Chapter 5 - Library

53 0 0
                                    

Laurence

Naglalakad na kami ni Matt papuntang library. Nakonsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Kababae kong tao ginanun ko sya. Nadala na ko ng sobrang galit ko kay Jessamin. Sa lahat naman kasi ng taong pwedeng tumawag ng Matt kay Matthew bakit sya pa? Oo na, alam kong mababaw ako. Kahit ilang linggo pa lang kaming nagkakasama ni Matt, siya na yung taong alam kong maasahan ko. Siguro nung una crush ko siya, ang gwapo naman kasi talaga niya eh pero ngayon friends na lang. Isa na si Matt sa mga taong importante sakin. Parang kapatid ko na nga siya. Kaya ayoko ng may basta bastang lalapit o LALANDI sa kanya.

“Oh wag mo na masyadong isipin yun. Bati na tayo.” Sabi ni Matt. Oh di ba? Di pa ko nags’sorry pero okay na kami kaya nakakakonsensya talaga na awayin to eh.

“Tsk. Tumigil ka nga diyan.”

“Soows! Oh ayun na si JB. Inaantay ka na.”

“Whatever. Mas inaantay ka ni JESSAMIN. There oh! Sampalin mo pag tinawag ka ulit na Matt.”

“Ang bitter mo. Don’t worry ipapakita ko pa sayo.” Tapos bigla siyang ngumiti nung sinabi niya sakin yun. Tsk. :3 para naman magagawa niya talaga yun.

“Dun ka na nga.”

“Oo na. Ayun na si JB oh, inaantay ka na rin. Yieeeeee!”

“Manahimik ka nga! Gumagawa ka na naman ng sarili mong issue eh.”

After nung usapan naming yun, naghiwalay na kami. Magkahiwalay kasi ng lamesa si Jessamin tsaka si Jude eh. Tsk, kahit kailan talaga di mo maaasahan tong lalaking to. Pagkadating ko ba naman nakayuko sya at tulog. Uuggghh! Nakakainis talaga! >_<

“JUDE!!”

“Gising ako, di mo kailangang sumigaw. Isa pa nandito ka sa library ang ingay ingay mo.”

“Eh kasi naman eh. Ang tagal kong wala di mo pa sinimulan yung project natin.”

“Wala kang sinabi. Ang sabi mo lang mauna na kami sa library ni Jessamin at tsaka kasalanan ko bang matagal kayong nawala ni Matthew dahil nag’date kayo.”

“Hindi kami nag’date!”

“Eh ano lang?”

“Wala ka nang pakielam! Simulan na nga natin to nang makauwe na ko.”

“Eh kasi ngawa ka ng ngawa.”

“Jude pwede ba? Pwede bang manahimik ka na lang?”

“Eh kung ayoko?”

“Masasapak kita!”

“Gawa.”

“Whatever!”

“Tsk. Di naman pala kaya eh.”

“Eh kung halikan kita diyan!”

“Gawa nga.”

*mwaah*

Jude --> O_O  >_>  <_< O_O

Ako --> ^-^v

HAHAHAHA! Natatawa ko sa itsura ni Jude. Akala niya di ko kaya ah! Edi nanahimik nga sya ngayon. Sa cheeks ko lang naman siya kiniss. Asa naman siya na sa lips ko siya hahalikan, edi nakajackpot siya pag nangyari yun. HAHAHAHAHA!

“Oh ano? Akala mo di ko kaya nu?”

“…….”

“HAHAHAHAHA! See, nanahimik ka. Makagawa na nga.”

Ginawa ko na yung project namin kasi kung tatawa ko ng tatawa panigurado mapipikon to lalo at iiwan ako. Wala na ko kasamang gagawa ng project. :( Sa totoo lang nung ginawa ko yun may spark eh. Ewan ko ba, nagulat na lang ako. Para kasing may kuryenteng ewan eh. Weird. Totoo ba talaga yung spark na yun? Pauso lang naman siguro yun. Kaya siguro ganun yung feeling ko kasi may kuryente si Jude. Di kaya anak sya ni Volta? (Lels! Tawa tayo.) Pero seryoso bakit kaya ganun? So weird. :3

"Jude?"

"...." Wala pa rin syang imik pero nilingon naman nya ko.

"Galit ka ba?"

"Hindi. Nagulat lang ako."

"Sorry." Tapos yumuko ako sa lamesa. Nakakahiya naman kasi yung ginawa ko. Bakit ba parang baliktad ako lagi? Lahat ng ginagawa ng lalaki, ginagawa ko. :3

"Di mo kailangang mag'sorry. Kasalanan ko naman eh."

"admjgmptjwmja na"

"Ha? Anong sabi mo?" bingengot ba to? Badtrip ah!

"Sabi ko kahit na"

"Aah. Sa susunod kasi wag kang magsasalita ng nakayuko para naiintindihan ka."

"Tss. Basta ayos tayo ah."

"Ayos naman tayo ah."

"Ewan. Uuwi na ko."

"Hatid na kita." Seryoso? Anong nakain nito at ganyan sya?

"Wag na. Malayo pa ko."

"Gabi na po."

"7:30 pa lang. Maaga pa yan."

"Bahala ka. Basta ihahatid kita."

"Bahala ka din."

Tsk. Sakin pa nakipagtalo eh. Kaya ko naman umuwe mag'isa eh. Duuh?! Kakastress naman to kasama. Bago ko umuwe pumunta muna ko sa table nila Matt.

"Matt. Uwi na ko. Tapos na kami eh."

"Osige. Hatid na kita."

"Wag na. Hahatid na ko ni Jude." bulong ko sa kanya.

"Wait muna Jessamin ah." sabi ni Matt kay Jessamin. Tumayo sya tsaka nya ko hinila sa may mga bookshelves.

"May nakita ako kanina. Kayo na ba?"

"Grabe naman to! TH ka masyado ah."

[a/n: TH, tamang hinala. Yung akala mo totoo pero hindi.]

"Yung totoo kasi? Bestfriend mo ko di mo magawang sabihin. Kailan ka pa nya niligawan?" Natawa naman ako sa mga tanong nya. Yung totoo, tatay ko ba to?

"Matt, hindi kami at hindi sya nanliligaw. Bukas ko na ikukwento kung bakit. Uuwi na ko kasi nagtxt na si mama."

"Uuwi ka na kasama sya?"

"Yap. Nagpumilit sya eh. Don't worry tatawagan kita kagad pagkauwe ko." Ngumiti na lang ako sa kanya para di na sya mag'alala.

"Osige. Mag'ingat ka."

"Ikaw din. Wag ka magpapagabi masyado. Malayo ka pa man din. Text mo ko pag nakauwe ka na. Okay?"

"Oo na." Sumimangot si Matt pagkasagot nya saken nun. Well, no choice na din naman ako eh dahil gusto ni Jude na ihatid ako. Malalaman nya na kung san talaga ko nakatira. >.<

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon