Chapter 11

474 27 3
                                    

VICE POV

Lumipas ang mga araw at kinailangan na rin naming bumalik sa Manila. Naging masaya ang pananatili ko sa tahanan nina Ion. Mas nakilala ko rin siya sa mga nakalipas na araw. Aaminin kong lalo ako huma0nga sa kanya. Ayaw ko mang umuwi pa ngunit kailangan na. Tambak na ang trabaho ko sa opisina.

Ngayon nga ay binabagtas na namin ni Ion ang daan papuntang opisina. Alas-sais pa lamang ng umaga ay umalis na kami sa kanila. Kaya medyo nakakaramdam pa ako nang antok ngayon. Nagbonding kasi kami kagabi ng husto ng pamilya ni Ion. Kaya hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na hindi maghikab dahil kulang ako sa tulog.

"Babe, sige na matulog kana muna. Gisingin na lang kita kapag nasa may building mo na tayo." Mahinahong saad niya sakin.

"Okay." Tamad ko na lang na sagot sa kanya.

Tinawanan lamang niya ako at hindi na umimik. Hindi ko na tatanggihan ang offer niya. Talagang inaantok pa ako eh. Ipinikit ko na nga ang aking mga mata, hanggang sa ako'y nakatulog na ng tuluyan.

Fast Forward

Naalimpungatan naman ako ng may mahinang tumatapik sa aking braso. Pagkamulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ion. Nakatitig lamang ako sa kanya. At ang puso ko na naman ngayon ay ang bilis ng tibok.

"Hey, Babe. I know that I am really handsome. But, don't stare at me for too long. Iisipin ko talaga na inlove na inlove ka sa'kin." Nakangiting pagpuna sa akin ni Ion.

"Inlove na inlove naman talaga ako sayo diba." Sagot ko naman sa kanya.

Mas lalo namang napangiti sa akin si Ion. Bakas din sa mukha niya na siya'y kinilig sa sinabi ko. Inlove na inlove rin 'to sakin eh. Hanggang sa napatingin naman ako sa aking orasan at kinakailangan ko na pala umalis.

"Babe, I need to go. See you later. I will miss you." Pagpapaalam ko sa kanya.

"I will miss you too. I will fetch you later and let's have a date." Malambing niyang saad sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Tuluyan na rin akong lumabas sa kanyang sasakyan. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ion. Lumingon ako sa gawi niya at tatakbo itong lumapit sa akin.

"May nakalimutan lang akong sabihin sayo." Saad niya at napakunot naman ang aking noo.

"I just want to say... I love you, Babe. I really love you." Malambing na pagkakasabi sa akin ni Ion at saka hinalikan ang aking noo.

"I love you too, Babe." Sagot ko naman sa kanya at saka ko siya niyakap.

Pagkatapos ng eksena namin ni Ion sa may parking lot ay umalis na rin siya at dumiretso na ako sa aking opisina. Nakangiti lamang ako sa buong minuto habang naglalakad ako papuntang opisina. Pagkapasok ko ay laking gulat ko nang nadatnan kong naka-upo sa may sofa sina Anne kasama sina Vhong.

"What are you doing here?" Bungad ko sa kanila.

Sinamaan naman ako nang tingin ni Anne. Kung nakakamatay ang tingin niya baka patay na ako. Walang sumasagot sa tanong ko kaya naman dumiretso na ako sa akong swivel chair. Pero ramdam ko ang nanunuring tingin nilang lahat sa akin.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon