Chapter 5

733 29 1
                                    

VICE POV

Seryoso namang nakatingin sakin ang aking ama. Labis ang kaba na aking nararamdaman. Dumadagundong ito dahil sa sobrang lakas nang tibok ng aking puso.

"Sino ang mga lalaking ito?!" Madiin na tanong sakin ng aking ama.

"They are my friends, Dad." Sagot ko naman sa kanya.

Isa-isa ko namang pinakilala sina Vhong sa aking ama. Ngumiti lamang ng pilit ang mga ito. I know Dad is really intimidating.

"I didn't know that you have male friends." Hindi makapaniwalang saad nito sakin.

Tumingin naman ako ng diretso sa mga mata niya.

"Dad, because you are always not around. Mom and you are busy with your work. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako lagi." Malungkot kong saad sa kanya.

Sana naman umubra ang drama ko. Kita ko naman lumambot ang expression nito. Ang galing kong umarte.

"I'm sorry, Baby. Alam mo namang para rin sayo ang ginagawa namin." Sagot nito sakin.

"I know, Dad. I know." Naiiyak kong sagot sa kanya.

Yumakap naman ako sa aking ama. I miss this hug. I'm always be a Daddy's girl. Alam kong nabawasan na ang inis nito dahil sa nasaksihan niya kanina. Humiwalay naman ako ng yakap.  Akala ko sakin nakatingin si Dad pero kay Ion pala.

"Who are you?" Pagtatanong ni Dad.

"Good day, Sir. I'm Renz Ion D. Perez, I own the Perez Real Estate Company and Perez Construction Company with 10 branches each all over the world. Also, I'm one of your newest investor." Pagpapakilala ni Ion at tumungo pa sa harapan ng aking ama.

"Really? Kasama ba sa kontrata na yun ang pagyakap sa anak ko?" Pagtatanong ng aking ama.

Kinabahan naman ako sa isasagot ni Ion. Napatingin naman sakin si Ion at pinanlakihan ko ito ng mata.

"No, Sir." Tanging sagot lamang nito.

"Are you planning to woo my daughter? I'm telling you now to stop. She's already engaged to someone." Saad ng aking ama.

Sinampal naman ako ng katotohanan na pansamantala lamang ang kalayaan na nararanasan ko ngayon. Tumitig ang aking ama kay Ion samantalang si Ion naman ay matapang na nakipagtitigan din.

"I'm courting her, Sir. And you can't stop me even though you are his father. I'm respecting you, Sir. But, I will fight my feelings for Vice." Matapang na saad ni Ion.

Nagbunyi naman ako ng palihim dahil sa narinig ko. Kinikilig talaga ako at hindi ko mapigilan ang pagngiti. Kinindatan naman ako ni Ion na mas lalong nagpangiti sakin. Kaya naman kinindatan ko rin ito. Kaya napatawa si Ion.

Nagtiim bagang naman ang aking ama. Lumingon naman ito sakin ng masama dahil nahuli akong nakangiti. Nagseryoso naman ako bigla.

"Is he the reason why you don't want to marry the man we want for you?!" Galit na tanong nito sakin.

"Of course not! I already told you the reason, Dad." Sagot ko naman sa kanya.

Bumalik naman ang tingin ni Dad kay Ion.

"Layuan mo ang anak ko, Mr. Perez. Hindi ka pa naman nakakapirma ng kontrata. We don't need you anymore. My daughter's fiancé is the one who will invest here. I don't want to see you again here in our building or any in our property." Saad ni Dad kay Ion.

"And you Vice. Ayoko na makikitang lumalapit ka pa sa lalaki na yan. Next week makikilala mo na ang fiancé mo." Dugtong ni Dad habang nakatingin sakin.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon