Chapter 4

714 27 3
                                    

ION POV

Nakatitig lamang ako kay Vice habang busy ito sa kanyang ginagawa. Ang ganda niya talaga. Yung ganda niya ang hindi nakakasawang tingnan. Hanggang sa napatitig na naman ako sa kanyang mga labi. Damn! I want to kiss those lips again.

"Baka naman matunaw si Vice." Pagbibiro sakin ni Anne.

"Ah." Tanging sagot ko lamang sa kanya.

Hindi ko naman na ito pinansin at ibinalik ang tingin ko kay Vice. Wala akong panahon na makipag-usap sa kanila. Si Vice lang ang gusto ko. Alam kong naririnig niya kami dahil medyo malapit naman kami sa pwesto niya.

"Bakit kapag si Vice ang kaharap mo nakangiti ka lagi at ang dami mong sinasabi kapag kami hindi?!" Inis na saad ni Anne.

"Dahil hindi naman kayo si Vice." Sagot ko sa kanya.

Napatawa naman ang mga kasamahan namin. Kita kong namula ang pisngi ni Vice, dahil sa kanya lang naman ako na nakatingin. Napangiti naman ako nang makita ko yun.

Pumasok naman ang secretary ni Vice. Dumiretso ito nang lapit sa kanya. Nag-angat naman ito ng tingin.

"Ma'am, magsisimula na po yung board meeting." Pag-imporma nito.

Tumango lamang si Vice at naglakad na palabas. Hindi man lamang kami tinapunan ng tingin.

"Ganoon ba talaga si Vice?" Pagtatanong ni Jhong.

"Yes, if nandito siya sa office. She's very strict and bossy. She's like a monster. Pero kapag wala naman na siya rito, back to normal na. The friendly, loving, joyful girl." Pagsagot ni Karylle.

"Parehas pala sila ni Ion eh. Halimaw din, ang pinag-kaiba lang. Seryoso at snobber ito." Saad ni Teddy nang natatawa, hindi ko naman na ito pinansin.

"May naging boyfriend na siya?" Tanong ko.

Tumingin sila nang nakakaloko sakin. Tingin pa lang nila halatang nang-aasar na.

"Wala pa. Strict kasi parents niya, hindi siya pwedeng mag-boyfriend noon. Maraming nanliligaw pero binabasted din niya agad." Sagot ni Mariel.

Napatango naman ako sa kanya. Ibig sabihin, ako pala ang kauna-unahan niyang magiging boyfriend. Confident naman ako na sasagutin niya rin ako eh.

"Ion, we like you for Vice. Pero you should stop courting her." Saad sakin ni Ate Amy.

Napakunot noo naman ako ng aking noo. Tiningnan ko naman ito nang nalilito.

"Ion, she is only free for three months. Pagkatapos ng tatlong buwan, she needs to face her responsibilty, her parents want. Kailangan niyang pakasalan yung lalaki na gusto nina Tito para sa kanya. Naka fixed marriage na siya." Saad ni Anne.

"I know na mapapa-ibig mo siya. But, we don't want her to suffer after this. Parehas lang kayo na mahihirapan. Knowing her, she will choose her parents rather than you." Dugtong pa ni Anne.

Hindi ko naman nagustuhan ang aking narinig. Seryoso naman akong tumingin sa kanila.

"Kaya kong ipaglaban si Vice. I will prove to her parents that I'm worth it for her." Saad ko sa kanya.

"Do you love her?" Masungit na tanong sakin ni Anne.

Nabigla naman ako sa tinanong niya. Hindi ko alam kung isasagot ko.

"Hindi ka nga makasagot sa tanong ko eh. Bago mo pa lang nakikilala si Vice tapos ganyan ka na." Masungit pa rin na saad nito.

"I like her." Tanging nasambit ko na lamang.

"Hahahaha, you're so funny! Gusto mo lang naman pala siya eh." Tumatawang sabi sakin ni Mariel.

"Yes, I like her! But, I know, papunta na ko roon eh." Saad ko sa kanila gamit ang aking mahinang boses.

Nagseryoso naman ang mga ito ng tingin sakin.

