Chapter 9 - Wrong Send

66 1 0
                                    

Laurence

Dalawang araw na rin na walang pasok dahil sa bagyo. May pasok nung monday pero nung tuesday nagsuspend na hanggang ngayon. Hindi naman ako nabobored, natutuwa pa nga ko kasi kahit papano makakapagpahinga ako. Nakakabawi na rin ako ng tulog na nawala saken this past few weeks dahil sa mga projects na yan. Ang sarap sarap talaga gumising ng maaga ng walang sasambulat sayo na mga gawain. ^-^

Kahit na walang pasok di pa rin ako makaget'over sa tanong ni Matt saken nung monday.

*flashback*

"Laurence, malapit na pala mag'2months simula nung pasukan nu?"

"Oo nga eh. Bilis ng panahon."

"Laurence, pano kung gusto kita? Pano kung manligaw ako sayo?"

"HAHAHA! Benta joke mo ah! Hindi ka kinikilabutan?"

"Seryoso ako."

"…….."

"Seryoso akong magjoke sayo. HAHAHAHA! Kung nakita mo lang reaksyon matatawa ka."

"Adik ka ba? Sinong matinong tao ang hindi magugulat sa tanong mo! Uuggh! Nakakainis ka"

Hanggang ngayon hindi ko alam kung totoo o joke nya lang yun. Sabi nga di ba 'Jokes are half meant', kaya hanggang ngayon may hangover pa ko dahil dun.

Para makalimot nag'internet muna ako hanggang sa di ko na namalayan na maghapon na kong OnLine. Gabi na pala. Wala na ko ginawa kundi Twitter dito, Twitter doon. Tumblr dito, Tumblr doon. Facebook dito facebook doon. Home balik profile balik home ulit hanggang sa may nakita akong picture. Pagka'click ko sila Jude, Matt at yung iba pa namin ka'block andun. Kailan to? At teka si Jude nag'gigitara? OMG! Ang gwapo nya!! No I mean ang cute nya!! ^-^ Ngayon lang ako natuwa sa picture ni Jude. HAHA! Matext nga si Matt.

"Maaaatt! Ang cute...ni Jude...sa picture nya...na may hawak syang guitar...HA-HA-HA!...WAG MONG....LAGYAN NG...MALISYA...KUNDI...PEPEKTUSAN KITA SA TADYANG!... hindi ko siya CRUSH...ang cute nya lang...kasi talaga...HOHOHO... Hmmmm...Message Sent!" HAHAHA! Ang cute talaga ni Jude SWEAR!!

*beep beep*

Fr: Ysa

GoodEve. :)

Si Ysa lang pala eh. Akala ko si Matt na. Bakit ang tagal magreply nun? Nasend ko ba? Minsan kasi napupunta sa draft eh. Matingnan nga sa sent items..

"OH MY GAAAAWD! PAKTAY NA!" :O Bakit kay Jude napunta yung text?? OMG! NAKAKAHIYA! >.< LASLAS! <////3

Anong gagawin ko? Magpapatay malisya na lang ako? O itetext ko na sorry kasi wrong send? OMG!! OMG!! (/o\) Pahiya na talaga ako! Nakakahiya! Sana talaga wala pa rin pasok bukas! Sanaaaaa! <//3

Di ko na talaga alam gagawin ko. WHAT THE EFF TALAGA!! :O >.< -_- Pano? Ano gagawin kooooooo??....

*toktoktok*

"Laurence, anak. Gising na. 4:30 na. May pasok na daw ba kayo?" HALAAAA! Nakatulog na pala ako kakaisip. Matawagan nga si Matt kung may pasok.

Calling aa.Matt...

*kriiing kriiing*

"Hello? Sino to?" Eh? Di ba nakasave number ko dito? O naistorbo ko sa tulog? Halatang inaantok pa eh. XD

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon