Prologue
Naniniwala ka ba sa FOREVER, TRUE LOVE AT HAPPY EVER AFTER? :)
" NO. A big NO NO! Forever? Ang salitang yan ang madalas nating marinig pagkatapos ng linyang “I Love You”, di ba? Karamihan sa atin iyan ang linyang binibitawan kapag may mahal tayo. Pero aminin niyo, hindi lahat ng nagsasabi nun ay totoo. Kadalasan kasi ang salitang FOREVER ay isang salita na lang ngayon. True love? Happy ever after? Sa simula lang yan. Eh pag nagtagal? Andiyan pa rin ba yan? Wala na di ba? Napakalabong mangyari ng mga ganyan, napaka-imposible na matupad.
Yang mga True Love, Happy Ever After at Forever ay nag-eexist lang sa mga taong masyadong makitid ang utak at masyadong nagpapauto sa tinatawag nilang pag-ibig. Hindi sa bitter ako, pero yan kasi ang totoo. Ang salitang yan ay isang malaking kasinungalingan at hindi dapat pinaniniwalaan ang mga bagay na hindi totoo.
Sa milyong milyong tao na nabubuhay sa mundong ito, naniniwala akong may mga taong dadaan sa buhay ko para paniwalain lang ako sa ganyan pero sa huli mapapatunayan kong hindi nga totoo iyon."
"YES. Ang Forever ay isang salitang dapat pinanghahawakan ng dalawang taong nagmamahalan. Di naman dapat nagiging basta basta ang pagsasabi nito dahil isa itong salitang nagsisilbing pag-asa ng dalawang tao gaano man kaliit ang posibilidad para mangyari ‘to. True love? Nararamdaman natin ito sa taong sobrang mahal natin hindi ba? Ito yung tipong kahit panget siya, bobo siya, mataba siya, payat siya o kung ano man siya ay mahal pa rin natin. Sabi nga nila, “Loving someone beyond imperfections is the best example of Love.” Maniwala na lang tayo. Happy ever after? Yung totoo, sa fairytale lang yan PERO meron din sa real life. Isang example niyan ay ang ating lolo’t lola. Na kahit matanda na sila eh sobrang mahal pa rin nila ang isa’t isa. Pinapatunayan lang nila na sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay nila ay hindi sila bumitaw sa isa’t isa, di ba ganyan ang kwento sa mga fairytale? Lahat ng pagsubok na pinagdaanan ni Prince at Princess ay hindi sila sumuko. Pinanghawakan nila ang mga pangako nila sa isa’t isa.
Yang True love, Happy Ever After at Forever ay totoo. Lahat tayo makakaranas niyan, tiwala lang sa isa’t isa ang kailangan.
Sa milyong milyong tao na nabubuhay sa mundong ito, naniniwala akong may mga taong dadaan sa buhay ko pero alam kong may isang taong nakalaan na para sakin. At sisiguraduhin ko pag dumating sya sa buhay ko, mamahalin at aalagaan ko siya ng sobra. Sabay kaming mangangarap para sa aming dalawa."