"Bahala ka, Ion. Basta, wag mo lang sasaktan si Vice. Pero binalaan ka na namin." Saad ni Mariel.

Tumango na lamang ako sa kanya. Namayani naman ang katahimikan sa amin. Tila walang gustong umimik.

Ng bigla na lamang pumasok si Vice na halata ang galit sa mukha. Agad itong umupo sa kanyang swivel chair.

"Bakit mainit ang ulo mo, Sis? Kamusta board meeting?" Pagtatanong ni Anne.

"The Board is not yet complete! They are all wasting my precious time! That meeting is really important. It's about the expansion of our wine branch in Singapore! Then, they are not complete and some of them are late! I need one more investor, too. Sabi ni Mr. Vergara, siya na ang bahala. Pero wala naman! Fuck!" Inis na sagot ni Vice.

Kitang-kita ko ang  galit na nararamdaman nito. Halatang wala sa mood ang babaeng ito. Lumapit naman ako sa kanya ngunit hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.

"Babe, mag-invest ako sa inyo. Where is the contract? I will sign it. So, calm down. Okay? I don't want to see you like that." Saad ko sa kanya nang nakangiti.

Napatingin naman ito sakin na may gulat ang reaksyon. Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Vice. Lumapit agad ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pagkahiwalay niya sakin ng yakap ay hinalikan ako nito ng mabilis sa pisngi.

Napatulala naman ako sa ginawa ni Vice. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya at dahil pa sakin. Iba ang saya na nararamdaman ko.

"Thank you! Thank you, Ion! You don't know how happy I am!" Masayang saad sakin ni Vice.

Sasagot sana ako sa kanya nang pumasok naman ang kanyang sekretarya.

"Ma'am kumpleto na po sila." Saad ni Cindy.

"Prepare the contract for Mr. Perez. Mag-iinvest siya. Do it now. And pasabi sa kanila, dahil nga late ang iba. Postpone ang meeting. Ipapatawag na lang sila sa susunod. " Utos ni Vice at bumalik sa pagkaka-upo.

"Yes, Ma'am." Mabilis na sagot nito.

Mabilis naman itong lumabas. Bumaling naman ito ng tingin sakin. Nakangiti ito sakin nang napakatamis. Kaya dumadagundong na naman ang puso ko.

"Vice, did you kissed and hugged me?" Pagtatanong ni Ion.

Ramdam kong nag-init ang aking pisngi dahil sa tanong ko sa kanya. Kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi niya dapat makita yun.

"Yes, sobrang saya ko lang kasi sa nagawa mo. Matutuloy na ngayon ang expansion ng wine branch namin. My parents will be very proud of me again." Sagot nito sakin nang nakangiti.

Lumingon naman ako sa kanya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito. Tumitig naman ito sa aking mata.

"What do you want? My treat." Saad nito sakin.

Naka-isip naman ako ng magandang idea. Ito na ang pagkakataon ko.

"I want to have a date with you." Sagot ko sa kanya.

Nawala naman ang ngiti sa mga labi nito. Parang iniisip pa nito ang isasagot sakin. Mawawalan na sana ako ng pag-asa sa kanya. Nang bumalik ang ngiti nito.

"Okay, date? Sige, payag ako." Sagot naman nito sakin.

Napatalon naman ako sa tuwa dahil dito. Pumayag siyang maging kadate ko. Napatawa naman ito sa akin pati ang mga kasama namin.

Inilang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa. Ng nasa harapan ko na siya ay itinayo ko siya at niyakap ko agad ng mahigpit. Sa hindi ko inaasahan yumakap din ito pabalik sakin. At bumibilis na naman ang tibok ng puso ko sa simpleng yakap nito.

Nakarinig naman kami ng tikhim kaya naghiwalay kami sa yakap na dalawa. Nakita ko ang isang lalaki na seryoso ang mukha na nakatingin sa aming dalawa. Bakas ang gulat at takot sa mukha nina Anne. Si Vice naman ay namutla at mabilis na lumapit sa lalaki.

"Dad, let me explain." Saad ni Vice sa mahinahon na boses.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon