Chapter 10

637 27 2
                                    

ION POV

Maaga naman akong gumising dahil gusto kong ako mismo ang maghanda ng almusal ng aking reyna at syempre kina Mama. Kasalukuyang tulog pa rin sila kaya naman confident akong maayos ko na magagawa ang plano ko. Hinanda ko naman ang mga gagamitin ko sa pagluluto.

Habang busy ako sa pagluluto ay sinasabayan ko ito nang pagkanta at pagsayaw. Feel na feel ko talaga ang ginagawa ko. Maganda talaga kasi ang mood ko. Yung crush ko dati, girlfriend ko na ngayon.

"Mukhang maganda ang gising mo ah." Rinig kong saad sa akin ni Mama.

Lumingon naman ako sa kanya at nginitian siya. Hindi na lang muna ako umimik at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Anak, ngayon lang kita nakita na magluto sa atin. Mukhang masaya na masaya ka talaga ngayon." Pagpuna pa rin sakin.

"Syempre naman, Ma. Sino ba naman ang hindi na magiging masaya kung kasama mo ang taong minamahal mo." Nakangiting sagot ko.

"Anak, masaya ako para sayo. Mukhang nasa tamang tao kana talaga. Pero tatandaan mo lagi, andito lang ako para sa inyong dalawa. Isang tawag niyo lang sa akin handa akong gabayan at tulungan kayo." Sagot sa akin ni Mama.

Nilapitan naman na ako ni Mama at tinulungan ako sa mga ginagawa ko. Kaya naman mabilis naming natapos ang paghahanda para sa almusal namin.

"Ma, bakit hindi pa rin ata bumabangon sina Nathalia?" Pagtatanong ko.

"Madaling araw na kasi kami natulog. Nanonood kami ng mga pelikula." Sagot naman niya sakin.

Napa-kunot naman ang aking noo dahil sa aking narinig. Ibig sabihin puyat silang tatlo. Samantalang, ako maaga natulog at nabitin pa nga kagabi.

"Eh, ano pa po ang nangyari sa bonding niyo?" Pang-uusisa ko.

"Hay naku, Anak! Ang sayang kasama ni Vice. Walang dull moments kapag siya ang kausap. Hindi nga halata sa kanya na isa siya sa pinakatanyag na businesswoman. Kaya mamaya meron ulit kaming bonding session." Masayang kwento sa akin ni Mama.

Ibig sabihin, mukhang hindi ko pa rin masosolo si Vice mamaya. Hmmmm... Kailangan kong makaisip ng paraan para makasama ko si Vice na kaming dalawa lang.

"Ahm, Ma. Puntahan ko lang sina Nathalia gisingin ko na sila para makakain na tayo."  Pagpapaalam ko na lamang.

Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Mama. Sinenyasan niya ako na siya ang gigising sa dalawa. Tumango na lamang ako bilang tugon.

VICE POV

Mabilis naman akong nag-ayos nang ginising ako nina Mama at Nathalia. Kanina pa raw kasing nag-iintay sa amin si Ion sa baba.

"Una na po kayo. Susunod na lang ako sa inyo. Magsusuklay na lang ako, para mas lalong maganda ako sa paningin ni Ion." Pabiro kong saad sa kanila.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon