Chapter 14

303 19 8
                                    

VICE POV

Katulad nga nang sinabi ni Ion ay hinatid niya ako sa restaurant na sinabi ni Zanjoe. Siya na rin ang namili ng susuotin ko, isang simpleng white dress lamang. Itinaboy ko rin naman agad siya para hindi na ito maapektuhan pa sa aming 'date' ni Zanjoe. Agad ko rin namang nakita si Zanjoe sa may bandang dulo na pwesto ng restaurant. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya at nakipagbeso.

"You look so gorgeous. You're definition of beautiful and sexy." Nakangiting pagpuri sakin ni Zanjoe.

"Bolero ka huh! Baka naman mamaya ma-inlove kana sakin." Pabiro kong sagot sa kanya.

Napatitig na lamang kaming dalawa hanggang sa parehas na kaming tumawa. Inalalayan naman ako nitong umupo at nag-order na kaming dalawa. Wala na ang ilangan sa pagitan namin, palibhasa komportable na kami sa isa't isa. Naging masaya naman ang pag-uusap namin. Hindi rin dumako sa usapan namin ang tungkol sa pag-atras ng aming kasal.

Lumipas ang oras at napagpasyahan na naming umalis. Kaya naman tinawagan ko si Ion para magpasundo na sana kaso lamang ay hindi ko ito makontak. Naka-ilang tawag pa ako ngunit wala pa rin akong napapala.

"What's the matter? You look so irritated." Puna sakin ni Zanjoe.

"My boyfriend doesn't answer my calls! I called him many times. But, he doesn't bother to answer it." Inis ko namang sagot.

Tinawanan lang ako nito at hindi na lamang sumagot. Kaya naman mas lalong nag-init ang ulo ko. Tinadtad ko na rin ito ng text pero wala akong reply na makuha sa kanya. Hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay Anne.

"Hello, Sis! Where are you?!" Eksaheradang saad nito sakin. Dinig ko ang ingay sa background niya, halatang nasa bar na naman sila.

"Nasa restaurant ako. Bakit ba?!" Mataray kong sagot sa kanya.

"Punta ka sa favorite bar natin! Andito na kaming lahat, including Ion! We are waiting you here." Saad sakin ni Anne.

Nag-init naman ang ulo ko sa narinig. Kaya naman pala hindi sumasagot ang magaling kong nobyo ay dahil nasa bar.

"Papunta na ako dyan! Intayin niyo ako huh!" Inis kong tugon kay Anne at binaba ko na ang tawag.

Nagpipigil naman ako nang inis dahil sa nalaman ko. Gustong-gusto kong kutusan talaga si Ion! Nanggigil ako sa lalaking yun!

"You may go now, Zanjoe." Pilit na ngiting saad ko sa kanya.

"Akala ko susunduin ka ni Ion ba yun? Asan na ba siya?" Curious na pagtatanong nito. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito.

"Tumawag sakin kanina ang bestfriend ko. Kasama pala nila si Ion sa favorite naming bar and pupunta ako roon ngayon. Kaya ikaw umuwi kana, magtaxi na lang akong papunta roon. Then, saglit lang ako uwi na rin ako samin. Daanan ko lang sila." Pilit na ngiting sagot ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nito sakin. Tinitigan ako nito ng mabuti kaya naman nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Pinipigilan ko naman umiyak dahil pakiramdam ko naaawa ako sa aking sarili. I feel so betrayed and I hate this feeling.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon