagaling sa puso. Yung pinaglalaanan ng effort.
Yung mangangalakal dun sa scripture, lahat ng meron siya, lahat ng ari-arian niya ay ipinagbili niya para lang sa isang perlas na akala niya ang pinakamahalagang bagay.
Yun ang pagkakamali niya, na kung saan ay pagkakamali din natin .
Bakit ?
Ang mga materyal na bagay ay walang halaga kumpara sa mga bagay na meron ka bago mo pa nakilala ang salapi.
Ano-ano yun ?
Yung mga magulang mo, yung pagmamahal nila para sayo, yung sakripisyo ng mga kaibigan mo para sayo. Specially si Lord.
May mga pagkakataon na nabubulag tayo sa mga kayamanan ng mundong ito.
Lalong lalo na kapag pera ang pinag uusapan. Nandyan yung nakakalimutan na natin si Lord kasi mayaman na tayo. Kaya na nating magkaroon ng mga bagay bagay ng walang tulong Lord.
Ang sakit isipin na mas sinasamba ng iilan ang kayaman sa mundong ito..
Kapatid, tunay na napakayaman mo kung naghahari ang Diyos sa puso mo. Huwag natin pagtuunan ng pansin ang mga bagay sa mundo bagkus pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay na makalangit.
Think of what is above, not of what is on earth
Colossians 3:2Kilalanin natin si Lord bago ang mga bagay bagay. Kapag nakilala mo na siya matututo kang makuntento sa buhay ..
Yung tipong kahit simpleng bagay lang yung binigay sayo, titingnan mo ito bilang isang malaking blessings.
Ako, noon, nung hindi ko pa kilala si Lord, ang laging pumapasok sa utak ko ay magpayaman. Kailangan pagdating ng araw mayaman ako para mabili ko lahat ng gusto ko.
Pero nung nakilala ko na si Lord, mas nakuntento ako sa mga bagay na meron ako ngayon, hindi ako naghahangad ng malaki. Kung ano ang ibigay ni Lord nagpapasalamat ako. Kung kalooban niya bigyan ako ng malaki tatanggapin ko, kung maliit tatanggapin ko parin, kahit ano pa yan ipagpapasalamat ko. Ang mahalaga sa akin ay nasa puso ko si Lord.
Wala man ako ng mga bagay na uso ngayon, basta nasa puso ko si Lord kuntento na ako.
Kung gusto mong labis na maunawaan yung nararamdaman ko, kilalanin mo si Lord, papasukin mo siya sa puso mo.
Key :
May mga kayamanan na hindi natutumbasan ng salapi.
Prayer
Lord, Simula araw na ito ay pinapapasok ko na kayo sa puso ko pati na din sa buhay ko. Nawa'y ikaw po ang maghari sa puso ko. Turuan niyo po kaming huwag maging abala sa mga bagay dito sa mundo. Lord, higit na mas mahalaga ka po kesa sa mga bagay dito sa mundo. Ang lahat ng papuri ay sa iyo Panginoon.