Chapter 5

121 47 34
                                    

Alisianna's POV

Isang buwan na ang nakalilipas at hindi pa din ako makapaniwala na nagtatrabaho pa din ako sa hotel na ito. Napapatingin nalang ako sa paligid, parang panaginip lang ang pangyayaring iyon na hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaan.

Naalala ko yung oras na papunta ako sa HR para mag-quit, ngunit habang papalakad ako ay nakasalubong ko ang mga empleyado sa labas ng office na nakahelera sa gilid at nakatingin sa'kin. Tumango ako sa kanila at patuloy na naglakad hanggang sa magsimula silang magpalakpakan.

Nakita ko ang head ng HR namin malapit sa pintuan na tila ba ay nagaantay sa'kin. Nginitian niya ako at binati sa dahilan na hindi ko maintindihan. Dahil imbes na mawalan ako ng trabaho dahil sa taong gumulo sa buhay ko, nabigyan pa ako ng promotion as Hotel Front Desk Agent? Pakiramdam ko ay nananaginip ako.

At ngayon heto ako, nakangiti sa bawat customer na pumapasok sa pintuan. Responsibilidad ko ang pagasikaso ng lahat ng kanilang concern. At dahil masaya ako sa bago kong trabaho, sinisiguro ko na maibigay at maipaliwanag sa kanila ang mga dapat nilang malaman.

Dumami ang trabaho ko, pero tumaas din ang sahod kaya tinanggap ko na. Kaakibat ng natatamo ko ngayon ang mga matang mapanghusga ng iba kong katrabaho. Hindi nila lubos maisip na mula sa paglilinis lang ng mga kwarto ay isa na din ako sa personal na nagaasikaso ng mga kliyente namin. Hindi ko nalang iniisip ang mga panghuhusga nila dahil ang importante sa'kin ay mayroon akong trabaho at malaki ang sahod.

"Mago-out na ako," banggit ko sa kanila. Tumango lang sila at nagpatuloy sa pagtipa sa keyboard.

Dumeretsyo ako papunta sa aking cabinet locker upang kunin ang aking cellphone at utensils para makapag lunch na sa pantry. Ilo-lock ko na sana muli ito ng may marinig akong naguusap patungkol sa'kin.

"Balita ko nga, inakit niya daw yung kaibigan ng may-ari kaya na promote,"

"Iba talaga ang malandi, kahit anong oportunidad sinusunggaban," natatawa nitong pahayag.

Isinara ko na ang aking locker at naglakad palayo sa kanila na parang walang narinig at ipinakita ang aking pinaka magandang ngiti. Eto lang kasi ang paraan para lalo silang mainis at mapagod sa pagkwekwento na wala namang katotohanan.

Pinilit kong kumain ng mapayapa sa isang sulok kahit na maraming nakatingin. Ilang minuto ang nakalipas ay may lumapit sa'kin at umupo sa harapan ko. Napalingon ako sa mga matang nakatitig sa kinaroroonan ko, at napatingin sa kaharap ko.

"Hi," pagbati niya sa'kin. Kapansin pansin ang maaliwalas na mukha ng isang lalaki na nakangiti sa'kin. Pinilit kong alalahanin kung saan ko siya nakilala hanggang sa siya na ang nagsabi. "Bar, remember? Ms. Beautiful in red dress?,"

"Ah yeah. Hi," nagaalinlangan kong sagot. Hindi ko pa din siya maalala. Natawala lang sya at muling nagsalita.

"Last month -- sa Celestin Bar -- yung nag-bayad sa bills mo," pilit niyang pinaalala sa'kin hanggang sa nanlaki nalang ang mata ko at naalala ang pangyayaring iyon.

"Gosh! Is that you? Mr. Galante," natatawa kong pahayag. Nagtawanan kaming dalawa ng maalala ang pangyayaring iyon. "Nagulat nga ako eh, kahit na hindi ko naman natupad yung usapan natin pinalabas pa din ako ng bouncer," bulong ko sa kanya.

"Nga pala, dito ka din nagtatrabaho? Ngayon lang kasi kita nakita dito, saang department ka ba? Para naman minsan makasabay kita kumain. Paano kasi, simula ng ma-promote ako, ang daming chismis dito tungkol sa'kin," sabi ko sa kanya. Babanat pa sana ako para magkwento ng may lumapit muli sa aming table.

"Sir, good morning po. May lunch meeting po kayo with Agatha Dela Cruz, about po ito sa event sa December," pahayag ng isang lalaki na mukhang nagtatrabaho sa kanya.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon