Chapter 8

856 34 3
                                    

VICE POV

Gabi nang nakarating kami sa may bahay nina Ion. Simple lang ang bahay nila. Natutuwa ako dahil ganito ang aking nadatnan. I like a man who lives in a simple life.

Hinawakan naman ni Ion ang kamay ko habang papasok kami sa bahay nila. Kabadong kabado ako habang tinatahak namin ang daan. Sumalubong naman sa amin ang isang may kaedaran na babae. Kahawig niya si Ion, siguro siya ang nanay niya.

"Ma, si Vice po pala girlfriend ko. Babe, Mama Zeny ko pala." Pagpapakilala ni Ion sa bawat isa sa amin.

"G-good evening po, Mrs. Perez." Pagbati ko sa nanay ni Ion.

Nakipag beso naman ako agad sa Mama ni Ion. Ngumiti naman sakin ng pagkatamis-tamis ang nanay niya.

"Mama na lang ang itawag mo sa akin. Tutal, girlfriend ka naman nitong anak ko. Ang saya ko lang dahil sa wakas ay may ipinakilala na si Ion sakin." Masayang saad niya sakin.

Tanging ngiti lamang ang naging tugon ko. Mahigpit maman ang pagkakahawak ko kay Ion dahil talagang hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Agad naman kaming pina-upo ng Mama ni Ion. Para naman akong tuod sa pagkaka-upo. Kaya naman tinatawanan ako ni Ion.

"Don't laugh at me, Ion!" Inis kong saway kay Ion.

Ngunit mas lalo lamang ako nitong tinawanan. Lumayo naman ako nang pagkaka-upo sa kanya.

"Sorry, Babe. You're just really cute when you are nervous." Pigil na tawa na saad ni Ion.

"Whatever! You didn't oriented me that's why I'm really nervous! Alam mo namang first time ko lang yung ganito!" Gitil kong sagot sa kanya.

Hanggang sa nag-asaran na nga lang kaming dalawa. Nagtigil lang kami nang marinig naming tumikhim si Mama Zeny.

"Mamaya na yang lambingan niyo. Kumain na muna tayo." Pagsaway samin ng Mama ni Ion.

"Sige po, Ma. Sunod na kaming dalawa." Sagot naman ni Ion at hindi naman agad ako naka-imik dahil sa hiya.

Sumunod naman agad kami ni Ion sa may dining area. Napalunok naman ako dahil sa mga pagkaing nakahain. Itsura pa lang mukhang masarap na talaga.

Inalalayan ako ni Ion pa-upo. Bawat sulyap ko sa mga pagkain mas lalo akong natatakam. Napatingin naman ako sa nanay ni Ion na nakangiti sakin.

"May problema ka ba, Nak?" Tanong niya sakin.

"A-ano po kasi, natatakam ako sa mga pagkain eh. Magpapaalam po sana ako sayo kung pwede dumami ang pagkain ko." Nahihiya kong sagot.

Napatawa naman sila sa akin na nagpamula ng aking mga pisngi. Nakakahiya naman ito. Baka hindi na talaga ako maging bet ng Mama ni Ion.

"Hindi ka na dapat magpaalam pa. Dahil okay na okay yun sakin. Huwag ka ng mahiya, Vice. Natutuwa nga ako dahil sa sinabi mo. Yung si Freya naman kasi halos ayaw kainin ang mga niluluto ko dahil tataba raw siya." Nakangiting saad sakin ng Mama ni Ion pero may bahid din naman ng pagkaseryoso.

"Ma, pwede bang wag mo na siyang banggitin. Nakakahiya naman sa girlfriend ko." Pagsaway ni Ion.

Napatingin naman ako kay Ion at bakas sa mukha niya ang pagka-irita. Sino ba si Freya? Bakit ganun na lang ang reaksyon ni Ion?

"S-sino po ba si F-freya?" Nauutal kong tanong.

Binalingan naman ako ni Ion ng may pag-aalinlangan sa mukha. Ngunit, ngumiti lamang ako sa kanya. I'll try my best to hide my true feelings. Alam kong nasasaktan ako sa simpleng bagay na ito pero ayaw ko lang aminin sa kanya.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon