Jude
Nung nakita ko siyang nagulat sa ginawa ko, medyo kinabahan ako. Baka kasi hindi niya magustuhan. Ginawa ko lang naman yun kasi isang linggo na siyang tuliro. Isang linggo na siyang may sapak, AT ISANG LINGGO na rin siyang MALUNGKOT. Wala na siyang nagawang tama, pati pag'aaral niya napapabayaan niya na. Nakakainis lang kasi ang baba na ng mga grades niya. Hindi ba niya naisip na accounting yung kinukuha niya at hindi basta bastang course? Hindi ba niya naisip na quota course yung napili niya at kailangan niyang makuha yung kailangan naming i'maintain na grades? Uuuugggh! Nakakainis lang talaga! Nakakainis kasi dahil kay MATTHEW kaya siya nagkakaganyan. Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang mapasaya siya. Yun lang naman purpose nito kaya ko nagawa ito.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig niya sa lugar bigla siyang humarap saken.
"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o dapat kong gawin."
"Wala kang dapat sabihin." Yun na lang ang sagot ko sa kanya. Wala rin naman akong ine'expect na sasabihin o gagawin niya saken eh. Ang gusto ko lang talaga eh mapasaya siya and I think I fail.
"Bakit mo ginagawa to?"
"Mukha ka na kasing timang kanina at isang linggo ka nang mukhang matanda." Sabay belat sa kanya. HAHA! Asarin ko kaya to? Ang cute nito pag pikon eh.
"Psssh." At ginawa na naman niya ang signature pout niya. Sabi na eh, pikon to eh. Tsss. :3
"Punta ka na dun." Sabay tinulak ko na siya papunta sa aisle. Ang gentleman ko masyado nu? HAHA! Joke lang yun, hinatid ko siya hanggang aisle tapos hinayaan ko syang maglakad mag'isa hanggang makarating siya sa mesa. Pinaupo ko muna siya bago ako umupo. Ladies first. HAHA!! :D tumugtog na yung orchestra. Kumaen muna kami bago ko siya niyayang sumayaw. Dinala ko siya sa mismong mini stage. Tumugtog ang Enchanted ni Taylor Swift sabay kinakanta naman ito nung isang singer na babae. Magaling pumili ng kanta ah, nasaktuhan samin dalawa.
"Pakinggan mo bawat lyrics."
~ There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old tired lonely place~
"Jude, may tanong ako."
"Hm."
~Walls of insincerity,
Shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face
All I can say is it was enchanting to meet you~
"Bakit ganto ka saken? Bakit ginagawa mo 'to?"
~Your eyes whispered, "Have we met?"
Across the room your silhouette
Starts to make its way to me
The playful conversation starts
Counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy
And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you~
A moment of silence... Chos! Nanatili na yung kanta ang nangingibabaw sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko kasi alam isasagot sa kanya. Parang kanina yun din ang tanong niya ah? Paulet ulet lang ang peg? Aay! Alam ko na. "Hm. Trip ko lang."