Brokenness

158 5 0
                                    

Broken Hearted ..

Walang Pera ...

Walang trabaho ...

Kabundok na utang ...

Problema sa pamilya ...

Hindi makapag aral...

Binigo ng kaibigan ...

Sandamakmak na problema ..

Problema doon problema dito.. Pagod ka na ba ??

Pwes magpahinga ka ..

----

Sa panahon ngayon kahit saan tayo magpunta hindi tayo lulubayan ng problema. Hindi tayo makakatakas sa problema.


Ang tanging solusyon dyan ay ang pagsusuko natin sa mga problema natin sa Diyos.


Hayaan mong tulungan ka niya. Lagi Siyang nandyan sa tabi natin. Hindi Niya tayo pinapabayaan kaya hayaan mong tulungan ka Niya.



Huwag tayong matakot sa pagharap sa mga problema. Buong tapang natin itong harapin kasama si Lord kasi hinding-hindi niya tayo pabaayaan. Mula umpisa hanggang sa huli sasamahan ka niya sa pagharap nito ...


Isaiah 41:10
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

----


Bakit nga ba tayo hindi nawawalan ng problema ??


Kasi ang problema kasama na yan sa buhay natin. Binibigay ng Diyos yan sa atin upang subukin tayo.


Sinusubok Niya kung hanggang saan ang kakayahan natin, sinusubok Niya kung gaano tayo katapang harapin ang mga problema at higit sa lahat sinusubok Niya tayo kung hanggang saan ang pananampalataya natin.


Huwag nating isisi sa Diyos ang lahat sapagkat ginagawa Niya lang ito para sa ikabubuti natin.



Dapat pa nga tayong magpasalamat kasi puro ikabubuti natin ang iniisip ni Lord.


"If you ever feel God taking something from your hand dont get sad. He is only emptying it so you can get something better"  (credits to iLoveRabonni7 for the quotes. Basahin niyo din yung gawa niya: 365 days with God :))

---

Isipin natin kung anong mangyayari kapag walang problema ...



Di ba lahat ng bagay ay magiging masaya ..




Lahat ay magiging perpekto ..




Pero kung ang lahat ay perpekto ...




Makikilala pa ba natin si Lord ? Magagawa pa ba natin Siyang lapitan ??




"Anak, kung ang mundong ito ay perpekto makikilala mo pa kaya ako ?"

--



"Brokenness is Gods way of telling us that we need him more than anyone else."
(credits to iLoveRabonni7 for the quotes. Basahin niyo din yung gawa niya: 365 days with God :))




Ang problema ay isa sa mga paraan ng Diyos para makausap tayo.




Kasi nakakalimutan na daw natin siyang kausapin, kinakausap lang daw natin siya kapag may kailangan tayo.





Kapag hindi na natin kaya di ba nagdadasal tayo at humihingi ng tulong niya.




Pero kapag wala naman, ayun dinededma natin si Lord.




Siguro ang nasa isip ni Lord ay ganito :

"Anak, sobrang saya mo na sa sarili mo ah. Hindi mo na ako kinakausap, nakakalimutan mo na ako. Pasensya ka na pero kailangan kong gawin 'to bibigyan kita ng problema para sa kahit ganung paraan kausapin mo naman ako...." 




Hindi ka ba nakokonsensya ?




Lets put God in every hour, every minute, every seconds of our lives ..



Problema lang yan.. wala yang magagawa sa atin .


You have a big God :)



He will never leave you nor forsake you .



Handa ka Niyang tulungan kahit sa mga panahong hindi mo siya kilala...




Key :
      "Brokenness is Gods way of telling us that we need him more than anyone else."

Prayer :

    Lord, Thank you for always there beside me. If being broken is your will, then I am willing to be broken. I know it is just for my own good. Thank you for teaching us a lessons.

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon