Prologue

1K 32 2
                                    

ION POV

Andito ako ngayon sa sikreto naming lugar. Masaya kong inaantay ang aking minamahal na babae. Gusto ko na itong yakapin ng mahigpit at halikan sa kanyang mga labi.

Hanggang sa dumating na nga ito. Nakapagtataka nga lamang at hindi ito nakangiti sakin. Dati naman makikita lang ako nito ay nakangiti na sa akin.

"Bakit ang seryoso naman ata ng pinakamamahal ko?" Malambing na pagtatanong ko sa kanya.

Lalapit na sana ako sa kanya para yakapin siya nang pahintuin ako nito. Nakatitig lamang ito sakin ng seryoso. Wala akong mabasa na miski anong emosyon sa mukha niya.

"Ion, itigil na natin ito. Maghiwalay na tayo." Seryosong saad sakin ni Vice.

Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala. Parang nabingi ata ako sa narinig ko. Ano? Maghiwalay na kami?

"Binibiro mo naman ako, Babe. Wag ka naman magbiro ng ganyan." Saad ko sa kanya.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Kahit ramdam kong parang dinudurog na ang aking puso.

"Hindi ako nagbibiro, Ion. Don't call me Babe anymore. I'm already engaged." Sagot naman nito sakin.

Itinaas naman nito ang kanyang kamay at ipinakita sa akin ang isang diamond ring. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Engage? Kanino? Kailan? Paano?

"Hindi kita maintindihan. Sabihin mo sa akin kung hindi mo na ako mahal. Bakit kailangan may ganyan ka pa?" Saad ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan at tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong mga luha. Ang sakit-sakit nang ginagawa sakin ngayon ni Vice. This is torture.

"I-ion. Mahal kita. Mahal na mahal kita. God knows how much I Love You." Sagot nito sakin nang umiiyak.

Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay. Tanging mga tunog lamang ng iyak namin ang naririnig.

"K-kung mahal mo ako. Bakit hindi mo ako maipaglaban? Kaya kitang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan ako sa labi ni Vice.

"Pero hindi kita kayang ipaglaban. Hindi ko kayang suwayin ang gusto ng mga magulang ko." Saad nito sakin saka umiwas ng tingin.

Lumayo naman ako sa kanya at sinuntok ko ang pader. Doon ko binuhos lahat ang sakit na nararamdaman ko.

"Ion, stop it. I'm sorry, Babe. I love you. I really love you." Umiiyak na saad niya sakin.

Itinulak ko naman palayo sakin si Vice. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Pero nasasaktan din naman ako.

"Utang na loob, Vice. Stop saying those words if you can't fight our love. Handa akong ipaglaban ka sa mga magulang mo. Mayaman din naman ako kaya kitang buhayin. Pero paano kita ipaglalaban kung ikaw mismo pinipigilan akong ipaglaban ka? Bakit ang ipinaparating mo sa akin hindi mo talaga ako mahal? Kasi kung mahal mo ako, hindi naman madali para sayo na iwanan ako eh." Hinanakit ko sa kanya.

Lahat naman ng aking nahawakan ay mga binato ko. Kailangan kong mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Ion, this is not easy for me. I really love you. Pero, alam mo naman noong una pa lang na may chanc na naka-fixed marriage na ako. I can lose you but not my parents. I don't want them to disown me." Sagot naman niya sakin.

"Enough! Enough! Vice, umalis ka na. Mas lalo mo lang akong sinasaktan. Alam ko namang mas pipiliin mo ang mga magulang mo, ang responsibilidad mo. Hindi ko lang akalain na ganito pala kasakit yun. Ginawa ko ang lahat para maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko. Para kung sakaling dumating man ang araw na ito ay kaya mo na akong ipaglaban, ako na ang pipiliin mo. But, I'm wrong." Nanghihina kong saad sa kanya.

Mabilis namang lumapit sakin si Vice at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Titig na titig ito saking mga mata.

"Ion, I will leave you. Promise, lalayo na ako sayo para hindi na kita masaktan pa. But, can you grant my last wish?" Pagtatanong nito sakin.

Napakunot naman ako ng noo.

"Make love with me, Babe. Please, for the last time. I want to feel you inside me." Saad nito sakin ng may pang-aakit.

Bago pa ako nakasagot ay hinalikan na ako ni Vice.


Author's Note:
Hi, ito muna sa ngayon. Halata namang hindi pa ito tapos. Mababasa ang karugtong nito sa mga susunod pa na chapter. Magsisimula ang story na ito kung paano nagkakilala ang ating mga bida at kung paano ba nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon