FIELLE.
Rest day ko today at tamad na tamad ako kumilos. Wala akong kasama now dito sa bahay, sinundo siya kahapon nila tita. At dahil tamad na tamad ako ito ako ngayon parang piggy, pagulong-gulong sa higaan.
Biglang nag-ring ang phone ko at dahil doon muntik na akong mahulog sa higaan ko. Pangalan ni Jexel ang nakaregistered sa screen. Anu kaya ang kelangan nitong lalaki na ito, ang aga-aga tumawag. I answer his call.
Ako: hello
Jexel: wag mong sabihing kagigising mo lang?
Ako: oh eh anu ngayon sayo?!
Jexel: anung ano ngayon?Hoy babaeng ulayanin, may usapan tayo!
Ako: maka hoy ka naman wagas! Tsaka anung usapan?
Jexel: magkikita tayo ngayon sa may ice crea parlor malapit sa hotel at dahil late ka na andito ako ngayon sa labas ng bahay mo! Kaya lumabas ka dyan at pinagpifiestahan na ako ng mga kapitbahay mo dito.
Tot tot tot Call ended.
Ang damuho,pinatayan ako ng phone. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at andon nga ito sa tapat ng bahay namin. Ang dami ding tao sa tapat na tindhan ng namin. Wow ha! Ngayon lang ba anng mga ito nakakita ng Dracula sa umaga!
Dali-dali akong lumabas, may konsensya pa naman ako kahit papanu. Bukod kasi sa pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay namin chismosa ang init din ng kinatatayuan nito.
“At talaga pa lang kagigising mo lang!” sabi agad nito pagpasok na pagpasok loob.
“Eh wala naman akong pasok eh. Bawi lang ako ng pagod! Tsaka anu ba kasi ginagawa mo dito?”
“Sinundo ka!” sabi nito habang sitting pretty sa may sofa.
“Bakit naman?”
“limot mo talaga?”
“Seryoso ka pala kahapon? Kala ko kasi gutom ka lang, kaya di ko sineryoso yung sinabi mo!”
“Ewan ko sayo! Bilisan mo magbihis kana!” utos nito sa akin.
“Kape gusto mo?” alok ko.
“Juice nalang! Ang init kaya!” I rolled my eyes at iniwan ko ito sa sala. Pagbalik ko inabot ko dito ang juice at iniwan ko na ulit siya. Kapag minamalas ka nga naman! Kala ko total rest ako ngayon. Hindi pala, dahil makakasama ko si Dracula in a date peg.
JEXEL
Sarap batukan nitong Fielle na ito. Kung hindi kop ala naisipan na puntahan ito sa kanila, mapapanis pala ako sa paghihintay sa may ice cream parlor. Napabuntong hininga nalang ako at inikot ko ang paningin ko sa bahay nila. Simple lang ito. May isang portrait na nakasabit sa may taas ng t.v nila. It’s Fielle and his other. Tapos may mga picture din sa may divider. Ang kaso lang puro pics niya at ni mama niya lang ang naandon at walang picture ni papa niya.
I saw a big album under the table at kinuha ko iyon. Maghihitay naman ako ng matagal sa babaeng yun, libangin ko nalang ang sarili ko sa pagtingin ng mga pictures.
Panay ang tawa ko sa mga kuha ni Fielle nung bata pa ito. Ang cute kasi niya, angelic face, aakalain mo bang magiging ganito ito paglaki. Hindi ako makapaniwala na ang anghel na bata sa picture ay ang ngayong witch girl na si Fielle. Ang cute niya talaga.
I saw a picture na mukhang sinadyang sulatan yung mukha nung lalaking may karga na bata. It’s Fielle’s dad, kasi si Fielle ang batang karga-karga nito!
“Wag mo pag-aksayahan ng panahon tignan yang picture na yan. Its not worth wasting your time!” nagulat pa ako ng biglang magsalita si Fielle na nasa taas at nakatingin sa akin.
“Bakit naman? Diba daddy mo ito?”sinundan ko ito ng tingin pababa ng hagdan. Simpleng leggings lang at white shirt ang suot nito, pero bagay sa kanya.
“Eh anu naman ngayon kung daddy ko siya!” sagot nito at umupo sa tabi ko.
“Galit ka sa daddy mo?”hinarap ko siya. May dapat siguro akong malaman sa babaeng ito.
Tumango lang ito. And then her face suddenly gets gloomy. Napakunot ako ng noo? May past ba sa family na ito?
“Can I know the reason?” I try to ask baka sakaling magkwento siya.
She didin’t answer, she just remain silent.
“It’s okey if you don’t want to answer! Let’s go!” sabi ko sabay tayo. I grab her hand. Mukhang namimihasa na yata ako. sa paghawak ng kamay niya.
“You want to know the reason?” bigla niyang sabi nung hinihila ko na ito patayo.
“Kaya mo? Kung hindi okey lang no need to tell me after all we’re not real!” sabi ko at umupo ako ulit sa tabi niya. Nakayuko lang ito.
“I need someone to talk to about it!” sabi niya at tumingin ito sa akin. There is a tears in her eyes. Malamang pinipigil lang niya ang sarili niyang umiyak. Ganun ba kalala yung reason ng galit nito sa daddy niya!
“Okey, sige makikinig ako!” I face her. She start talking and she cry over nad over again. Feeling ko nanunuod ako ng live drama na iisa lang ang cast. I really feel her pain. Ito pala ang reason why she hates guy! She has a deep wound within her. Masyadong malalim iyon kumpara sa akin. Naawa ako sa kanya. She kept everything to herself at ngayon niya lang iyon nailabas. Ang hirap siguro nun. 15 years niyang tinago lahat iyon at walang pinagsabihan.
I hug her and kiss her head. Hinimas-himas ko din ang likod niya. God why she had to experience like this tapos wala pa siyang mapagsabihan ng nararamdaman niya sa takot nab aka iwanan din siya ng mga taong malapit sa kanya.
A/N
sa mga nakabasa na po ng kwento ko fromthe start hanggagn sa chapter na to....i made a mistake sa part 2.....dapat po pala Fielle pov hindi Ella! pasensya na po.... pero pinalitan ko na siya/!!!!!natuliro lang kasi ako eh...........nakita ko yung pics ni Jong Hyun!!!!!!!!!
tnx po ulit
BINABASA MO ANG
Haters Fake Relation
Fiksi Penggemara man hater and woman hater meet and they will act as couple in benefits of the guy. how will their relation go? Kahil ako hindi ko alam. Read niyo nalang 'tong story na 'to.