Chapter 13 - Fun Day!

43 0 0
                                    

Jude

Niyaya ko na si Laurence na umuwe at ihatid sya sa bahay nila dahil medyo gabi na rin nagkayayaan ng uwian yung mga ka'block namin.

Nakakainis lang kasi ang traffic pa dito sa bandang Molino. Pagkatingin ko kay Laurence, tulog na sya. Napagod na siguro.

Pagkalagpas namin ng Molino, mabilis na lang yung byahe. Pagkarating namin sa kanila, di ko muna sya ginising. Nung tumingin ako sa kanya, di ko mapigilan yung sarili ko na tumitig.

Ang amo ng mukha nya para syang anghel na nahulog lang dito sa lupa. Tapos ang haba ng pilikmata nya, ang tangos ng ilong nya. Tapos ang labi nya, red na red. Napakasimple lang nya, walang arte sa mukha.

"Ang ganda pala ng sunget na to eh."

Pagkasabi ko nun, unti unti na nyang dinilat yung mga mata nya. Nagising ko ata. :3

"Gumising ka na dyan, dito na tayo."

"Hmmm?"

"Dito na tayo."

"Aay. Sorry. Thank you, Jude. Pasok ka muna sa bahay."

"Wag na. Gabi na rin kasi eh. Malayo pa ko."

"Nakasasakyan ka naman eh, okay lang yan."

"Wag na nga."

"Tsk. Di ako bababa dito pag di ka papasok sa bahay." sabay ginawa na naman nya yung signature moves nya na mag'crossed arms at mag'pout.

"Edi wag. Isasama na lang kita sa bahay."

"Uuuggh! Ang daya mo! Kanina ka pa!"

"May pasok bukas."

"Ganto. Mag'dinner ka na lang sa bahay tapos umuwi ka na after."

"Ayoko."

"Isa Jude."

"Dalawa Laurence"

"Hahalikan kita! Alam mong kaya kong gawin yun."

"Eto na nga eh, bababa na."

"Good. Sabay na tayo." sabay ngumiti sya saken na parang bata

"Tss. Bata nga talaga."

"Ang KJ mo talaga!"

Para kaming ewan na nag'aaway habang pumapasok sa kanila. Pagkapasok ko, andun na yung mama nya.

"Oh Jude! Ngayon na lang ulit kita nakita ah." sabi ng mama nya saken.

"Opo nga po eh. Sorry po ginabi na si Laurence."

"Ano ka ba? Okay lang. Nagpaalam naman sya saken eh. Osya, halika kumaen ka muna."

"Aay tita, wag na po. Gabi na rin po kasi eh."

"Kumaen ka muna tapos umuwi ka na." alam ko na kung kanino nagmana tong si Laurence.

"Osige po."

Kumaen na muna ko para mapauwe na ko ng mag'inang to. Sumabay na saken si Laurence. Ang lakas lang nya kumaen eh. Yung totoo, babae ba talaga to? O_o

Pagkatapos kong kumaen, pinauwe na nila ko. Grabeee! Gabing gabi na ko makakauwe nito pero okay lang. Ang saya lang ng araw ko. Isa si Laurence sa nagpasaya ng araw ko.

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon