Temptation

127 4 0
                                    

Napasabi ka na ba nang

.

.

.

.

.

.
Lord, patawad po hindi na po ako uulit..




Pero ilang araw lang ang nakalipas nagkasala ka na naman. Mapapasabi ka na lang ulit ng




Lord, sorry nagkasala na naman ako. Tao lang ako natutukso.





Ilang araw na naman ulit ang nakalipas nagkasala ka na namang muli at ang tanging dahilan mo ay Natukso ka lang.





Ang tukso normal na sa atin yan. Kahit saan ka magpunta kasama natin yan.





Ang tukso ay pamamaraan ng kaaway para mapalayo tayo sa Diyos.





Kung anu-anong paraan ang ginagawa ng kaaway para tuksuhin ka. Kaya maging maingat.





Ang simpleng pag eemote mo ay puwedeng gamitin ng kaaway.






Sasamantalahin niya ang kahinaan mo.





Napapansin niyo ba na kapag feeling niyo nalulungkot kayo, kung ano ano yung pumapasok sa utak niyo, kung minsan pa nga parang merong boses na bumubulong sa iyo. Sinasabihan ka ng Ito gawin mo ito, kapag ginawa mo yan sasaya ka.





Oo, sasaya ka pero panandaliang kasiyahan lang, tapos nagkasala ka pa.





Ang panlilinlang ay isa sa mga paraan ng kaaway para makagawa ka ng kasalanan.






Papaniwalain ka niya na makakapagbigay kasiyahan sayo ang isang bagay.






Halimbawa nito ang pag inom ng alak. Bubulungan ka niya ng Sige maglasing ka, kasi kapag nalasing ka mawawala lahat ng problema mo.






Kapag sinunod mo ang sinabi niya matutuwa siya kasi sinuway mo si Lord, kasi nagpadala ka sa tukso.





Pagkatapos nun pauulanan ka niya ng guilt. Kokonsensyahin ka niya ng todo todo hanggang sa manlumo ka sa sarili mo.





Kapag pati sarili mo ay sinisisi mo sasamantalahin niya yun para sa panibago na namang kasalanan.





Be optimistic. Be positive.






Kasi kapag positive tayo sa buhay ibig sabihin nun hindi tayo nawawalan ng pag asa, kasi alam nating may tutulong sa atin which is si Lord.






Lagi nating isipin si Lord, Lagi nating isapuso si Lord ng sa ganun hindi makalapit sa atin ang kaaway.


"Sa wakas kapatid, maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri; mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang"
Filipos 4:8





"Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo"
Santiago 4:7







Submit all your worries, doubt, problem, even temptations to Him and God will help you. Just pray to God.




Kung pakiramdam mo may gusto na namang manukso sayo, start praying. Ipagdasal mo na sana layuan ka ng tukso hingin mo sa Diyos na sana 'wag kang lapitan ng tukso.



sabi nga sa kanta di ba Oh tukso layuan mo ako ...





" Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso, Ang espiritu'y nakahanda ngunit mahina ang laman"
Mateo 26:41





Pray lang ng pray para layuan tayo ng tukso. Nang sa gayon hindi na ulit tayo bumalik sa pagkakasala.






"Ngayong ito'y alam na ninyo, dapat kayong mag ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang matuwid na patakaran. Sa gayon, hindi kayo matinag sa inyong mabuting kalagayan."
2 Pedro 3:17







Key :

    Sa oras ng tukso, dasal ang solusyon.

Prayer :
  
    Lord, guide us always. Ilayo niyo po kami sa lahat ng tukso. Huwag niyo pong hayaang makalapit sila sa amin.

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon