CHAPTER 1

920 29 1
                                    

VICE POV

Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili dahil kanina pa ako hinahintay ng aking ama. May importante raw itong sasabihin sakin. Ano kaya yun? Baka naman hahayaan niya na akong maging malaya. He will not control me anymore. Sana naman ganun na nga.

Pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong bumaba at nakita kong naka-upo ito sa sala kasama ang aking ina. Lumapit naman ako sa kanila at humalik sa kanilang pisngi. Sinenyasan naman ako na umupo na.

"What is it, Dad?" Pagsisimula ko.

Taimtim naman itong nakatingin sakin. Medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil dito.

"I just want you to know that few months from now you will meet your fiancé." Sagot naman nito sakin.

Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. What the?!

"Are you kidding me, Dad? For god's sake. I'm already 25, still your controlling my life! I don't want to marry whoever that fucking man is." Inis ko naman sagot.

Galit naman akong tiningnan ng aking ama. Samantalang ang aking ina naman ay tahimik lamang. Why should I need to experience this kind of thing?!

"Sweety, we already told you this before. Right? We told you that you are not allowed to have boyfriend because you're already in a fixed marriage. You can not do anything about it." Pagsasalita ng aking ina.

"Mom, I thought it was a joke." Puno pa rin ng iritasyon ang aking boses.

"Anak, you need to do this. It is for our company. With it, I know our company will grower and more successful." Saad sakin ng aking ama.

"Wala po ba kayong tiwala sa akin na mapapatakbo ko yun ng ayos?" Pagtatanong ko sa kanila.

Pinalapit naman nila ako sa kanila at saka ako niyakap ng mahigpit. Hanggang sa napa-iyak na lamang ako.

"Mom and Dad, I don't want to marry a person that I didn't meet." Saad ko sa kanila.

"Anak. We chose him because he will be a good husband for you." Sagot sa akin ng aking ama.

"How did you know it? Hindi naman ako, kayo?! I should be the one to choose whoever the man that I want to be my husband." Inis ko namang banat pa rin sa kanila.

"Anak, he is a nice guy. Okay? Please, if you really love us. You will marry the man we want for you." Mahinahong saad sakin ng aking ina.

Napabuntong hininga naman ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? I need to do this, it is one of my responsibility. Hmmm, I have an idea.

"When will I meet that man?" Pagtatanong ko sa kanila.

Nakita ko naman ang kasiyahan sa kanila nang marinig yun sakin.

"Three months from now." Simpleng sagot sakin ni Dad.

"Papayag na po ako. In one condition." Seryoso kong saad.

"What is it?" Pagtatanong sa akin ng aking ina.

"I want to be free for 3 months. I don't want you to control me. I will do whatever I want. If you allow me, papayag na ako sa gusto niyo at hindi na tututol pa." Sagot ko naman.

Nagkatinginan naman ang aking magulang. Sana naman pumayag sila.

"Sige, pumapayag na kami. Basta tandaan mo, after three months. Magpapakasal ka na sa lalaking gusto namin para sayo." Saad sakin ng aking ama.

Tumango naman ako at niyakap ko sila. Agad naman akong bumalik sa aking kwarto. I need to call my friends. Susulitin ko na ang 3 buwan na malaya ako. Kaya naman magpaparty kami mamayang gabi.

ION POV

Seryoso kong ginagawa ang aking trabaho nang pumasok sa opisina ko ang aking mga kaibigan. Dito na naman manggugulo ang mga ito.

"Bro, let's go. Magparty naman tayo. Trabaho kana lang lagi." Saad sakin ni Vhong.

"Nah, kayo na lang. I'm busy." Sagot ko.

Nanatiling hindi ako nakatingin sa kanila. I need to finish this. Dahil may pag-uusapan pa raw kami nina Mama.

"Bro, may mga girls doon. Anne, invited us. Kasama raw nila ang babaeng nirereto sayo noon pa. Si Vice ata yun." Pamimilit sakin ni Jhong.

"Pakialam ko naman sa babaeng yun." Inis ko namang sagot sa kanya.

Tsk, mamaya katulad lang yun ng mga babaeng nirereto sakin nina Vhong. Masyado kung makalingkis sakin. Naiirita ako sa mga ganoong babae.

"Sige na. Last na ito, kapag hindi mo type. Umuwi kana lang. Deal?" Saad sakin ni Vhong.

"K." Sagot ko na lamang.

Tuwang-tuwa naman ang mga ito. Lumipas ang mga oras at pumunta na rin kami sa bar. Sobrang ingay rito, it irritates me.

May mga lumalapit saking babae pero pinapaalis ko rin. Dapat hindi na lang ako pumunta rito eh.

"Hi, boys." Bati samin nina Anne, Karylle, Mariel at Ate Amy.

Ngumiti naman sina Vhong, Jhong, Ryan, Jhugs at Teddy. Samantalang, tumango na lamang ako sa kanila.

"Seryoso mo pa rin, Ion." Komento sakin ni Anne.

Inirapan ko na lamang ito. Ayoko silang kausapin. Nagkakasiyahan na nga ang mga ito. Habang ako'y tahimik lamang na nag-iinom.

"Asan na pala si Vice?" Pagtatanong ni Ryan.

"Papasok na raw siya." Sagot naman ni Karylle.

Hindi ko naman maiwasan na maging curious kung sino ba ang babae na yun. Ano kaya ang itsura nun? Mabilis ko namang iniling ang aking ulo. This is not me. I should not be interested on that woman who I never meet ever since.

Hanggang sa may lumapit sa aming babae. Simple lamang ang suot nito. Nakadress ng pula, simpleng make-up at nakastiletto. This woman is mesmerizing. Nakatulala lamang ako sa angkin niyang kagandahan.

Bumalik naman ako sa wisyo nang siniko ako ni Vhong. Ngumiti ito sakin ng nakakaloko.

"Guys, this is Vice." Saad ni Anne.

Pinakilala naman kami ni Anne kay Vice. Nakipag shake hands naman ito sa mga lalaki. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil may ibang humahawak ng kamay niya. Hanggang sa akin na nga ito humarap.

Ngumiti naman ito sakin ng napakatamis. Hindi ko namalayan na Ngumitiako ng pabalik sa kanya. My real smile. Fuck! I want to kiss this woman.

"Uy! Si Ion, ngayon lang ngumiti." Panunukso sakin nina Jhong.

Inirapan ko naman sila dahil dun. Lumingon naman sakin si Vice at umiling na lamang ako sa kanya.

"Ikaw lang kasi nakapag pangiti sa kanya. Hindi yan basta-basta ngumingiti. Tapos ikaw, ngiti mo lang. Ngumiti na rin siya." Sabat ni Vhong.

"Hahahaha, maybe I'm special." Pagbibiro ni Vice.

Parang musika sa panrinig ko ang boses niya. Okay lang sakin kahit lagi kong marinig ang boses nito. Hindi ako magsasawa sa babaeng ito.

Magiging akin din si Vice. I will make sure of it.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon