chapter 6

162 12 0
                                    

       “Oh kopya mo ng magazine!” abot sa akin ni Jexel ng magazine. Nasa canteen kami for lunch.

           Its been a week since huli kaming magkita. Para lang kaming nagtataping ng we got married episode yung virtual marriage show sa korea dahil weekly lang kami magkita. Alam ko busy ito. At kung magkikita man kami dahil may reason like now. Baka daw dumating doon ang lola niya ngayong lunch kaya heto kami magkasabay na kumakain.

          “Ang bilis naman!” sabi ko dito habang binubuklat ang magazine.

          “Sample lang yan. Next month pa ang release niyan, binigyan lang nila ako ng maaga.” Sabi nito.

          Tumango na lang ako. Tinabi ko yung magazine at sinimulan ko ng kumain.

          “Grabe ang lakas mong kumain! May alaga ka bang anaconda dyan sa tiyan mo?” sabi nito habang nakatingin sa akin.

          “Wala. Binibilisan ko lang kasi pinagtitinginan tayo ng mga tao dito. Nakakaasar!” sabi ko na panay pa rin ang subo ko.

          “Hayaan mo nga sila! Dahan-dahan ka ng pagkain mamaya mabilaukan ka dyan!” sabi nito sabay abot sa akin ng tissue at itinuro ang pisngi ko.

          “Thanks!” sabi ko habang pinupunasan ko yung pisngi ko na itinuro niya!”Naaalibadbaran ako sa tingin nila!

          “Ganun? Tara doon tayo kumain sa 13 floor.”sabi nito sabay tayo.

          “Ayaw ko nga!”

          “Eh para kang patay gutom dyan eh! Let’s go doon tayo!” sabi nito at hinila ako. Pilit kung binabawi yung kamay ko sa kanya, pero sa malas ayaw nitong bitawan. Lalo tuloy kaming pinagtitinginan ng tao.

         

          JEXEL

          Ewan ko kung anu tumatakbo sa isip ko at hinila ko si Fielle paalabas sa canteen. Naiinis ito sa tingin ng mga tao and same with me, kaya hindi ako makakain which is kabaliktaran nito na panay ang subo. Maybe siguro nag-aalala lang ako na hindi ito mabusog kaya naisipan kung sa 13 floor nalang kami kumain. Habang naglalakad kami papuntang elevator, tinext ko si papa na kakain kami sa private room nito at nagpadala ako ng food doon.

          Nilingon ko yung hinila kung babae. And as expected ang haba ng nguso nito. Kung pwede lang ako nitong sigawan malamang kanina pa basag ang eardrum ko.

          “Mhine ang nguso mo para na namang nguso ng baboy!” i put my arms on his shoulder.

          “Alisin mo nga yang kamay mo at pwede ba tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Mhine nakakapangilabot eh! Asik nito at tinabig ang kamay ko. Pinandilatan ko siya at tinirik ko yung mata ko saying that may cctv doon.

          She rolled her eyes at hindi nalang umimik. Madali naman pa la itong makaintindi eh. We stay in that position, but there is a capital  S-I-L-E-N-T between us.

          The elevator beep indicating we are in the 13 floor, at nauna na akong lumabas. And I open the door for my girl kuno! Imbis na magpasalamat tinapunan ako nito ng isang matalim na tingin. Kung lang ang tingin na iyon ay isang knife malamang bumuwal na ako.

          “Bakit na kasi kelangan dito pa tayo kumain ha?” asik agad nito pagpasok pa lang namin.

          “Eh saan mo gusto doon sa canteen na pinagtitinginan tayo? Mabuti na dito we can eat peacefully!” I told  her before I go strainght to the mini kitchen.

          “Trending na naman ito hanggang bukas sa hotel!” I heared her seat in the sofa. Talagang binagsak nito ang katawan niya doon.

          “Hayaan mo na, natural na yan gf daw kasi kita!” I put the glass I get from the kitchen. “Kahit nga na hindi kita papasukin ngayon wala naman silang magagawa kundi ang pagchismisan kita!”

          Inirapan ako nito, at tinawanan ko naman siya. Maya-maya lanng dumating na yung pagkain na sinabi ko kay dad.

          “Anu ito last lunch!” sabi nito, ng makaalis na yung naghatid ng food namin.

          “Hindi naman! Bakit?” sagot ko habang inaayos ko yung pagkain sa table.

          “Eh ang dami kaya! Anu ito may patrabaho ka?”

          “Eh sa nagugutom ako! Tsaka mukhang gutom ka din eh. Tsaka mahirap na baka pumayat ka sabihin pa nila pinababayaan kita!”

          Ito na naman ang tingin nitong matalim! “Pwede ba, tigilan mo yang pagtingin mo sa akin ng ganyan at kumain ka nalang! Hindi ko naman pauubos sayo lahat yan eh!”

          “Ewan ko sayo! Pero thanks for the foods!’ sabi niya. Napangiti ako. Marunong pala itong magpasalamat.

          “Nga pala next week birthday ni lola!” sabi ko nung nasa kalagitnaan na kami pagkain.

          “So?!” sagot niya na bahagyang tumingin sa akin.

          “And so ka dyan! Syempre kelangan mong pumunta, dahil girlfriend kita at expected ka doon!”

          “Ayaw ko nga!” irap nito. Sarap tusukin ng tinidor ang mata nito na hindi nagsasawang tumingin ng masama at umirap.

          “Hindi pwede! Kelangan pumunta ka doon!” I said with an authority voice.

          “Wala akong isusuot! Hindi ako marunong mag-ayos! Anu na lang sasabihin ng makakakita sa akin doon!” sabi nito na tumigil sa pagkain.

          “Ako na bahala doon. Money works!”

          “Tssss!” irap nito.

          “Bukas diba day off mo?”

          “O eh anu ngayon?”

          “Kita tayo!”

          “Ayaw ko nga!”

          “Puro ka si ayaw! Pumunta ka dito bukas o kaya doon sa ice cream parlor, may pupuntahan tayo!”

          Tumingin siya sa akin na magkasulubong ang kilay!

          “Basta hihintayin kita bukas doon 10 am sharp! Wag kang malelate!”

          Hindi ito umimik at nakita kung umiiling ito. Hindi na rin ako nagsalita at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Wala akong makukuhang matinung sagot sa babae na ito. Malamang mamatay pa ako sa kakairap nito!

Haters Fake RelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon