20th Century na ! kakaiba na ang mundo ngayon. Mas pinagtutuuan na ng pansin ng mga tao ang mga bagay dito sa mundo especially ang itsura ng bawat tao ...
Sa panahon ngayon kung hindi ka maganda/gwapo ay nahuhuli ka na.
Nandyan din yung kukutyain ka minsan pa nga matinding diskriminasyon .
Yung iba naman natatakot na magmahal kasi baka ireject lang sila ng taong mahal nila kasi hindi naman daw sila kagandahan/kagwapuhan.
Minsan na akong nakaranas ng mga ganyang bagay kasi aaminin ko hindi naman ako kagandahan. Pero masaya ako.
Alam niyo ba kung bakit ako masaya ?
Kasi kutyain man ako ng ibang tao, meron paring nag iisa na tanggap ako kung sino ako, at kung ano pa ang itsura ko. Sino pa edi si Lord. Sa lahat ng tatanggap sa akin ng buong buo ay yung pinakadakila pa di ba ?? Di ba ang saya sa pakiramdam nun ?
Hindi ka man tanggap ng ibang tao, Nandyan naman si Lord, ang pinakadakila, tanggap tayo ng buong puso.
Isa pa, Kung natatakot ka magmahal dahil sa itsura mo, please, ako na nagsasabi sayo wag kang matakot bagkus ay magalak ka dahil makakatagpo ka ng tunay na pag ibig .
Hindi sukatan ang itsura para mahalin ka ng isang tao. Kapag minahal ka ng isang tao dahil tanggap niya kung ano ka, ikaw na ang pinakamaswerteng nilalang. Nakatagpo ka ng tunay na pag ibig.
Sabi nga sa isang kanta :You've got to love me
For what I am
For simply being me
Don't love me
For what you intend
Or hope that I will be
And if you're only using me
To feed your fantasy
You're really not in love
So let me go
I must be free(Love me for what I am by The Carpenters)
Huwag nating sasabihing panget ang isang tao, remember God created us . We are God's masterpiece
At kung sabihan kang panget sabihin mo sa kanya How dare you to insult my creator ?!.
Kapag sinabihan mong panget ang isang tao, para mo na ring sinabi na ang panget ng pagkakagawa ng Diyos. Ininsulto mo na ang isang tao, ininsulto mo pa si Lord. Aww bawas points yun kay Lord sige ka baka di ka mapunta sa heaven.
Sabi nga nung Super Favorite Singer ko :
"Dont call a girl ugly, 'coz every girl is beautiful in their own way"- Bruno Mars
Para naman sa mga taong mapanghusga :
The Scripture Says :
"Judge not, that you be not judge" Matthew 7:1
Masama po ang manghusga. Kung biniyayaan ka ng magandang itsura magpasalamat ka, pero huwag mo namang gamitin yung kagandahan mo para manghusga.
Kung ayaw mong husgahan ng ibang tao, huwag kang manghusga ng kapwa mo.
Pa'no kung si Lord ang mag-judge sayo ? Hindi ka ba natatakot? Kaya yang panghuhusga na yan itigil na natin yan .
Tingnan natin ang bawat isa ng pantay pantay tulad ng pagtingin ng Diyos sa atin .
"Therefore, from now on, we regard no one according to the flesh. Even though we have known Christ according to the flesh, yet now we know Him thus no longer" 2 Corinthians 5:16
Key :
Judge not, that you be not judge .
Prayer :
Lord Jesus Christ, thank you for accepting for who I am. Thank you for creating me beautifully. I pray those people who do not know how to appreciate the true beauty of the person please heal them touch their heart tell them that judging someone is not a good thing in your sight .