A week after the welcome party and that unexpected revelation, hot topic parin ako at si Jexel sa hotel. Hindi parin sila maka get over.
“Bez, hot topic ngayon dito sa hotel ah. Para nasa internet! Trending! balita sa akin ni Alexine. Nasa reception counter na kami.
“Expected na yan! Hayaan mo sila!” sabi ko nalang, habang inaayos yung mga gamit na iniwan nung pinalitan kung receptionist.
“Sana totoo na lang relationship niyo ni Jexel, para mas masaya!” sabi naman nito na magkasalikop pa ang kamay.
“Naku wag kana mangarap Alexine. Kayo na rin ang nagbigay sa amin ng couples name diba, we are Haters Couple. He is a woman hater and I’m a man-hater, kaya malabo pa sa kanal manyari yang sinasabi mo.
“pero bez bakit hindi ko pa ata nakikita na dumadalaw dito si Jexel ha. Chika tuloy dito may LQ daw kayong dalawa dahil sa ginawa nito nung welcome party niya.”
“Ewan ko sa kanya. Baka busy lang!” sagot ko habang patuloy parin ako sa ginagawa ko.
Tumahimik naman ito. Oo nga it’s been a week at hindi pa ito nagpapakita. Pero mabuti na yun, hindi ako mahihrapan mag pretend. Dapat wag na ito magpakita pa sa akin kahit na isang buwan, para may reason na magalit ako sa kanya at mag hiwalay kami. Atleast mapapadali pa yung pagtatapos ng fake relation namin
“FFFFFIIIIIEEEELLLLLLLLEEEEEE!!!!!!!”
“Ay kabayong bakulaw!” nakakagulat naman sumigaw itong baklitang Joey na ito.
“Dali! Dali! Dali! Nuod ka t.v iniinterview ang papa mo!” sabi nito na kulang nalang lumutang ito sa ere sa kakampay ng kamay. Ito ang manager namin si Joey. Bakla, kwela at higit sa lahat mabait.
“Wala naman akong papa no! Matagal ng sumakabilang bahay!” sagot ko dito.
“Ay boba! Bakit father mo lang ba ang pwedeng tawaging papa sa mundong earth! Ang tinutukoy ko ay yung love of your life na si Jexel! Nasa t.v siya!”sagot nito habang panay ang pindot ng remote control para hanapin ang chanel. May t.v din kami sa reception area.
Nung makita na niya ang chanel, daig pa ito ang nasa palengke na nagtatawag ng suki. Tinipon niya talaga lahat ng empleyado na nasa floor na yun para mapanuod ang interview ng kanilang future amo. Ako naman napakamot na lang ng ulo at napailing.
“Ay ang gwapo talaga ni sir.”
“Oo nga swerte ni Fielle!”
At kung anu-anu pa ang naririnig ko. Deadma nalang wala naman silang alam. Basta nakinuod nalang din ako para wala silang masabi.
JEXEL’S INTERVIEW (Q & A PORTION. YUN KASI YUNG NAABUTA NAMIN)
Host: What makes you come back here in the Philippines?
Jexel: it’s my dad request na umuwi na ako dito and of course my girlfriend.
(ayyyiiieeee!!!!!sabi ng mga nanunuod sabay tingin sa akin. Ako naman pretend to be happy. Kinakarir ni Jexel eh kaya kinakarir ko na din kahit na nakakapangilabot.)
Host: since nabanggit mo yung girlfriend mo, ganu na ba kayo katagal?
Jexel: 3 years and 6 months.
BINABASA MO ANG
Haters Fake Relation
Fiksi Penggemara man hater and woman hater meet and they will act as couple in benefits of the guy. how will their relation go? Kahil ako hindi ko alam. Read niyo nalang 'tong story na 'to.