Chapter 6 - Reasons

70 1 0
                                    

Laurence

Ilang araw na rin simula nung ihatid ako ni Jude dito sa bahay. Simula ng araw na yun, araw araw na nya ko hinahatid. Kung hindi dito sa bahay, sa sakayan na lang nya ko hinahatid. Alam nya na rin kung san talaga ko nakatira. :3

Dahil sa ginagawa nya nagseselos na si Matt. Madalas na rin ang pagiging moody ni Matt. Kesyo wala daw akong ino'open sa kanya o kaya kinukwento sa kanya. Eh sa wala nga talaga eh. Nung kinuwento ko naman yung about sa nangyari sa library nainis sya saken.

*flashback*

"Bakit mo nga kasi ginawa yun?"

"Eh nainis nga ako sa kanya eh, para na rin manahimik sya."

"So para manahimik ginawa mo yun? Di mo ba inisip na maraming tao sa library at pwede kang MaSWAFO nun?"

[a/n: SWAFO, sila yung mga nanghuhuli sa mga estudyanteng lumalabag sa patakaran ng school.]

"Matt, alam ko yun. Pwede ba itigil na natin to, nagawa ko nga lang kasi yun para manahimik sya at tumigil sa pangpipikon nya saken."

"Uuuuggh! BAHALA KA NA NGA!"

So ayun, after nun buong araw hindi nya ko kinausap. Pagdating naman ng uwian kinausap na nya ko at nagsorry sya. Haaay. :3

Tapos dadagdagan pa nila Ysa at Andy. Sinasabi na nadedevelop na daw ako kay Jude, tss. Kung alam lang nila na hindi ko naman talaga gusto si Jude eh. :3

Isa pa, nakwento ko na kay Aera yung mga pagbabago nila Matt at Jude saken at kinilig sya. Ang haba na daw ng hair ko. Sows, kung alam lang nya talaga. Ang gulo nilang lahat. Si Dani na nga lang ata nakakaintindi saken eh. Haaay. Buhay nga naman oo. Makabangon na nga.

*beep beep*

Sino namang matinong tao ang magtetext ng ganto kaaga pag weekends? Tsk.

Fr: Snob :>

Goodmornin :)

gm.

"Tss. Si Jude pala." Gm lang pala. Akala ko naman pm. :3

*beep beep*

Sana si Jude ulit. AYYT! Bakit ba iniisip ko yung lalaking yun? O_o

Fr: Matt

Goodmornin Laurence. :) Don't skip your breakfast. Ingat ka lagi. <3

"Tsk. Matt talaga." Isa pang weirdo to eh. Tinatamad akong replyan to. Nakakatamad kaya magtxt ng magtxt kahit sabihin pang marami akong load. :D

"Sana si Jude magpm din." Ako ba nagsabi nun? ERASE ERASE! Hindi ko gusto si Jude at hinding hindi ko sya magugustuhan dahil sa tatlong rason.

1. Suplado sya

2. Snob sya

3. Di ko sya maintindihan :3

Ewan ko basta malabong magkagusto ako sa kanya. Malabo! Haaaay! Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun?? Di naman dapat iniisip yun eh. -_- Matawagan na nga lang si Dani.

Calling Danii...

*kriiing kriiing kriiing kriiing*

"DANI!"

"Aray naman Laurence! Nakalunok ka ba ng microphone? Ang lakas ah! Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala lang. Kita tayo. Sa Sm Dasma."

"Wow ah! Taga'muntinlupa ka te tapos pupunta ka ng Sm Dasma para lang makipagkita saken?"

"Seryoso ako."

"Ako na lang pupunta dyan. Sa Festival na tayo magkita."

"Seryoso ka? Mapapagastos ka lang."

"Aay joke lang. Sa Sm Dasma na nga lang. Hehe"

"See? Adik ka talaga. Osige. 1pm ah. Bye Dani."

"Osige ingat ka. Bye"

**

Nakarating na ko sa Sm Dasma, nakita ko na rin si Dani. Niyaya ko syang manood ng sine para masaya kaso tinamad sya kaya tambay na lang kami sa foodcourt. Bumili na lang kami ng maraming pagkain tapos nagkwentuhan hanggang sa naging topic na namin sila Jude at Matt.

"Dani. Ang weird ni Matt this past few days."

"Bakit naman?"

"Madalas na kasi syang moody. Nag'start to nung time na palagi na kong hinahatid ni Jude."

"Baka naman kasi gusto ka ni Matt? Yieee! Di ba crush mo yun dati?"

"Dati yun hindi na ngayon. Tsaka ano ka ba? Malabong magkagusto si Matt saken. May gustong iba yun."

"Baka yung 'ibang' tinutukoy ni Matt eh ikaw pala. Yieee"

"Stop it Dani. Malabo yun. Tsaka parang kapatid ko na rin si Matt eh."

"Sabi mo eh. Baka naman kay Jude ka may gusto? Since sya lang naman bukambibig mo pag magkatext tayo"

"Tss. Kay Jude? MAS LALONG MALABO! Ang suplado ng taong yun eh!"

"The more you hate, the more you love"

"HA-HA. So funneh!" I said sarcastically.

"HAHAHAHAHA! Pikon."

"Whatever. Uwi na tayo. Medyo gabi na rin eh."

Pumayag naman si Dani na umuwi na since alam nyang malayo pa ko. Habang nasa van ako napapaisip ako sa tanong ni Dani. Gusto ko na nga ba si Jude? Ang labo kasi talaga eh. Pero pag nakikita ko sya may kaba akong nararamdaman eh. Uuuggh! Hindi! Hindi pwede! Hindi talaga pwede!!

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon