Jude
Nakakatamad naman. May pasok na bukas, hindi pa nila tinuloy tuloy na walang pasok. Badtrip talaga. -_-
Itext ko kaya si Laurence tapos sabihin kong walang pasok bukas?...
Haaaaay. Wag na nga. Aawayin pa ko nun. Ang init init pa naman din ng dugo ng babaeng yun saken. Pag nakikita nya ko, parang pasan nya na buong mundo eh. Ang adik talaga ng babaeng yun. Ang labo nya, ang hirap pa nyang intindihin. Girls nga naman talaga. (- _ -")>
Nakakahiya pa ngang magpakita dun eh. Nagkaroon kasi kami ng seryosong away nun dahil lang di ako nag'thank you? Tsk. Weirdo.
*flashback*
"Nakapagpasa ka sa management Jude?"
"Yapyap" Tapos nag'stay lang sya sa tabi ko, tinitigan ako.
Reaksyon ko sa pagtitig niya -> O_o <_< O_o >_> ^_^
Nagulat ako nung nang'irap sya saken kahit ngumiti ako sabay sabing "Thank you Laurence ah. Thank you." Sabay palo sa desk ko. "Effort ko kasing isipin yung question para sayo eh. Tapos thank you lang di mo pa masabi. Ganyan ka na ba ka'snob? So ano? Akala ko ayos na tayo kasi ang bait bait mo na saken? Tapos bakit bigla kang naging ganyan? Nakakainis ka!! Alam mo yun?!" Sabay alis na sya kagad.
So ayun. Wala ako masagot sa kanya ng mga panahong yun. Sobrang init ng ulo eh. Ewan ko ba dun. Ang weird talaga nya.
Ayos naman kasi talaga kami eh. Kaso si Matt kasi eh, ayokong magka'away kami. Sinabi kasi nya samin na gusto nya si Laurence, kaya ako na kusang umiwas kay Laurence. Umiwas na ako kasi ayoko na ng gulo at umiiwas na ko sa gulo.
Kaya ko lang naman kasi sya hinahatid pauwe kasi concern ako sa kanya. Ayun lang, wala ng ibang rason.
Kaya simula ng umiwas ako ang awkward na lagi ng sitwasyon. Ang hirap kumilos sa isang lugar lalo na kung may kasama kang kinaiilangan mo. Ewan ko ba, simula ng iniwasan ko sya nailang na ko. Sanay naman ako sa away eh, mapababae man o lalaki pero this time, iba yung feeling eh. I can't explain. Basta iba. Iba kasi talaga si Laurence sa lahat ng taong nakilala ko. May something na ewan. :3
Unang kita ko pa lang kasi sa kanya nung first day ng class, pamilyar na sya eh. Parang nakita ko na sya somewhere. Ewan. Nung hinahatid ko din sya dati pati parents nya pamilyar saken. Basta di ko talaga ma'explain yung nararamdaman ko nung unang kita ko sa kanya which is something weird. -_-
*beep beep*
Fr: Jessamin
Hi JB. :)
Tsk. Si Jessamin lang pala. Akala ko naman si Laurence na....
Isa pang magiging dahilan kung bakit magiging awkward kami lalo eh yung na'wrong send ata sya saken.
BINABASA MO ANG
Yes or No
Roman pour AdolescentsDo you believe in FOREVER, HAPPY EVER AFTER and TRUE LOVE?