Chapter 27

108 8 1
                                        

FIELLE POV

 

Kung pupwede lang hindi pumasok sa trabaho ginawa ko na!

Ayaw ko makita si Jexel at ayaw ko din makita niya na namumugto ang mata ko!

Pero no choice! Kelangan ko pumasok!

One week on leave si Alexine for their honeymoon!

Jaski! Mag ha honeymoon pa ba sila eh may laman na yung tyan ni Alexine!

Diretso ako agad sa reception area pagdating ko sa hotel!

Inabala ko ang sarili ko sa mga files na naandon!

Buti nalang at kelangan na naman yung montly report sa area namin, magiging busy ako!

“Halika ka muna!”

Nagulat ako ng biglang may humila sa kamay ko!

Lintik! Si Jexel pala yun!

“Anu a itawan mo nga ako!” mahinang asik ko dito!

“Makipag-usap ka muna sa akin!” sabi nito at tumigil sa paglalakad.

Hinablot ko nag kamay ko sa pagkakahawak niya ang kaso ayaw pakawalan nitong Dracula.

“Wala tayong dapat pag-usapan Jexel!” sagot ko dito!

Kung wala lang siguro kami sa hotel kanina ko pa ito nasuntok!

“Meron mhine! Let me explain please!”

Ayun na naman yung pleading eyes niya!

“Anu pa papaliwanag mo Jexel? I saw everything! Makikinig pa sana ako sa paliwanag mo if ever itinulak mo man lang si Lea! Hindi eh! You like kissing her!”

Pinigil ko yung luha ko!

Ayaw kung umiyak sa harapan niya!

“Nabigla ako sa ginawa niya…..Sa taas tayo mag-usap!” sabi nito sabay hila sa akin.

Tamang-tama naman bumukas yung elevator at dumiretso kami ng sakay doon!

“Ayaw ko makipag-usap sayo Jexel!” sabi ko sabay hakbang papalabas!

Pero bigla ulit akong hinila ni Jexel at sumara na din yung pinto na elevator!

Haters Fake RelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon