Chapter 6

828 25 1
                                    

VICE POV

Tahimik lang ako buong byahe papunta sa condo ko. Kaya naman laking gulat ko kung paano nalaman ni Ion saan ako nakatira pansamantala.

"Hey, paano mo nalaman na dito ako nakatira?!" Nagpapanic kong tanong sa kanya.

Ngumiti lamang ito sakin bago nito ipinarada ng ayos ang sasakyan niya. Hinampas ko naman siya dahil hindi nito sinagot ang aking katanungan.

"What's your problem, woman?!" Iritang tanong nito sakin.

Tila naman may tumusok sa aking puso sa pagsagot nito sakin. Hindi ako sanay na ganito siya.

"I-i said, h-how did you know my place?" Sagot ko naman sa kanya.

"Sinabi sakin ni Anne. And please, wag kang manghampas! Masakit! Buti pa si Anne, hindi nanghahampas!" Inis pa rin nitong saad sakin.

Hindi naman ako agad umimik at lumabas ng mabilis sa kotse ni Ion. Mabilis akong naglakad papasok sa building. Tinatawag ako ni Ion ngunit hindi ko siya pinapansin. Galit ako sa kanya dahil pinagkukumpara niya kami ni Anne.

Pagkapasok ko sa loob ng elevator ay mabilis din namang nakasunod si Ion. Tinatawag ako nito ngunit hindi ko siya pinapansin.

Mabuti na lamang mabilis nakarating sa floor kung saan ang akin. Binilisan ko ang paglalakad para makalayo kay Ion. Ngunit, malalaki ang hakbang niya kaya naman naabutan niya ako.

Hinigit naman nito ang aking braso para iharap sa kanya. Inilingkis naman ni Ion ang kanyang mga braso sa aking bewang.

"A-ano ba?! Lumayo ka nga sakin!" Matapang kong bulyaw kay Ion.

"Paano kung ayoko?" Nanunuksong tanong nito sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngunit parang wala lang sa kanya ang mga yun.

"Lumayo ka sabi! Paano ako makakapasok sa condo ko kung nakaganito tayo! You're such an asshole!" Inis kong sagot sa kanya saka ko ito tinulak palayo sakin.

Tila naman nagulat ito sa sinabi ko sa kanya. Nakonsensya naman ako bigla dahil sa aking nasabi.

"Ganyan ka ba talaga? Brutal na nga, nagmumura pa. Hahaha, what kind of a woman?" Sarkastikong saad ni Ion.

"Wala kang pakialam kung ganito ako! You are free to go if you don't like my attitude." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit ayaw mong gumaya sa mga kaibigan mo? Lalo na kay Anne. Act appropriately, Vice. Hindi maganda sa isang babae ang nagmumura.." Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Ion at sinampal ko na ito ng malakas.

"How dare you to compare me with my friends?! I don't need to please everyone especially, you! I hate you, Ion! I hate you!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Ion at nagtatakbo na ako palayo sa kanya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang pinipiga ng unti-unti ang aking puso.

Mabuti na lamang mabilis kong nabuksan ang lock ng aking pinto. At nakapasok na ako agad. Sasarhan ko na sana ito ng tuluyan nang iharang ni Ion ang kanyang katawan.

"What's your problem?! Lumayo ka na sakin! Ayaw kitang makita miski makausap!" Galit kong sigaw kay Ion.

"Please, let me in. I'm sorry, Vice. I didn't mean to say it." Nagsusumamong saad nito sakin.

"Ayoko! Umalis kana nga!" Inis kong sambit sa kanya.

Hindi naman ito nakinig sakin. Nagpumilit itong pumasok at nagtagumpay nga si Ion. Mabilis nitong nilock ang pinto.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon