chapter 1 THE FIRST MEETING

475 16 3
                                    

FIELLE POV

          Annyeonghaseyo, I’m Fielle Aizhen Calibre, Fielle for short, 22 years old, and one of the employee sa Whylle Hotel. I’m a man hater. Galit ako sa lahat ng lahi ni adan. Pero nakikipagkaibigan ako sa kanila, but if the issue is about relationship, wag na umasa at baka magkaroon ng world war three. The reason why I hate guys? Because of my father na iniwan kami at sumakabilang bahay. Dahil sa kanya mama suffer for almost a year. Kaya for me lahat ng lalaki manloloko at hindi dapat pagkatiwalaan. I can be your friends but if you love me then be ready to be hurt.

          “Hoy Fielle, my chika ako sayo!” sabi ni Alexine. Nasa canteen kami for lunch.

          “Anu na naman yun? Ikaw napaka galing mong sumagap ng kwento. Dapat sayo reporter kesa maging receptionist.”

          “Ay naka sermon agad!” reklamo ni Alexine.

          “Go na nga! Anu chika mo?” tanung ko dito. Kahit naman sermunan ko ito, uselss din. Aandar parin ang pagka madaldal nito.

          “Darating na daw yung anak ng may-ari ng hotel together with his friends!”

          “And so?!” pag talaga ganitong boys ang usapan sapilitan kung pinakikinggan si Alexine.

          “Ang gwapo daw ng mga ito!”

          “Ayan ka na naman. Napakahilig mo sa mga gwapo ang mga gwapo walang hilig sayo.”

          “Ewan ko sayo Fielle! Wala nga pala akong makukuhang matinong sagot sayo! Nakalimutan ko, anti-adan ka nga pala.” At nagptuloy nalang ito sa pagkain. Buti nalang pala alam nito ang kung anu ako. Gwapo man o hindi, pare-parehas lang yan, mga lalaki parin sila at lahat sila manloloko.

          After lunch, medyo inaantok ako sa pwesto ko. Wala naman kasing nag chehceck-in na customer kasi  wala ng bakanteng room. Naghihintay lang kami doon ng tawag ng mga customer if they want something. I get my phone. Makatambay na nga lang sa fb or twitter para hindi ako antukin. Hindi naman bawal ang phone since loaded na ang lahat ng rooms.

          “Fielle tawag ka ni sir Mike!” lapit sa akin ni Denis, isa sa mga bell boy nitong hotel. Where friends even though he is a guy. Mabait naman kasi ito at medyo lalamya lamya ang galaw. May pagkabading kumilos.

          “Bakit daw?” tanung ko. Habang tinatabi ko yung aking phone.

          “May ipag-uutos ata sayo.”

          “Asan ba siya?”

          “Nasa office sa 12 floor.” Sagot nito at umalis na.

          Inayos ko muna yung sarili ko then go na sa elevator. I push the button 12.

          12 floor. Sa laki ng lugar na yun dadalawa lang ang kwarto doon. The office of the CEO and the conference room. Tanga lang ang maliligaw don kung saka-sakali man meron.

          I knock three times before I open the door.

          “Good afternoon sir Mike” bati ko sa boss naming na talagang hinihintay ako, kasi naman nakatingin ito sa may pinto.

          “You’re here Miss Fielle. Halika pasok ka.” Sumunod naman ako. “Pwede ka ba pumunta sa airport?” tanung nito agad pagpasok ko.

          “Bakit po sir?” I politely ask .

“Darating yung anak kung si Jexel and together with his friends and cousin. Maghihiwa-hiwalay na sila pagdating sa airport at kung pwede sana ikaw nalang magsundo sa kanya.” He said with a smile.

Sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng utusan na magsundo sa anak niya bakit ako pa. I hate meeting stranger guys.

          “Sige po sir!” ngiti ko pero pilit. Mahirap ng tangihan ang utos ng boss. Kaya kahit ayaw go nalang.

          “Thank you miss Fielle. Don’t worry sasamahan ka ni mang Rudy papuntang airprt.”

          “okey po sir! What time po ba ako pupunta don?”

          “Now na. andon na daw kasi siya eh.” Sabi nito in the middle of dialing his phone. Malamang tinatawagan nito si mang rudy.

He wave his hand saying na umalis na ako. As in now na! Madalian talaga! Kaloka naman ito si boss mag-utos. Urad-urada. Panay ang reklamo ko pero ito nasa parking lot na ako, at may sumalubong sa aking item na kotse at mukhang balak pa akong banggain.

          “Fielle, sakay na bilis!” Sabi ni mang rudy paka hinto ng sasakyan. Buti nalang ito pala ang driver kundi talagang sisigawan ko ito.

          Sumakay naman ako agad. Halos paliparin ni mang rudy yung kotse, sa pagmamadali. Buti nalang tapos na yung rush hour ng mga studyante kaya maluwag ang kalsada. Pagdating naming sa airport naiparada agad ni mang Rudy yung kotse at dali-dali kaming pumunta sa my waiting area. May nilapitan si mang Rudy na lalaki. Black wavey hair, tall, maputi as in super puti, kahit mayonaise mahihya tumabi dito at pang model ang dating, may built din ang katawan nito. Nakashades ito kaya hindi ko makita ang hitsura ng mata, but to be honest gwapo siya. Yun lang gwapo. No more no less.

          “Sir Jexel, tara na po!” sabay kuha ni mang Rudy ng dala nitong maleta. Ako naman nakatayo lang sa harapan nito. Anu pa ba gagawin ko. Kahit nga hindi na ako sumama ki mang Rudy magsundo okey lang.

          “Bakit ngayon lang kayo?” galit ang tono ng boses nito pero pigil.

          “Ngayon lang po kami sinabihan ni sir Mike na sunduin kayo!” sagot ng mang Rudy habang nakasunod dito.

          “Sobrang busy ba niya at ngayon lang ka lang nasabihan?” tanung ulit nito. This time nasa kotse na kami. Hinihingal ako sa paghabol ng mga step ng dalawang barakong kasama ko.

          “hindi ko po alam sir Jexel, tanungin niyo na lang po si Miss Fielle.” Sabay turo nito sa akin.

          Tumingin naman ito sa akin at inalis ang shades. Hmmmm gwapo nga talaga ito. he has a beautiful smile Laglag na naman ang mga undies ng mga empleyado sa hotel mamaya pagdating namin.

          “Bakit may kasamang babae?” tanung nito habang nakatingin sa akin at nakataas nag kilay.

          “Utos ni sir Mike.” Si mang Rudy ang sumagot.

          “Fine! So tell me how busy is my dad to forget my arrival and make me wait for a hour!” tanung nito sa akin   .

          “Malay ko. Receptionist lang ako, hindi ako ang secretary niya. If you want to know ask his secretary later.

          “So wala ka palang alam bakit andito ka pa?” asik nito.

          “Napag-utusan lang ako. At dahil amo ko siya whether I like it or not susunod ako.” Sagot ko. Pinipigil ko lang talagang angilan ito, pasalamat siya anak siya ng boss ko.

          “The hell with your reason!” and he cross his arms on his chest.

          Anu daw?! Loko ka, pasalamat ka nga sumama ako magsundo sayo.

          “Mang Rudy paki hinto sa tabi!” utos ko kay mang Rudy. Ayaw kung makasama ito sa isang sasakyan, at baka maupakan ko pa. Daig mo pa yng babaeng may regla!

          “Bakit po miss Fielle?” tanung ni mang Rudy habang binabagalan ang sasakyan.

          “Magtataxi na lang ako!” sabi  ko sabay baba ng maitigil na ang kotse.

Haters Fake RelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon