Chapter 13

506 30 6
                                    

VICE POV

Kinabukasan ay balik trabaho na ako ng tuluyan. Sobrang ganda ng gising ko dahil syempre magkasama kami ni Ion kagabi. Sinulit namin ang oras na kasama ang bawat isa. Kaya sobrang saya ko ngayong araw. Motivated ako sa pagtatrabaho ngayon dahil isa na si Ion sa mga inspirasyon ko.

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay dumating ang isang panauhin na hindi ko inaasahan. Nakatingin ito sa akin nang nakangiti pero tinaasan ko lamang siya ng kilay. Gwapo naman siya pero mas gwapo naman ang boyfriend ko.

"Who are you? Why did you enter my office without a permission from me?" Mataray kong pagtatanong.

Aaminin ko sa sarili ko na naaapektuhan ako sa mga titig niya sa akin. Waring sinusuri ako ng husto nito. Nakangiti man siya sa akin pero iba ang dating niya talaga.

"I'm sorry if I disturbed you in the middle of your work." Pagpapaumanhin niya sa akin.

"I am Zanjoe Marudo your Fiance." Dugtong pa nito.

Laking gulat ko naman sa aking narinig. Fiance?! Tinitigan ko naman siya kung nagsisinungaling lamang ito. Pero sa reaksyon pa lang ng mukha nito ay halatang seryoso siya sa sinabi niya sakin.

"I don't care. Ano bang ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na may ilang buwan pa ako sa pagiging malaya ko. Siguro naman aware ka." Seryosong sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. Napakamanly, lalaking-lalaki ang salita, tawa lalo na sa pagkilos. Siya ba talaga ang Fiance ko? Parang lugi naman siya sa akin. Masyado siyang gwapo. Teka bakit ko ba iniisip ito?! May boyfriend ka Vice! May boyfriend ka!

"Tapos ka na bang titigan ako?" Pagbibiro ni Zanjoe sa akin.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking mga pisngi. Si Zanjoe naman ay naupo na sa couch at sinenyasan ako na maupo sa harapan niya. Sa hindi malamang dahilan ay sumunod naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba talaga ginagawa mo rito? Inutusan ka ba ni Daddy na magpakita na sa akin?" Mahinahon kong pagtatanong.

"Kusa akong pumunta talaga rito. Gusto na kasi kitang makilala at magkakilala tayo ng husto. Para sa ganoon ay hindi na tayo mahirapan pa kapag ikinasal tayo." Sagot niya sa akin.

"Honestly, kakausapin ko na talaga mga magulang ko na hindi na ako papayag sa kasal nating dalawa. May boyfriend na ako ngayon at mahal ko siya. Hindi ko kakayanin na magkahiwalay kami." Saad ko naman sa kanya.

Bakas naman ang pagkagulat sa reaksyon ni Zanjoe. Ayaw ko namang magsinungaling sa kanya. Desidido na ako na ipagpalalaban ko ang relasyon namin ni Ion.

"I understand, Vice. Pero anong gagawin mo ngayon? Sa akin, okay lang naman dahil ayaw ko talagang matali sayo. I respect your relationship. I will help you na hindi matuloy ang kasal natin." Nakangiting saad niya sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko agad siya ng mabilis. Pagkahiwalay ko sa kanya ay nakangiti lamang ito sakin. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Tutulungan niya ako na hindi kami maikasal.

"Thank you, Zanjoe! Thank you!" Masayang saad ko sa kanya.

Hindi naman ito umimik sakin at pinisil ang aking magkabilang pisngi. Napadaing naman ako sa kirot na ginawa nito. Ngunit tinawanan na lang niya ako.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon