Chapter 11 - Sorry

34 0 0
                                    

Jude

Nakakailang. Hanggang ngayon kasi di pa kami nag'uusap ni Laurence. Anak ng tokwa naman oh! Titingin ako sa kanya, nakatingin na sya saken sabay lihis sya ng tingin. Ganto na kami simula umaga, lunch na naman mamaya pero wala pa rin nangyayari. Kainis lang! Ang hirap ng sitwasyon namin. GUSTO KO SYANG KAUSAPIN PARA MAG'SORRY!! >_< Nakabantay naman kasi si Matthew sa kanya eh. Hindi ba pwedeng maghiwalay muna sila?    

-_____-

"Hi Jude!"

"....." Nakakagulat naman tong si Jessamin eh. Wala akong panahong kausapin sya tsaka sabi ko naman na ayokong tinatawag akong Jude eh. Hirap bang umintindi tong babaeng to? Nakakainis lang ah. -___-

"Ang suplado mo naman Jude."

"Alam mo Jessamin, hindi naman ako suplado eh. Suplado lang ako sa mga taong hirap umintindi na ayokong tinatawag ako sa pangalan kong Jude at sa mga taong di ko gusto."

"Eh bakit si Laurence pwede kang tawagin Jude? Hindi ba pwedeng ako din?"

"Sorry, hindi pwede eh. Iba kasi si Laurence sayo at kahit kailan hindi ka magiging katulad nya. Okay?" Tapos nginitian ko na lang. E pikon sya, ayun nag'walk out. Tsk. Baliw nga naman oo. Tiningnan ko muna si Laurence, pagtingin ko nakatingin sya saken pero inirapan lang nya ko. Tss. Ano na naman problema nun? -_-

Lunch na naman pero buong umaga na nya ko di pinapansin. Ganun ba sya kagalit saken dahil lang di ako nag'thank you? Hindi naman kasi ko sanay mag'thank you eh. Haaaaay! Buhay nga naman! Ang hirap naman pakisamahan ng babaeng to eh. :3

Bumalik na kami sa classroom namin para sa next subject namin. Since wala pang prof, umupo muna ko sa gilid at nag'soundtrip. Habang nag'iisip ako ng paraan kung paano ko sya makakausap, nagulat na lang ako nung bigla syang tumabi saken at tinanggal ang earphone ko.

"Mag'isa ka na naman Jude?"

"Di ko trip ang may kasama."

"Aay sorry." Tapos tumayo na sya. Pinigilan ko syang umalis kasi gusto ko syang makausap. Nung pagkahawak ko sa kanya para pigilan, tumingin lang sya saken na parang nagtataka.

"Gusto kitang makausap Laurence." Sabay upo niya ulet sa tabi ko.

"Ahm Laurence. Ano.. Ano kasi eh."

"Ano?"

"Ahmm. Gusto ko lang kasing magsooo…"

"……...." Poteeeeek naman eh! Uso ba sa kanya ang tumitig? Nakakailang ah. >.<

"Sooo.. Sooo.."

"Jude Sorry."

"Ha?" Sorry? Bakit sya nagso'sorry saken?

"Sorry kasi na'wrong send ako sayo nung isang araw."

"Aah. Okay lang yun." Ngumiti lang sya saken nun. Ang cute niya! :)

"Ahm Laurence. Sorry din."

"Bakit?"

"Basta. Wag ka ng magtanong kung bakit."

"Tss. Alam mo hindi talaga kita maintindihan. Weirdo."

"Tsk. Ako na nga nagso'sorry eh. Umalis ka na nga dito, panira ka ng momentum eh!"

Yes or NoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon