Chapter 12 - Sign

33 0 0
                                    

Laurence

Wednesday na naman. Hanggang 1pm lang pala kami ngayon kaya nagkayayaan ang section namin na manood ng sine. "The Reunion" daw yung papanoorin. OMAYGAAAAWD! Si Enchong Dee. :"> Gusto ko sanang sumama kaso tinatamad ako. >:D Pagod na kasi ko kakalaro ng volleyball kaya nakakatamad na sumama tsaka di naman lahat ng nasa section namin makakasama.

"Laurence, sasama ka ba?" Tanong saken ni Kent, isa sa mga close friend ko sa section namin.

"Ewan ko pa eh. Ikaw ba?"

"Gusto kong sumama kaso di ako nagdala ng pera eh."

"Gusto mo talagang sumama?"

"Oo eh."

"Tara! Sagot ko muna sine mo, bayaran mo na lang ako bukas."

"Talaga? Salamat Laurence!"

"Okay lang, basta ikaw. Lakas mo saken eh!" Tapos ngumiti na lang ako. Gusto ko kasing isama si Kent.

Si Kent ay isang babae. Parehas kaming babae na pinangalanan ng lalake. HAHAHA! Kaya madali ko syang naka'close eh kasi mabait sya. Wala akong nakitang di ko nagustuhan sa kanya tsaka masaya syang kasama eh. Kaya gusto ko lagi kasama yun. :D

Bago kami umalis sa ULS, nagtipon tipon muna lahat kaming sasama sa SM Dasma. Out of 38, konti lang ang sumama.

Inexpect ko na sasama si Matt pero di pala. Sabi kasi nya saken nung Friday na sasama sya ngayon kaya akala ko may kasama kong maghahatid saken. Kung sino naman yung di mo ine'expect na sasama, yun naman ang sumama. Kasama kasi si Jude. Akala ko di sya mahilig sa ganto kasi madalas mas gusto nyang mag'isa eh. Senti kaya yung mokong na yun.

After malaman kung sino yung makakasama, pumunta na kami sa SM. Pagkalabas na pagkalabas namin ng ULS, naulan. OMAYGAAAAWD!

"Umuulan!" Sabay naming nasabi ni Jude yun pero di ko na pinansin. Yung sign ko kasi nangyari.

"Aay hindi. Joke lang yan."

"Shatap Kent. Pepektusan kita eh." Yun na yung sinabi ko kay Kent. Namilosopo pa kasi eh. :3

Yung sign, eto na ba yun?

Kagabi kasi nag'aayos ako ng drawer ko nung nakita yung picture ko nung bata kasama yung unang lalaking minahal ko. Oo, bata pa ko nun pero sya yung first love ko. Kaso nagkahiwalay kami at nawalan na ko ng balita sa kanya. Aminado ko na hanggang ngayon sya pa rin kahit nainlove ako sa iba.

Bago mag'first day ng class humingi ako ng sign na kapag umulan, makikilala ko na yung tamang tao para saken. Nung first day, umulan nga.

Kagabi, humingi ulet ako ng sign na kapag umulan ngayon ibig sabihin kilala ko na yung taong yun. At umulan nga ngayon.

Ang tanong nga lang, sino yung taong yun? Kung kilala ko na sya, ibig sabihin nasa paligid ko lang. Siya ba si Mystery Prince? What the eff?!! Sinooo?? Masyado akong nahihiwagaan sa mga nangyayari saken. :3

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon