Matthew
Unang kita ko pa lang kay Laurence, feeling ko may something. Ilang weeks pa lang kaming nagkakasama pero sa tuwing kasama ko sya, ang saya saya. Yung tipong walang problema, palagi lang masaya. Sa lahat kasi ng ka'block kong girls, si Laurence lang ang naiiba. Siguro nga nasasabi ko lang to kasi sya lang naman yun madalas kong nakakasama sa teatro. Mabait naman kasi sya eh, ewan ko lang kung bakit pagdating kay JB ang init init ng dugo nya.
Sa 3 weeks na namin na magkaka'block, si JB at Laurence ang madalas mag'away. Konting bagay lang pinag'aawayan na nila. Walang araw na nagkasundo sila. Inaasar na nga sila ng mga ka'block namin dahil sa ganung asal nila eh. Si JB sumasakay pero si Laurence naiinis. Kulang na nga lang eh patayin nya si JB sa harap naming eh para lang tumigil sila sa pang-aasar. At isa pa, si Laurence lang ang nakakatawag ng Jude kay JB. Naiinis kasi si JB pag tinatawag syang Jude pero pag si Laurence ang tumawag sa kanya ng ganun ayos lang. Ewan ko ba. Di ko sila maintindihan.
Minsan nga nagseselos na ko eh. Kahit 3 weeks pa lang kaming magkasama, masasabi kong gusto ko talaga si Laurence. Gusto ko syang ligawan pero ayoko muna. Magmumukha kasi kaming PBB TEENS. Tsaka baka kasi mabigla sya eh kakakilala lang namin tapos 3weeks ko pa lang sya nakakasama, kaya hahayaan ko na muna na magkakilala pa kami ng mabuti. This time, gusto ko bestfriend muna kami.
"Matt, favor pwede?" - Laurence
"Sure. Ano yun?" – Ako. Kahit anong favor naman, basta sayo ayos lang.
"Practice tayo. Kunwari ikaw muna si Jude."
"Osige. Bakit ba lagi na lang mainit ulo mo dun?"
"nakakairita kasi sya. Alam mo ba Matt, ayoko naman kasi talaga ng role kong 'to eh. Aay, no. Gusto ko pala role ko ang ayaw ko lang yung kapartner ko dito. Bakit ba kasi hindi na lang ikaw?"
Eh kung gusto nila na ako edi sana ako na lang. Eh kaso gusto nila si JB eh.
"Hayaan mo na. Isipin mo para sa project natin to."
"Uuuggh! Ano pa nga ba magagawa ko? Buhay nga naman Matt oh!"
Kitang kita sa mukha nya na iritang irita sya pag si JB ang topic. Sana ganyan na sya lagi kay JB, ayoko kasi dumating sa point na sasabihin nya saken na gusto nya na nga si JB. Oo, tropa ko si JB pero pagdating kay Laurence hindi na. Ibang usapan na yun.
Nagpractice muna kami ni Laurence sa labas habang wala pa prof namin. Kaya pala sya natanggap sa teatro eh kasi magaling talaga sya. Dumating ang prof namin nung kalagitnaan ng practice namin kaya napilitan na rin kaming pumasok ni Laurence sa loob ng room.
"Okay guys, you have 2 weeks before your prelim examination right? May ipapagawa akong project. Madali lang naman to kasi group project. Count 1 to 4."
Nagstart ang counting kay Ysa. Number 3 si Laurence.
"4" – Ako. Fvck! Group 4 pa ako. Dapat pala nakipagpalit ako dito sa katabi ko eh.
"3" – JB. Shit. 3 pa si JB. Pagkalingon ko kay Laurence, nakatingin na si Laurence saken. Nakasad face na sya. Siguro nga ayaw nya maka'group si JB. Ang daya naman talaga!
"okay. Now, magsama sama na ang same number"
Bago makalapit si Laurence kay JB, hinarang ko muna sya para kausapin. Kaso si JB bigla syang hinila kaya wala na ko nagawa kundi hayaan sila.
Katabi ko lang ang group nila since 4 kami tapos 3 sila. Kitang kita ko na tahimik lang si Laurence at JB kahit magkatabi sila. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng pagseselos. Dapat kasi ako yung nasa posisyon ni JB eh, dapat ako yung katabi ni Laurence ngayon. Nakakainis talaga! >.<