Laurence
What you hear isn’t always what’s true. That’s the reason why it takes a million years before you can convince me that I CAN TRUST YOU.
--
“I’m Laurence Jessica Gomez, 16 years old, graduated from Our Lady of the Abandoned Catholic School. I live in Muntinlupa City.” Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko, kanina pang umaga. Nakakasawa. First day kasi ng class ko ngayon sa college, uso mag-intro. HAHAHA!
“LAURENCE! PUMUNTA KA SA FESTIVAL MALL NGAYON. 2PM. KAPAG NA-LATE KA, PATAY KA SAKIN. Ipapakilala na kita sa boyfriend ko. Napag-usapan na natin ‘to at alam kong ayaw mong sumama PERO BAWAL KA NA UMAYAW NGAYON. OTW NA SIYA. Magtatampo ko sayo pag di ka pumunta. Okay? Babye. Iloveyou.” – Aera.
Bago pa ko makasagot, binaba niya na yung tawag niya sakin para sigurado na siya na makakapunta ko.
Nakakainis naman talaga ‘tong si Aera eh! Ang linaw-linaw ng pagkakasabi ko na hindi na ako sasama sa date nila ng boyfriend niya. Ano naman gagawin ko dun? Magiging epal lang naman ako dun o di kaya mas worst maging Chaperone. >.< haist!
***
Si Aera kasi ang bestfriend ko simula 1st year highschool ko. Actually, sa simula akala ko talaga suplada siya pero nung nagtagal, ayun nakilala ko na sya ng bongga! Na malakas pala tama niya, masarap siya kasama kahit may pagka-isip bata. Sa totoo lang, siya yun taong di mo maaasahan sa napakababaw na problema PERO kapag alam niyang di mo na kaya at sobrang bigat na talaga ng problema mo (YUN PASAN MO NA TALAGA BUONG MUNDO!!) siya yung unang taong tutulong sayo. Ganun siya. Basta ang masasabi ko lang one-of-a-kind bestfriend sya.
***
Nung pagkatawag na pagkatawag niya sakin, umalis na kagad ako ng room ko. Hello! Ang layo kaya ng school ko, from Dasmariñas tapos diretsong Alabang?! Kamusta naman yun! At anong oras na, 1:30pm na tapos ayaw niya kong malate??! Sabog ba siya?! O.o
Napilitan tuloy akong humabol ngayon dahil gusto daw niya ko ipakilala sa boyfriend niya. Pakielam ko naman dun. Pag nagkukwento nga yun, di ko na pinapakinggan yun eh. Paulit-ulit naman kasi yun kwento niya parang sirang plaka lang tapos may halong hampas pa yun dahil sa kinikilig siya. Tss. MAGHIHIWALAY DIN SILA. >:)
Sa ngayon, ang dami-dami kong gagawin tapos pupunta pa ko dun. Haay. Kung di ko lang talaga mahal yung babaeng yun eh. :3
*******
Nakarating na ko sa Festival ng 3pm. Nagmamadali na ko sa paglalakad pagkababa ko ng van.
“ARAY! Ano ba naman yan? Di mo ba tinitingnan yung dinadaanan mo?!” – ako. Ang tanga kasi eh. Nahulog tuloy lahat ng gamit ko kasama na phone ko! For God’s sake! Yun phone ko! Poteeeeek talaga! Pinagtyatyagaan ko na nga lang eh, masisira pa.
“Ikaw nga tong di tumitingin sa dinaraanan eh!” – guy. Takte ‘to ah! Imbis na mag-sorry, sinisi pa ko. Sama ng ugali, sayang pa man din yun mukha!
“Takte lang ah! Ikaw nga tong nakabangga, ikaw pa may ganang magalit?! Tingnan mo ‘tong nangyari sa phone ko! Sinira mo! Bayaran mo to!” - ako
Alam ko nag-eeskandalo na ko dito pero kasi kailangan magbayad ng mokong na ‘to.
“Ano?! ‘yang phone mo? Babayaran ko? Ano ka sinuswerte? Eh pipitsugin na nga yan eh. Pwedeng pwede nang itapon! God! 6110 lang yan! Babayaran ko pa?!” - sya
![](https://img.wattpad.com/cover/1788761-288-k808184.jpg)