Chapter 8 - Why so concern?

49 0 0
                                    

Matthew

Magkatabi kami ni Laurence ngayon since wala pa kaming prof dahil vacant pa namin. So habang nag'aantay kami ng prof kwento naman sya ng kwento na naiinis sya kay JB. Naiinis na talaga ako kay JB ah. Hahatid hatid nya si Laurence dati tapos ngayon bigla na lang nyang hindi papansin si Laurence. So ano? Trip nya lang manghatid? Masabi lang na gentleman sya? Halos mamatay na nga ko sa selos dahil sa kanya eh tapos ganyan sya kay Laurence? Aaaargh! So hell JB, SO DAMN HELL. >_<

"MATT! Para ka na namang adik dyan! Ano na namang iniisip mo?"

"Ha?" Haay. Dahil sa pesteng JB na yun nakalimutan ko na na kasama ko pala si Laurence.

"Sabi ko ano na naman yang iniisip mo?"

"Naiinis ako kay JB eh dahil sa mga kwento mo."

"Kwento ko? Tss. Baliw ka nga talaga. Di mo kailangang mainis sa kanya, hayaan mo na lang na ako na lang yung mainis sa kanya."

"Iniwan ka nya sa ere eh."

"Kami ba? Alam mo mas OA ka pa saken eh. Totoo nga yung sinasabi nila na mas OA ang bestfriend. HAHAHAHA~"

"OA na kung OA basta nakakainis sya."

Pinalo lang ni Laurence mukha ko habang tuwang tuwa sya. Tsk, ano bang nakakatawa dun? :3

"Pout pa Matt, hahalikan ko yan."

"Eeew. Nababading ka na saken."

"Eh kung sayo naman ako mababading bakit hindi? Pakiss nga brad."

"Eeeew. LUMAYO KA! MANDIRI KA NGA! KILABUTAN KA NGA SA SINASABI MO, DI TAYO TALO!"

"Tsk. Choosy pa to. Matuwa ka nga kasi MAGANDANG bading ang hahalik sayo." So kailangan talaga naka'emphasize yung maganda? Baliw talaga to. Well honestly maganda naman sya kaya nga gustong gusto ko sya eh. :)

"Maganda? Babae lang maganda nu. Eh sa buhok mo pa lang eh babae ka ba talaga?"

"Aaah ganun pala Matt ah." Patay na! Tumayo na sya at lumapit sakin. Alam kong may gagawin na to. TULOOO~NG!

Nagulat ako nung bigla nyang hinawakan kwelyo ko tapos nilapit yung mukha nya saken. Mga 1 inch na lang yung pagitan namin. Ramdam at naamoy ko na yun paghinga niya. Bakit ang bango? :> Pumikit na lang ako dahil di ko kakayanin pag ginawa nya yung naiisip ko.

Ramdam kong palapit ng palapit na sya sa tenga ko. Teka, bakit sa tenga?? No I mean, bakit sa tenga ko sya lumalapit? O.o

"Tingnan mo si Jessamin. Nakatingin satin." Tss. Bubulong lang pala. Tumingin ako sa direksyon ni Jessamin, nandun din pala si JB. Magkatabi pa sila. Tss. Para namang magse...

*mwaaah*

"WAAAAA~!" Napasigaw at napatakbo na ko sa buong room dahil kay Laurence. Hinalikan nga nya ko sa cheeks. Babae ba talaga to?? O_O

"HAHAHAHAHAHA~! Kung nakita *hahaha* mo lang *hahaha* mukha mo. That was so priceless. *sigh* Pulang pula ka na oh! Daig mo pa babae makasigaw eh. HAHAHAHA~! Tumigil ka na sa kakatakbo at kakasigaw mo dyan."

Sino ba namang lalaking di mamumula pag hinalikan ng babae. Adik ba to?!

"Oh Matthew. Anong nangyari sayo?" Halaaa! Andyan na pala yung prof.

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon