Chapter 3

740 23 0
                                    

VICE POV

Lumipas ang araw at hindi na nga nagparamdam pa sakin si Ion. May pasabi-sabi pa siyang 'Vice, I will court you. See you tomorrow.' Sinungaling naman siya, hindi nga siya nagpapakita sakin eh! Naiinis talaga ako sa kanya!

"Sis! Bakit tulala ka na naman?" Tanong sakin ni Anne.

Sa pag-iisip ko kay Ion hindi ko namalayan na nakapasok na pala sina Anne sa opisina ko. I should not let Ion enter to my heart. It is really dangerous for me. Ngayon pa nga lang, ginugulo niya na ang isip ko. Paano pa kaya kapag hinayaan ko na itong pumasok pa sa buhay ko.

"Hindi ka naman nakikinig samin eh!" Sigaw sakin ni Karylle.

Sinamaan ko naman ang mga ito ng tingin. Wala ako sa mood na pakinggan sila. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa mga binabasa kong reports.

Habang busy ako sa aking ginagawa ay pumasok naman ang aking secretary na si Cindy. Halata sa mukha nito ang kaba.

"Ma'am, may mga lalaki po sa labas. Kilala niyo raw po sila. Ang sabi po sakin, kapag hindi ko raw po sila pinapasok ay magwawala sila." Saad sakin ni Cindy.

Napakunot-noo naman ako sa kanya. Sino naman kaya yung nasa labas?

"Sinabi ba nila kung sino sila?" Pagtatanong ko rito.

Nagulat naman kaming lahat nang pumasok sa loob sina Vhong syempre kasama si Ion. Siningkitan ko naman ito ng mga tingin.

"What are you doing here?!" Galit kong tanong sa kanila.

Nabigla naman ang mga lalaki sakin. Sina Anne naman ay nagpipigil ng tawa.

"Ma'am, do you want me to call the security?" Saad sakin ni Cindy.

"No need. I can handle them." Sagot ko naman sa kanya.

Sinenyasan ko naman ito na bumalik sa trabaho niya. Inis ko namang tiningnan ang mga kalalakihan na bigla na lang pumasok sa opisina ko.

"V-vice, galit ka ba?" Utal na tanong ni Teddy.

"Yes, I am! How dare you to enter my office without any permission coming for me?! Even though we are friends, still you need to ask first." Sagot ko naman sa kanya na may bahid ng inis.

Yumuko naman ang mga ito dahil sa sinabi ko. Mukhang napasobra ata ako sa kanila. Na konsensya tuloy ako.

"I'm sorry if I shouted. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ginawa niyo." Mahinahon kong sambit sa kanila.

"It's okay. Pasensya na rin." Sagot naman sakin ni Jhugs.

Ngumiti naman ako sa kanila. At pina-upo na sila. Buti na lang may sofa sa opisina ko. Nagkasya sila. Ramdam ko ang titig sakin ni Ion. At talaga namang naiilang na ako sa tingin niya sakin.

Isinawalang bahala ko naman ang presensya ni Ion. Ibinalik ko na lamang ang aking buong atensyon sa aking ginagawa. Mamaya may board meeting pa ako na dapat puntahan.

"Babe." Saad ng boses paniki.

Kilalang kilala ko yun, siya lang naman ang may gwapong mukha tapos boses paniki. Sa tuwing lumalapit siya, My heartbeats became faster. Parang may nagkakarerang kabayo sa aking dibdib.

"Babe, look at me." Saad pa rin nito.

Nilabanan ko naman ang aking sarili na hindi ito tingnan. I need to ignore him. Hanggang sa itinangat ni Ion ang aking mukha. Laking gulat ko ng sobrang lapit pala niya sakin.

"L-lumayo ka nga sakin!" Saad ko sa kanya.

Itinulak ko naman ito papalayo sakin. Sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin na uminit ang aking pisngi dahil sa ginawang yun ni Ion.

"You're blushing, Babe." Panunukso nito.

"Y-you! Get out of my office!" Inis kong saad sa kanya.

Ngunit tinawanan lamang ako nito. Ang gwapo naman nitong tumawa. Walang tulak kabigin!

Nagseryoso naman bigla si Ion sa pagtingin sakin. Tila sinasaulo niya bawat parte ng aking mukha. Hanggang sa tinitigan ako nito sa aking mata. Para na naman akong nalulunod sa mga tingin niyang yun. Pakiramdam ko kaming dalawa lamang ang nandito.

"I know you are mad at me. But, please, let me explain." Pakiusap nito sakin.

"You don't need to explain." Sagot ko naman sa kanya.

"Please." Malambing na saad nito sakin.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. This man is really persistent.

"K." Sambit ko sa kanya.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Ion. Tiningnan ko siya ng walang emosyon. Queen Vice B. Viceral, wag kang marupok! Tatagan mo loob mo!

"I'm sorry if hindi kita napuntuhan agad.  Sabi ko pa naman sayo tomorrow. Pero hindi ko tinupad. Nagka-emergency kasi sa bahay namin sa Tarlac. Dinala sa ospital si Mama. Gustuhin ko man na puntahan ka, But, my mother needed me. I'm sorry, kaya nga ako nandito para magpaliwanag sayo. Dito na ako dumiretso pagkagaling ko sa Tarlac." Saad nito sakin.

Lumambot naman ang aking puso sa sinabi nito. Yung inis kong naramdaman sa kanya, nabura na lahat.

"Okay na ba si Mama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Hindi naman ako aalis sa tabi niya kung hindi pa siya okay eh." Sagot naman nito sakin.

Tumango na lang ako sa kanya at ibinalik na muli ang tingin saking ginagawa. Ngunit, hindi naman ako makapag-concentrate. Lalo na't ramdam ko ang tingin nila sakin.

"Ahm, V-vice, may I ask you a question?" Saad ni Ion na tila nahihiya.

"You are already asking." Sagot ko naman sa kanya saka ko siya inirapan.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga kasamahan namin. Napasinghap naman ako nang muling ilapit ni Ion ang kanyang mukha sakin.

"Can I court you, Babe? If you will say, 'yes' then, I will kiss you. If 'no', I will still kiss you." Saad niya sakin nang nakangiti.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Parang lugi ako roon! Wala naman ata akong choice dun eh!

Honestly, I want to taste again his lips. Those kissable lips. Damn! What's happening to me?!

"So, what is your answer, Babe?" Pilyong tanong niya sakin.

"I told you, I already have a fiancé. Stop pestering me, Ion!" Tapang-tapangan kong saad sa kanya.

Vice, protektahan mo ang puso mo! Don't break the walls in your heart.

"Fixed marriage? I don't care. Still, I will make you mine." Prenteng sagot nito sakin.

Paano nito nalaman na naka fixed marriage ako? Tiningnan ko naman sina Anne ngunit nag-iwas sila ng tingin. That's it! Bumalik naman ang tingin ko kay Ion.

"Are you insane?!" Inis kong saad sa kanya.

"Yeah. So, Is your answer to my question is 'no'?" Tanong nito.

Tumango naman ako sa kanya. Walang anu-ano ay hinalikan na lang ako nito. Hanggang sa gumalaw na nga ang kanyang labi at tumugon na rin ako sa mga halik niya. Pagkahiwalay niya ay tumingin ito sakin ng nakakaloko.

"Sa tingin ko ay 'oo' ang sagot mo, Babe. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Nakangiting asar nito sakin.

"Bahala ka sa buhay mo, Ion!" Sambit ko na lamang sa kanya.

Mababaliw na ako sa lalaking ito! Kapag hindi pa ito tumigil baka mahulog ako sa kanya ng wala sa oras. Masasaktan lamang ako dahil alam ko namang sa huli hindi pwedeng maging kami.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon