Laurence
2nd day na ng class at ngayon ko pa lang talaga namumukhaan yung mga ka'block ko. ngayon ko pa lang talaga sila nakikilala. Si Matthew ang unang napansin ko, ang gwapo kasi eh. Iba talaga radar ko pagdating sa gwapo. HAHA! Pero isang guy talaga yung nakakuha ng atensyon ko. JB yata name nun. Sobrang pamilyar kasi sya saken. Parang nakita ko na sya, hindi ko lang alam kung kailan at saan pero di ko na lang pinansin. Medyo suplado kasi ata. Tapos isa pa lang ang friend e dito sa block namin 38 kami. 9 ang boys, the rest girls na.
Nga pala BS Accountancy kasi course ko kaya konti lang ang lalaki. Halos lahat ng boys namin tropa na, si JB na lang tsaka yung guy na kasama nya ang kulang. Hinayaan ko na lang sila. Sa girls naman medyo di pa ko sanay, para kasing ang tataray at suplada nila. Tatlo pa nga lang ang friends ko eh. Sila Dani, Ysa at Andy pa lang. Si Ysa at Andy ang madalas kong kasama ngayon. Mapa'lunch man o uwian. Haaay! Grabe talaga pag college, nakakapanibago! Ang bagal pa ng oras....
"Laurence! Gising na!" - Ysa
-_-
o_-
-_o
o_o
"Ha? Wala na ba yung prof?" - Ako. Nakatulog na pala ako kakaisip.
"Wala na. Nag'dismiss na. Tara! Uwi na tayo!" - Andy
"Tara! Teka nagd'dorm ka andy di ba?" – Ako.
"Oo nga, kaya tara na!" - Andy
Uwian na naman. Nakakatamad talaga pumasok. Teka! Si Matthew, gusto ko sya makita bago ko umuwe!
"Ahm guys, nasan na yung iba?" - tanong ko kina Ysa. Nasaan ba si Matthew???
"Umuwi na nga. Ang tagal mo kayang magising!" - Ysa
"Kanina pa?!" - tanong ko. Asaan na ba si Matthew??
"Di pa naman. Kakalabas lang nung iba." - Andy
"Oh tara na! bilis!" - hinila ko na sila
"Teka nga! Bakit ka ba nagmamadali?" - Ysa
"E kasi ano eh. hm. anong oras na! maiiwan ako ng van. oo yun nga!" - Ako
"Sows! Reasons. Ayun pala boys natin eh!" - Ysa
"Babye guys!" - Andy
OMG! Si Matthew!! :'> but wait, kasama na nila si JB at yung guy? oow. nice. PERO TEKA PARANG NANGYARI NA TO AH?!
"BYE! INGAT KAYO!" – Mga ka’block naming Boys yun.
"KAYO RIN!" - Ysa
"Nangyari na nga to! Kaso saan? Kelan?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
"Ha? Sinong kausap mo?" - Andy
"Para kasing nangyari na to eh" - Ako
"Ang alin?" - Ysa
"Wala. Nevermind." - Ako
Para kasing nangyari na talaga eh. Parang bawat nangyayari saken ngayong araw, nangyari na. Bakit kaya? So weird. -.-
**
“Laurence! May nagpadala sayo ng phone oh!” – Mama
“Oh? Sino?” – Sino naman kaya magbibigay saken ng phone? O.o
“Galing daw kay Dominic Gonzales. Eto kasi oh, bumaba ka at tingnan mo!”
“Dominic Gonzales? Sino naman kaya yun?” pabulong kong tanong sa sarili ko. “Aay! Kilala ko na! Maaaaaaa!!! Akin na!!” pasigaw kong sabi sa nanay ko. Naeexcite na kasi ako eh! Maganda kaya yun?!!
“OMG!!!!! O_O”
“Oh bakit? Anong meron?” – Mama
Ang grabeeeeee naman kasi eh!!! Rich kid nga ‘tong boyfy ni Aera. IPHONE4S kasi yung pinalit sa phone ko!! OMG TALAGA!!!!
“Mader see oh!! Ang mahal nito eh!”
“Eh bakit binigyan ka ng ganyan? Manliligaw mo ba yun?”
“Hindi po. Boyfriend po ni Aera yun. Nasira niya kasi yung phone ko kaya pinalitan niya. Hindi ko lang alam kung bakit ganto kamahal yung pinalit niya.”
“Oow. So kewl. Rich kid ah!”
“Kaya nga po eh.”
So ngayon, di pa rin ako makapaniwala na may ganto akong phone. :D Ang saya saya!!! Oh wait! May natawag agad? Si Dominic. Hohohoho!
“SALAMAAAAAAAAAAAT!!!!” - Ako
“Araaaay naman!!! Oh ayan na ah! Wala na ko atraso sayo. Nasabi ko na rin kay Aera to kaya wag ka ng mag-alala.” - Dominic
“So you mean alam ni Aera to? Hindi sya nagalit??”
“Nope. Andiyan na rin pala yung number ni Aera. Tawagan mo na lang, niloadan ko na rin yan.”
“oow. SALAMAAAAAAAT TALAGAAAA!”
“okay. Bye.”
Matawagan na nga si Aera..
Calling Aera……….
“kriing kriing…… toooot toooooot tooooooot”
“tsk. Itetext ko na nga lang. Ayaw naman sagutin eh.”
To: Aera
Aera, hohohoho! Galit ka sakin? Bakit di mo sinasagot tawag ko?
*beep beep*
Fr: Aera
Naah. Hindi ako galit. Malapit na kasi akong madead bat kaya hindi ko masagot tsaka kasama ko pa si Dominic eh. Osya wait muna, I’ll text you latuur. :) iloveyou.
To: Aera
Ocaaake. Iloveyou too. Gabi na ah, ingat ka pauwe. :)))
“Ugggggh!!!” – Gusto kong magwala!!! >.< Pag kasama niya talaga yung Dominic na yun nakakalimutan na ko. Nakakapagselos na talaga. I MISS MY BESTFRIEND!!!!! >.< MAKATULOG NA NGA. -.-
![](https://img.wattpad.com/cover/1788761-288-k808184.jpg)