Bible

135 3 0
                                    

Mahilig ka bang magbasa ng libro?


Anong klase ng mga libro ang binabasa mo ?


Romance ? Mystery ? Fiction ? Horror ? Spiritual?

Kahit anong libro pa yan di ba pinaglalaanan natin ng oras. Minsan pa nga inaabot tayo ng madaling araw e, as in pinagpupuyatan natin.



Lalong lalo na yung mga stories dito sa wattpad. Kahit umitim ang ilalim ng mata natin at magkaroon ng eyebags ay ok lang basta matapos lang natin ang isang storya.



Bakit ?

Kasi may kakaibang kilig na dulot. Masaya ang bawat eksena lalong lalo na yung mga character, gwapong gwapo o magandang maganda sila sa imahinasyon natin,

Alam ko yung ganyang feeling kasi isa rin ako sa mga taong naadik sa wattpad, minsan din akong napuyat kakabasa ng mga istorya.


Ang tanong ...


Sumagi ba sa isip mo magbasa ng bible ?



Kung sumagi man siya sa isip mo, nagawa mo naman bang basahin ito ?. o sadyang inisip mo lang talaga ? .



Hindi naman masamang magbasa sa wattpad o ng iba pang libro, basta alalahanin natin na meron pang isang libro na higit pa sa ano pa mang libro na kailangan nating basahin.


Ito'y tinatawag na Bible. Naglalaman ito ng mga salita ng Diyos na maaari nating isabuhay.



Bawat laman ng bibile ay makakapagbigay inspirasyon sa atin, maaari din natin itong maging gabay sa buhay .



Yang romance at mystery meron din yan sa bible .



Sa romance, yung pag ibig ni Isaac at rebecca mababasa yun sa libro ng Genesis . At meron pa dun na sobrang nakakatunaw ng puso dahil sa sobrang pagmamahal niya ..



Ano yun ? ...


Yung yung pagmamahal ni Jesus sa atin, na kung saan pinako at namatay siya sa Krus para lang sa pagmamahal sa atin, upang tubusin tayo sa mga kasalanan natin.

Meron pa, yung mga pagpapagaling ni Jesus sa mga may sakit, paggawa niya ng mga himala at marami pang iba.


Mas higit na marami tayong matututunan kapag nagbasa tayo ng bible.


Kaya ugaliin nating magbasa ng Bible.

-


Kumakain tayo ng ibat ibang pagkain upang mabuhay ang katawang lupa natin .



What about our soul ? anong pinapakain mo ?



Pinapakain mo ba siya ng mga puro love story, puro horror, or worst spg stories ?



Naku, mahiya ka naman .



Let us put the bible as our first priority to read.



The word of God is the food for the soul.

Kung hindi ka nagbabasa ng bible edi wala kang pinapakain sa kaluluwa mo .


ISA KANG PATAY NA NAGLALAKAD.


Huh ? Parang ang gulo diba ? . Patay na nga naglalakad pa ?? ..


Ganito yan ...


Oo, buhay ka yung katawang lupa mo buhay, kumikilos, nagtatrabaho at kung ano ano pang ginagawa ng isang buhay na tao.



Pero, ang kaluluwa mo ay patay. Patay sapagkat hindi pinapakain ng mga salita ng Diyos ang kaluluwa mo.



The Scripture says :

It is written man shall not live by bread alone but by every word that proceedeth out of the mouth of God
Matthew 4:4



Lord Jesus Christ said man shall not live by bread alone, yes, we eat food to live but thats not enough, wag nating kalilimutan na pakainin din ang kaluluwa natin.



Ang pagbabasa ng bible ay nakakapagpabago ng buhay .



At nais ko pong magpatotoo tungkol diyan .


Dati po kasi wala akong hilig magbasa ng bible kasi I found it boring .



Oo naboboringan talaga ako dati, but one day nacurios talaga ako kung ano ba talaga ang meron sa bible. So ayun sinubukan kong basahin pero wala pa din talaga hindi ko pa natatapos ang genesis tinatamad na ako .


Pero one day, habang nasa church ako parang hinipo ni Lord yung puso ko as in naramdaman kong kinausap niya ako.


Ang sabi basahin ko ang bible ng buong puso, hindi yung basta basta lang nagbabasa .



Then, I did it . And thats the start of everything . Bawat salita isinasapuso ko. Dun nagsimula ang lahat para mapalapit ako sa Diyos.


Dun din nagsimula para mas makilala ko pa si Lord .



Alam niyo kapag nakilala niyo ng lubusan si Lord dun mo mahahanap ang tunay na kaligayahan.


Dati, ako yung tipo ng tao na sobrang nega. As in walang pag asa sa buhay, loner as in walang kinakausap may sariling mundo, pero nung simula ng makilala ko si Lord sa pamamagitan ng bible nagbago talaga ang pananaw ko sa buhay .


Yung tipong kahit sobrang kaimposible ng isang bagay, hindi ako nawawalan ng pag asa, tapos yung simpleng bagay lang masaya na ako, Lord taught me to appreciate even in little things.



Kung gusto mong maramdaman yung kakaibang kasiyahan na nararamdaman ko kilalanin mo si Lord. Umpisahan mo sa bible . Maglaan tayo ng oras para sa pagbabasa ng bible .


Happy is the people whose God is the Lord.
Psalm 144:15

****

If you try to keep your life for yourself, you will loose it. But if you give up your life for My sake and for the sake of the good news, you will find true life
Mark 8:35



Ang tip ko lang ay basahin mo ang bible sa umaga para meron kang gabay sa maghapon at sa gabi bago ka matulog ng sa gayon matuwa sayo si Lord kasi naalala mo siya bago ka matulog .


Key :

   Read the bible. It can change the life of human.

Prayer:

    Lord, thank you for giving us the bible as our guide in every life. Please touch our hearts and give us a lot of courage to read it in everyday. Amen

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon