Chapter 2

655 21 1
                                    

VICE POV

Nakangiti naman akong nakikipag-usap sa mga kasama namin nina Anne. Hindi ko akalain na mag-iimbita pa pala ng iba. Buti na lang masaya sila mga kasama.

Ngunit, ang nakakuha ng aking atensyon ay si Ion. He's really handsome. Lagi nga lang seryoso. Daming lumalapit na babae sa kanya pero hindi nito pinapansin. Paano ko nalaman? Syempre kami ang pinagtabi sa upuan eh. Tapos iniwanan pa nila kaming dalawa.

"Why are you staring at me?" Seryosong tanong sakin ni Ion.

Bigla naman namula ang aking mga pisngi. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti ni Ion.

"Hey, I'm asking you, Babe." Malambing na saad sakin ni Ion.

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Shit! Ang sarap sa panrinig ko na tinawag niya akong Babe.

"Shut up, Ion! Don't call me 'Babe'! I already have fiancé. So, stop flirting me." Matapang kong sagot sa kanya.

Tiningnan naman ako nito ng seryoso. Para akong nalulunod sa mga tingin niya. Hinapit naman niya ang aking baywang palapit sa kanya. Kaunti na lamang ang distansya ng aming mga labi.

"Wala akong pakialam kung may fiancé ka. Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin?" Mapang-akit na tanong nito sakin.

"A-ano yun?" Sagot ko sa kanya.

Mas lalo namang dumikit sakin si Ion. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

"I want to kiss you, Babe." Malambing na saad sakin ni Ion.

Napatulala naman ako sa sinambit nito sakin. Hanggang sa hinalikan na nga ako ni Ion. Nanlaki naman ang aking mata sa kanyang ginawa. Hindi ako makagalaw dahil sa halik niya. Parang kinukuryente ang aking buong katawan.

Ilang minuto pa bago hiniwalay ni Ion ang kanyang mga labi. Agad ko naman siyang tinulak palayo sakin.

"You! Why did you kiss me?! It is my first kiss!" Sigaw ko sa kanya.

"Really? I'm your first kiss. Wow! I'm such a lucky man." Nakangising saad sakin nito.

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Parang hindi man lang ito na konsensya sa ginawa niya. Tiningnan ko naman ito ng masama ngunit, kinindatan niya lamang ako.

"I hate you! I hate you!" Sagot ko naman sa kanya.

Tinawanan naman ako nito. Hindi ko naman na ito pinansin pa at uminom na lamang ng alak. Fuck! Ramdam ko pa rin ang mga labi niya sakin. Those sweet lips, damn!

I'm really in a big trouble. I should not feel about this. Few months from now, I will meet my fiancé. Baka mafall ako sa lalaking ito, masasaktan lamang ako. At hinding-hindi ko hahayaan na mangyari yun. Ngayon pa lang lalayo na ako sa kanya.

"Vice, why you're so serious?" Pagtatanong sakin ni Vhong at saka ako inakbayan.

"Nothing. May naisip lang ako." Sagot ko na lamang sa kanya.

"Humarap ka sakin, Vice." Saad sakin ni Vhong.

Ginawa ko naman ang sinabi nito. Bakit ganoon? Wala man lang epekto sakin si Vhong hindi katulad ni Ion.

"Vice, pwede ba akong mas lumapit pa sayo?" Tanong sakin ni Vhong.

Kahit naguguluhan ako ay tumango naman ako sa kanya. Pagkalapit nito sakin ay aakalain ng nasa likod ko naglapat ang aming mga labi. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Vhong.

"Vice, in the count of 3. May mangyayari. Let's start the countdown. In 1,2,3." Masayang saad ni Vhong.

Pagkatapos nga magbilang ni Ion ay naramdaman kong may humigit sakin papalayo kay Vhong. Paglingon ko ay ang sama ng tingin ni Ion kay Vhong.

"Don't touch her again, Vhong. Baka makalimutan kong kaibigan kita. Hindi ako magdadalawang isip na balian ka ng mga buto." Madiing sabi ni Ion kay Vhong.

Ngumiti lamang si Vhong kay Ion. Tumingin naman ito sakin at parang sinasabi niya na 'I told you'

Lumingon naman sakin si Ion. Seryoso lamang ito na nakatitig sa aking mga mata. Para na naman akong nalulunod sa mga tingin niya.

"You're mine, Vice. You. Are. Only. Mine. Babe." Saad niya sakin.

Pagkasaad niya sakin ay hinalikan muli ako nito sa aking mga labi. Napapikit na lamang ako dahil sa halik niya. Parang may mga paru-paro sa aking tiyan.

Rinig ko ang sigaw at tili ng aming mga kasama. Ngunit, mukhang wala pakialam si Ion. Tinutulak ko ito palayo, ngunit mas lalo lang nitong diniinan ang halik niya sakin.

Gumalaw naman na ang mga labi niya. Kaya napapikit na lamang ako at sa hindi malamang dahilan tumugon ako sa mga halik niya sakin. Hanggang sa ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. This kiss really feel good. I can kiss him even for an hour.

Hanggang sa ito na ang unang humiwalay ng halik. Ngumiti lamang ito sakin.

"I think, it's a yes, Babe." Saad nito sakin.

"Huh?" Naguguluhan kong saad sa kanya.

"Na pumapayag ka na magiging akin ka." Sagot naman nito sakin.

Nanlaki naman ang aking mata sa sinabi nito.

"You're crazy. It's just only kiss. Nothing more, nothing less. I told you, I have a fiancé. Stop it!" Saad niya sakin.

"Then, why am I your first and second kiss?" Malokong tanong niya sakin.

"B-because..." Hindi ko naman mahanap ang tamang isasagot sa kanya.

Sasagot pa sana ito sakin nang pinaghiwalay  kami nina Anne. Nakatulala lamang ako sa buong pangyayari. Inaasar nila si Ion. Samantalang, si Anne ako ang iniinis.

"Sis, tama ba yung narinig namin?" Nanunuksong tanong ni Anne.

Sinamaan ko naman ito ng tingin para manahimik. Ngunit mas lalo lamang itong nagwala sa kilig.

"You look good together." Komento pa rin ni Anne.

"No. He is just playing around. Hindi rin kami pwede. Diba sinabi ko na naman sa inyo na pansamantala lamang itong kalayaan ko na ito." Malungkot kong sagot kay Anne.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Masyadong marami ang nangyari sa araw na ito. Agad ko naman pinunasan yun. Dapat sa positive lamang ako, no to negativity!

"Vice, I will court you. See you tomorrow." Mabilis na saad sakin ni Ion.

Natulala naman ako sa sinabi nito sakin. Ano? Manliligaw?! Hanggang sa umalis na nga ito. Napatitig na lamang ako sa likod nito na papalayo sakin. Sina Anne naman mas lalo lang nagtitili sa kilig.

"What should I do?!" Mahinang nasabi ko na lamang.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon