Chapter 15

545 21 16
                                    

VICE POV


"Kiss me, Vice." Seryosong saad ni Zanjoe.

Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya naman agad ko siyang pinaghahampas sa braso. Iniiwasan niya naman ang hampas ko pero hindi ako nagpatinag. Hanggang sa nasalo niya ang pareho kong braso at napigilan ang aking mga hampas. Unti-unti naman nitong nilalapit ang kanyang mukha sa akin.

"H-HOY! ILAYO MO NGA ANG MUKHA MO SA AKIN!" Sigaw kong saad kay Zanjoe.

"Paano kung ayoko? Ano ang gagawin mo?" Pang-aasar niya sakin at mas lalo pang inilapit ang kanyang mga mukha.

Hindi naman ako nakakilos sa aking pwesto dahil kaunting galaw ko ay maaaring magdikit na ang aming mga labi. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Lumayo ka nga sakin, Zanjoe! Wala sa usapan natin ang ganto! Kaninang umaga lang tayo nagkita pero ang fc mo!" Pa-inis kong saad pero sa loob ko kinakabahan na talaga ako.

"You know what, Vice. I'm starting to like you..." Walang kagatol-gatol na sagot niya sakin.

"Stop joking, Zanjoe!" Tugon ko naman.

Binitiwan naman ako nito at saka tumawa nang tumawa. Kaya naman kinurot ko na ito sa tagiliran niya.

"Kinabahan ako! You're so mean! Umuwi kana nga. Papasok na ako sa loob namin." Saad ko sa kanya.

"Oo na HAHAHAHAHA! Good night, Vice. See you next time." Pagpaalam niya.

Sasakay na sana siya sa kanyang kotse nang lumabas ang aking ama. Sinenyasan niya naman ito na huwag munang umalis at pumasok muna ito sa loob. Wala naman itong nagawa kung hindi sumunod.

Pagkapasok namin ay nakangiting sumalubong ang aking ina at ama. This is the first time huh. They really like Zanjoe as may fiance.

"Zanjoe, sit down. Don't be shy." Masayang wika ng aking ina. "Ikaw naman, Vice. Hindi mo man lang pinapasok ang mapapangasawa mo." Dugtong pa nito.

"Mom, he's already tired also. So, wag kana magtaka." Mahinahon ko namang sagot.

Kinuha ko naman ang phone ko sa aking handbag. Umaasa na may text man lang ang aking nobyo. Pero pagtingin ko wala, wala man lang siya miski isang text. I know na may pagkakamali ako, pero sana naisip din niya na may kasalanan siya. Ako pa ba ang unang magsorry?

Napabuntong hininga naman ako sa aking naiisip. Gusto kong magkaayos kami, pero ayaw ko naman na ako ang unang manuyo. Babae kaya ako! Bakit ako ang unang manunuyo?! Pag-ibig nga naman, nakakabaliw!

"Aaaaaahhhhhhh!" Hindi ko namalayang pagsigaw ko at nasabunutan ko pa ang aking sarili.

Napatingin naman sakin ang aking mga magulang at tipong inaalam ang nangyari sakin. Umiling na lang ako sa kanila at muling napabuntong hininga.

"What happened to you, Vice? Do you have any problem? You know that you can tell anything to your Daddy." Concern na saad ng aking ama.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nawala miski paano ang stress ko dahil alam kong andyan sina Mommy and Daddy for me.

"I'm okay, Daddy. Don't worry about me." Nakangiti kong sagot.

"Siguro po Tito pagod na si Vice. Hayaan na lang po natin siyang magpahinga. And aalis na rin po ako." Saad ni Zanjoe.

"Aalis kana agad?" Taka kong tanong sa kanya.

"Oo, maliban na lang kung ayaw mong umalis agad ako." Natatawa nitong sagot sakin.

Inirapan ko na lamang siya kaya naman napatawa na talaga silang lahat. Feeling ko talaga they are bullying me.

"You look good  together." Puri ng aking ina.

"Mommy, stop! Zanjoe is not my type." Sagot ko naman.

"Vice, stop acting like a child." Striktong saad ng aking ama. "Pasensya kana Zanjoe sa kilos ng anak ko." Paghingi ng paumanhin nito.

"Ok lang naman po sakin, Tito. I understand also the reason of Vice being acting like this." Pagsagot naman ni Zanjoe.

Nanatili naman akong tahimik at nakinig na lang sa usapan nila. Puro business ang pinag-uusapan nila nabuburyo na ako. Gusto kong umalis na rito ngunit baka mas mapagalitan pa nila ako.

Naputol ang pagmumuni ko nang napag-usapan nila kung saan kami galing na dalawa ni Zanjoe. Nagkatitigan naman kami at bakas sa aming mukha ang kaba.

"Tito, we decided to go on a date at least thrice a week. So, mas makilala pa namin ang isa't isa. This also a good opportunity na we can create a good relationship." Paliwanag ni Zanjoe.

"I agree with, Zanjoe. Ayaw din namin mabigla sa future na ganito pala ang ugali ng bawat isa." Pagpapaliwanag ko rin.

Tumango-tango naman ang aking mga magulang. Naisip din siguro nila na tama ang naging desisyon namin.

"Kung ganoon, pwede na pala natin paagahin ang kasal niyo. I think it is a good idea." Wika ng aking ama.

"NO!" Sabay na sigaw namin ni Zanjoe.

Napatawa naman sila sa naging reaksyon naming dalawa. Pero para sakin walang nakakatawa. Hindi dapat ganito!

"You don't understand, Dad. I and Zanjoe already talked about our wedding... Nagdesisyon kami na hindi kami magmamadali. And we want to achieve our dream wedding. Right, Zanjoe?" Saad ko kay Zanjoe at tiningnan siya ng seryoso.

"Yes, Tito and Tita. Don't worry po about our wedding kasi matutuloy yun. Ang hinihiling lang po namin ay wag niyo kaming madaliin." Saad din ni Zanjoe.

"Ok, we understand." Sagot na lang ng aking ama.

Pagkatapos ng mahabang usapan namin. Nagpasya akong sa condo ko na lang ako matulog. Para mas maaga rin ako sa opisina kinabukasan. Hinatid ako ni Zanjoe sa may condo dahil na rin sa kagustuhan ng aking mga magulang.

Kasalukuyan na akong papunta sa floor kung saan ako tumutuloy. Hanggang ngayon wala pa rin ako nakuhang text o tawag mula sa aking nobyo. Baka naman nagsawa na agad siya, baka naman sumuko na siya... Nalulungkot ako sa mga iniisip ko. Natatakot ako isang araw na matapos kung ano man ang meron samin.

Medyo malayo pa ako sa aking destinasyon nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakatayo isa sa may tapat ng pintuan ng aking tinutuluyan. Habang palapit ako ay ang kabog din ng aking dibdib. Pagkalapit ko ay nakita ko ang lalaking kanina pa hinahanap ng aking puso't isip.

"I-ion..." Tanging nasambit ko pagkalapit sa kanya.

Pagkarinig nito sa aking boses ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko sa kanyang yakap ang emosyon na nararamdaman ng aking minamahal. Yakap pa lang niya okay na ako. Sapat na sa aking lahat.

"I'm sorry, Babe. I'm sorry... I'm sorry... I'm really sorry..." Puno ng emosyong saad ni Ion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon