Chapter 4

106 46 34
                                    

Alisianna's POV

"Ally, ipinapatawag ka sa room G8. Request ka nung customer, kilala mo ba 'yon?" tanong sa'kin ni Ms. Zintia.

"Naku! Hindi po ma'am, bakit daw po ba? May problema po ba sa room na nilinis ko ma'am? Iniwan ko naman po ng malinis 'yon, kaya wala po silang mairereklamo sa'kin. Ginagawa ko po ang responsibilidad ko ma'am. Kaya po sana paniwalaan niyo ako Ms. Zintia," mahabang maliwanag ko sa kanya.

"Hays. Ang dami mo namang sinabi Ally. Puntahan mo muna ng malaman mo, aba malay ko, basta ang sabi sa'kin, papuntahin ko daw yung Room Attendant na naka-assigned maglinis nung Friday," paliwanag niya.

Agad kong tinungo ang 4th Floor upang hanapin ang room kung saan ako ipinatawag. Pilit kong inaalala ang araw na 'yon dahil marami akong nilinis na kwarto, hanggang sa mapahinto nalang ako at naalala yung lalaki sa bar at sa banyo.

Shit malaking gulo ito kapag nagkataon. Hindi pa din ba 'yon makalimot? Grabe naman 'yon. Akala ko pa naman galante, mausisa naman pala. Naku! Lord iligtas niyo po ako.

Nahinto ang pagiisip ko ng matunton ko ang kwarto na 'yon. Pilit kong ikinakalma ang sarili at nagsisimulang magisip ng gagawing pag-arte sa oras na makaharap ko na naman ang lalaking 'yon. Pipindutin ko na sana ang doorbell ng bigla itong magbukas, kaya napapikit ako sa kaba.

"Hi. Ikaw pala," malumanay na boses ng isang lalaki. Napadilat ako ng dahandahan at nilingon siya.

"L-luke?" Pagaanlinlangan kong banggit sa pangalan niya. At napahinga ako ng malalim.

"Dito ka pala nagta-trabaho? Ikaw ba ang maglilinis ng room namin?' tanong nito.

"Ah eh, oo, siguro? Ang sabi sa'kin ni madaam, ipinatawag daw ako dito. Hindi- ba ikaw- ang tumawag," putol-putol kong pahayag ng makita ang demonyong lalaki sa likod niya. Napangiwi nalang ako sa eksenang ito.

Paano ba naman. Ang lalaking hindi makamove-on sa ganda ko, ay ipinatawag pa ako sa room nila. Kung saan ko natuklasan na magkakilala pala sila ng lalaking nakilala ko nung isang araw at yung lalaking manyak. Shit. Manyak? Oo nga noh.. ah ma-chance din pala akong makaganti dito, kapag binulgar niya ang nangyari sa'ming dalawa. Napangiti nalang ako ng palihim.

"Ako ang nagpatawag sa'yo Ms. Alisianna Kristen Lopez," at napangiti pa ang lalaking iyon. Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ang buo kong pangalan.

Kahit ang HR ay hindi alam ang totoo kong pangalan, alam lang nila ang Alisianna. Kaya ganon nalang ang pagtataka ko kung paano niya nalaman ang pinaka lihim kong pagkatao. Alam niya kaya kung sino ako? Pero paano? Naglaho bigla ang mga inipon kong pagarte sa mga oras na iyon.

"Lopez? Is there a chance na related ka sa Lopez Consolidate?" pagtatanong ni Luke.

"Ha? Naku! Ano ba yang consolidate consolidate na yan? No-- ah bakit niyo po ako ipinatawag sir? Marami pa kasi akong tatapusing trabaho, may ipapagawa po ba kayo?"

"Nagmamadali ka ata Ms. Lopez? Sigurado ka bang dito natin paguusapan ang tungkol sa concern ko?" Napatitig ako ng masama sa kanya. Lalo pa akong naiirita sa nakangisi nitong bibig.

"I have to go, Alisianna it's nice to meet you again. Sige maiwan ko muna kayo. Bro! Una na ako, kailangan ko pang sunduin si Cath," nginitian ko lang ang nagmamadaling makaalis na si Luke.

Sinundan ko ito ng tingin paalis hanggang sa masiguro kong wala na siya sa paligid. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking kakapasok lang sa loob ng kwarto, at sinundan ko siya papasok. Walang ibang tao sa loob, kundi kaming dalawa lang.

Dahil sa init na nararamdaman ko sa pagkainis sa lalaking ito, hinubad ko ang telang nakatali sa aking damit at hinatak ang balikat niya paharap sa'kin. "Ano pang alam mo, bukod sa pangalan ko?!" seryoso kong pagtatanong sa kanya.

"Chill. Ms. Lopez, baka nakakalimutan mo, customer mo pa din ako," mapangasar niyang pahayag.

Feeling cool pa ang hayop at umupo sa dulo ng higaan. "Ang totoo, wala naman sa panahon ko na alamin kung sino ka. Ang gusto ko lang eh malaman ang pangalan ng babaeng nakilala ko dito sa kwarto ko. Hanggang sa sabihin nila ang pangalang Alisianna, na pamilyar sa'kin," pahayag niya. Hindi matapos ang galit na nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na ito.

Dalawang taon ko itong inilihim sa mundong binubuo ko. Siniguro kong walang makakaalam ng sikreto ko. Kaya naman ganito nalang ang galit ko ng malaman ng lalaking ito ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay kailangan ko na naman bumuo ng bagong pagkatao.

"Anong gusto mong mangyari? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harapan niya.

"Wala," tipid niyang sagot. Hindi ako nakumbinsi ng sagot na 'yon hanggang sa dugtungan niya ito. "Nagtataka lang ako, kung bakit? Para saan ang pagarte mong ito? Kung tutuusin wala ka ng kinakailangan sa buhay, bakit?" Muli niyang pagtatanong.

"Wala ka na doon. Hindi mo ako kilala, at wala kang alam tungkol sa'kin, kundi ang pangalan na iyan. Kaya una sa lahat, lubayan mo na ako. Kung tungkol ito sa perang ibinigay mo sa'kin, hindi mo na 'yon mababawi, dahil naibigay ko na sa'yo ang kapalit-"

"Yun na nga Ms. Lopez, parang hindi mo naman deserve ang 30K. Kaya bakit?" Napatayo siya at lumapit pa sa'kin dahilan para mapaatras ako. "Bakit ganoon kadali makuha ang isang Ms. Lopez? Anyways, kung ganito din naman ang sitwasyon pwede ba ulit kitang maulit?"

Naubusan ako ng pasensya sa kanya kaya naman nasampal ko siya ng malakas ng tatlong beses. Nanatili ang kanyang matigas na katawan sa pwestong iyon kahit ilang tulak pa ang gawin ko. Napaiyak nalang ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong magagawa sa ganitong sitwasyon. Bakit? Bakit ba niya ako nakilala? At bakit ko pa siya nakilala?

"Who said that I want it?" tinignan ko siya at nakita ang pagkagulat sa kanyang mga mata. "Hindi mo alam kung ano ang mga ginawa ko para lang bumuo ng panibagong buhay. Sino ka para insultuhin ako?! Sino ka para husgahan ako! -- Isa kang manyak na lalaki na dumaan sa buhay ko, na kailangan kong tanggapin para magpatuloy sa buhay!" Namamaos kong pahayag sa kanya, kasabay ng mga luha na pinipigilan kong bumagsak.

"Tapos pakiramdam mo, may kwenta ka na sa buhay ko? Pakiramdam mo maapektuhan mo ang buhay ko!" --- "Who said? That I want it? Kaya kong i-give up ang work na ito, huwag ka lang makitang muli!" Huling pahayag ko bago magwalk out.

Nangmakalayo ay dumeretsyo ako papunta sa isang cubicle at doon nagpatuloy ang paghagulgol ko. Ano ng gagawin ko ngayon? Ngayon na may nakakaalam na ng pagkatao ko? Saan ako pupunta? At paano ako bubuo ng panibagong mundo?

__________________
I will really appreciate if you vote every part of it! Thank you so much.....

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon