Humility

229 3 0
                                    

Scripture :

Philippians 2:3-11

3 Huwag kayong gaawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo'y mabuti kaysa iba

4 Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili

5 Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus :

6 Kahit Siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos.

7 Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao,

8 Siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus

9 Kaya naman, siya'y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

10 Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

11 at ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

---


Facebook ..

Twitter ...

Tumbler ...

Instagram...

Youtube ...



Lahat ng yan ay pwede nating magamit para sa instant pagsikat.



Ano nga ba ang makukuha natin kapag sikat tayo ?





Una, atensyon ng tao

Pangalawa, instant trabaho guesting dito, guesting doon artista lang ang peg.




Pero hindi ba't mas masaya kapag namumuhay lang tayo ng simple ? Walang kang aalalahin kung anong sasabihin sayo ng iba, makakapaglakad ka sa labas ng walang inaalala na baka may humabol sayo at magpapicture o kaya naman humingi ng autograph.





Ang pagiging artista, singer, famous writer, famous blogger atbp. ay hindi masama just make sure stay your feet on the ground, be humble.





Si Lord nga na ating Diyos ay nagpakababa ikaw pa kaya na simpleng tao lang ? Siya ang ating Diyos pero mas pinili niyang mamuhay bilang isang alipin.





Kung ikaw ay maganda, mayaman, matalino, mahusay sa lahat ng bagay, 'wag mo ng ipagyabang sarilihin mo na lang ..





Kung ikaw ay pupunta sa simbahan, pumunta ka dun para magdasal hindi para lang ibalandra ang bago mong damit o sapatos .




Huwag tayong maging mapag imbabaw..



"Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas"- Lucas 18:14





----

Scripture :

Ang talinghaga tungkol sa Pariseo at Publikano

Lucas 18:9-14

9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba.

10 "May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y pariseo at ang isa nama'y publikano

11 Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: 'O Diyos, nagpapasalamat ako pagkat hindi ako katulad ng iba-mga magnanakaw, mga magdaraya, mga nangangalunya-o kaya'y katulad ng publikanong ito,

12 Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita

13 Samantalang ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!'

14 Sinasabi ko sa inyo : ang lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas"
-----



Sa tingin niyo sino ang kinalugdan ng Diyos ?





Ang Pariseo ? O ang makasalanang publikano ?? ..










Ang sagot ay ang ....











Makasalanang Publikano ..




Bakit ? ..






Kasi ang Pariseo ay mapagpaimbabaw, mapagmatataas at higit sa lahat ay nangungutya .



Pumasok siya sa templo ng Diyos upang magdasal pero ang laman ng dasal niya ay puro pagpapataas sa kanyang sarili, pangungutya sa ibang tao pati na rin sa isang publikano. Which is hindi nalugod-lugod sa Diyos .




Samantalang ang makasalanang Publikano ay pumasok sa templo, nagpatiluhod, humingi ng tawad sa Diyos at buong pusong nagsisi. Nagpakumbaba ang nasabing publikano .




Diba nga ang sabi Ang nagpapakababa ay itataas at ang nagpapakataas ay ibababa.




Gayahin natin ang Publikano na buong pusong bumalik sa Diyos, nagpakababa, humingi ng tawad sa Diyos at nagsisi sa mga kasalanang nagawa niya .




Huwag nating naisin na magmataas. Kahit mismo ang Diyos na siyang dakila ay nagpakababa. Mamuhay tayo alinsunod sa kagustuhan ng Diyos.





Key :

   Ang nagpapakataas ay ibababa, ang nagpapakababa ay itataas

Prayer :

   Lord God, Thank you for teaching us to be humble, thank you for your word of wisdom. I pray those people who trusted themselves that they were righteous, tell and teach them to be humble, justified those people who humbles himself. Amen.

The Scripture SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon